chapter 30: The promised vacation (part 2)

118 1 0
                                        

hello kay Maine Aguilar. sana mag abot naman tayo minsan dito sa watty. :DD thank you sa pagfan. :))

"it's okay.. pero alam mo ang naging pinaka mahirap? yung hinding hindi ko malimutan na alaala ng nakaraan??"

"ano?? anong alaala yun Jen? tell me.."

"yun yung..

mga panahon na wala ka.."

naiiyak ako. hindi ko alam na sa tagal na din pala niyang nandito ay nasasaktan pa din ako. hindi naging madali ang pagkawala niya. una, dahil naging bestfriend ko siya. at pangalwa, dahil naging lihim ang pagmamahal ko para sa kanya. tapos bigla na lang siya nawala nun. pagkatapos niya masaktan dahil sa ex niya at dahil din kaya sa nalaman niya ang lihim kong pag-ibig sa kanya?

ikinwento ko sa kanya ang lahat. as in LAHAT. ayoko na maglihim since nanliligaw na naman siya sakin. karapatan din niyang malaman ang lahat. at alam din niya na tinulungan ko noon ang weird na si Keith para magbago. ewan ko pero nag-iba ang tingin nya nang malaman niyang naging close kami ni Keith. nagseselos kaya siya? imposible. pero hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na unti-unti ay napapamahal na naman ako sa kanya, ayokong malaman niya agad. baka kasi hindi na siya mag- effort e. ayoko nun. gusto ko bumawi siya ng bonggang bongga sa ginawa niya. at hindi porket pumunta kami dito ay magiging kami na. NO. para namang ginaya namin sila Jessica no. err, kelangan ko na palang sanayin ang sarili ko na Jessica ang itatawag sa kanya since dalwa silang may 'Jessie' ang name, yun nga lang Jessica yung isa naging shortcut lang.

pagkatapos namin magkwentuhan ay natulog na kami. pero ako? eto, dilat na dilat pa din. hindi ko nga alam kung makakatulog pa ako e. super gaan ng nararamdaman ko. ganoon pala talaga ang pakiramdam no? kapag wala ka nang alalahanin pa. noon iniisip ko kung paano sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari sa buhay ko. pero ngayon nagawa ko na. sana naman mas maging okay ang samahan naming dalwa. gusto ko pa din naman i-keep yung pagiging friends namin. yung feelings, saka na yun. pag kami na. baka nga mas maging maayos pa pag naging maganda ang takbo ng friendship namin e. naexcite naman ako dun.

"babe, gising na."

"maaga pa babe. mamaya na."

"anong maaga pa. 11am na no. gising ka na dyan. magtatampo nako nyan."

"maaga pa nga e. 11 pa la--- ANO??!!! 11AM NA?!"

"easy. oo 11am na. brunch na kakainin mo nyan. wala pakong balak gisingin ka pero baka ma-over sleep ka na niyan."

"haay. osige sige babangon na nga ako. bigyan moko ng 1hr."

"ang tagal naman. 1hr? di pa pwedeng 30 minutes lang?"

"hinde. kaya sige na labas na."

"bakit pako lalabas? e sooner naman makikita ko na din lahat yan. ^____^"

"hoy Xander, ang bastos mo ha. hindi pa tayo mag-asawa. hindi pa nga tayo e kaya shupii nga! aga aga. "

"I was just kidding. I can wait Jen. it's not what you think." at pagkatapos nun lumabas na siya. ako naman nakatayo lang dito sa may pinto ng bathroom. parang.. nainis siya. BAKET?? siya naman nauna ah. weird ee. PMS-ing lang ang peg?

pagkalipas nga ng 1hr e natapos nako. ang sarap maligo! may bath tub kasi e. yung sa condo ko wala. magandang shower lang. T.T kaya fineel ko mabuti ang tub dito. bumaba nako at nagpunta sa dining room. wala si Xander. asan kaya ang masungit na yun? tapos nakita ko si manang lucy. andun siya sa may garden at may kung anong pinag kakaabalahan.

"ah, manang lucy nakita nyo po ba si Xander?"

"wala ba sa kwarto niya iha?"

"ah, hindi ko po tinignan e. sabi kasi niya kakain na kami ng tanghalian."

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon