special dedication to my ever so beautiful friend na si Bianca May Matignas. :) happy birthday girl! basahin mo naman tong story ko. haha! thank you. :*
Jen's POV
A friend is someone who can be with you in your most crazy times...
Nasa sasakyan ako ngayon kasama si Xander. And where the heck is he taking me? Yon ang hindi ko alam. Ewan ko ba naman sa ungas na to. Simula nung maging okay kami e palagi na kaming nalabas. Siguro malaki na rin ang nagagastos nya sakin pa lang. Syempre di naman pedeng pag lalabas kami e hindi kami gagastos di ba? minsan ina-aproach ko naman siya tas sasabihin ko ako naman magbabayad pero ayaw nyang tanggapin. Oh well, yun ang gusto nya e. Pagbigyan na lang. lagi pa din naman ako nakikipagchat kay Mr. Workaholic. Pag nakita nyang online ako e chinachat nya agad ako. Pero di pa din kami nagkikita. Nahihiwagaan tuloy ako sa kanya e. Tinanong ko naman si Jessie about dito pero di daw nya matandaan kung sino yun e.
"San ba tayo pupunta? alam mo nahihiya nako kay Jess, lagi na lang siya naiiwan sa shop. Kasalanan mo to e."
"Okay lang yon. Everytime naman na uuwi kami e nagpapaalam na ako sa kanya. Teka, ano bang ginagawa mo? Sinong katex mo?"
"Ah wala. Nagfafacebook ako. May tinatry lang kontakin." Oo nga pala. Wifi ready kasi yung car nya. Astig no? Ako din magpapakabit. Andaya nya e. Nainggit ako. T^T
"Ah ganon ba? e successful ba? nakontak mo?"
"Hindi nga e. Mukhang busy."
"Okay. I-ooff ko na muna wifi ko para walang distractions."
"Hey! that's unfair! ughh!" tapos nawalan na ng connection. Di pa ko nakakapag logout e. Baka sumagot pati si Mr. Workaholic. Nakakaarar. tss.
After hours of driving ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Spell W-H-A-T?! Isang amusement park? Yung palagi naming pinupuntahan nung higschool ako. Talaga naman oh. Walking down memory lane again? Nakakaasar na araw to ha. Akala ko ba mag papakasaya kami ngayon?
"Bakit tayo pumunta dito? di ba sabi mo pupunta tayo kung san masaya? e hate ko 'tong lugar na to e."
"Oh bakit? Di ba noon naman gustung gusto mo to? Nagtitipid pa nga tayo para lang makakuha ng ride-all-you-can ticket dito e. C'mon, di ka pa 30years old. Stop acting like one."
Kung alam nya lang. Nung nawala siya halos araw araw ako nabalik dito. Sobrang namiss ko kasi siya e. Akala ko pag pumunta ko dito makikita ko siya. Then I realized na nagpapaka-stupid lang ako don sa paghihintay. Kaya kinalaunan e hindi nako bumalik pa dito. And for the first time in a long time nagbalik naman ako dito, at kasama pa siya. tss.
Pumasok na kami sa loob suot yung wrist tag namin. Sana lang mag enjoy ako. Naisip ko kasi nase-stressed na din ako sa work. palaging busy at di na nakakapag relax. Tama. Eenjoyin ko na lang to.
Dahil may toyo siyang kasama, una naming pinasukan ay mga horror rides. Papatayin ba ako ng maaga neto? Puro ganon ang pinasukan namin. Halos di nga ako nabitaw sa damit nya na masisira na anytime sa pagkakahawak ko e. Lakas ng gapak nya. Tapos tinutulak din nya yung mga nasa harapan namin para mapalapit dun sa mga parang zombies or whatever that is. Nakakatawa siya. Eto siguro yung sinasabi nyang 'fun'. Parang nung high school days ko lang. Kaming dalawa, masayang magkasama. Sobrang namiss ko siya, pero sana di ito maging way para ibalik ang nakaraan.
"Tara, kain na muna tayo. Nagutom ako dun ah."
"Oo nga, nakakapagod din pala. San mo gusto kumain?"
"Ahh.. ikaw na bahala. Libre mo naman di ba? okay na sakin kahit ano."
"Sige dito ka lang ha. Babalik ako. ahm, pahawak na muna ng phone ko ha?"
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romansamakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?