Jessie's POV
after weeks of staying at Batangas, balik na kami ni Kian sa dati naming mundo. syempre, sinabi ko sa family ko na kami na nga ni Kian. lahat sila nagulat sa balitang dala ko pero sino ba naman sila para pigilan kami di ba? alam ko magugulat sila pero marami silang time para mas makilala si Kian. eto kasi yung first time kong magdala ng lalaki sa bahay and introduce him as my boyfriend to my parents. kaya alam ko na ganito ang reaction nila.
hindi ko muna sinabi sa kanila na alam ko na ang little secret nila. pwede magpahinga naman muna ko? :) masaya ako sa isang linggo kong kasama si Kian. at pagbalik ko dito sa bahay, parang nakaramdam na naman ako ng kabigatan. siguro dahil na din nga sa nalalaman ko. pagkadating na pagkadating ko, hinanap ko agad si kuya. buti na nga lang at nandito siya. medyo na-weirduahan nga siya sa ginawa ko pero sinabi ko na lang na namiss ko nga siya.
next day..
"hello Christine? si Jessie to, pede ba tayo magkita?"
"oo naman. ah saan mo ba gusto?"
"punta ka na lang sa shop. ok lang ba?"
"osige, anong oras ba?"
"6pm. may gussto lang sana ako linawin e."
"osige sige. tawagan kita pag pupunta nako."
"okay. ingat ka."
eto na yon. eto na ang araw na yon.
buong araw akong nasa shop pero nagkulong lang ako sa office ko. natetense ako. hindi ko alam kung bakit. sasabihin ko lang naman ang totoo ah. bakit ba? para naman sa aming lahat to. kaya dapat lakasan ko ang loob ko.
6:00 pm..
"ah, nandito ba si Jessie?"
"sandali lang po mam tatawagin ko lang siya, maupo na muna kayo dyan sa waiting area."
"ah sige, salamat."
tinawag nako ni Rachelle, ang assistant ko kapag wala si Jen. kinuha ko ang isang paperbag na may lamang dress. gusto ko kapag nagkita kami, maganda siya. oo maganda naman talaga siya pero gusto ko yung presentable naman ang suot niya. pagkakita ko sa kanya, tulad ng ineexpect ko, suot na naman niya yung blue scarf niya na pinantatakip niya sa mukha niya. mabuti na lang at naalala niya. ayoko pang ibulgar niya ang tunay na itsura niya e. baka malito ang mga tao dito sa shop. sumakay na kami sa kotse ko at pumunta sa isang restaurant.
"Xander, anong meron? bakit nagset ng dinner ang kapatid mo?"
"hindi ko rin alam mommy e. tanong na lang natin sa kanya mamaya pagdating niya. teka asan na ba yun?"
"on the way na daw siya. katatawag ko lang. sorry I'm late. madami lang inasikaso sa business natin."
"dad, nandito kayo sa pilipinas. next week pa kayo babalik sa Europe. iwanan nyo na muna trabaho nyo dun."
"it can't wait anak. baka hindi pa umoo yung company nila Mr. dela Rosa sa deal. sayang din yun."
"osige dad. di ko naman kayo mapipigilan e."
"sorry I'm late."
"finally, dumating ka din. ano bang meron?"
"oo nga nak, bakit ka nagpa set ng dinner."
"mom, dad, kuya.. may gusto lang akong ipakilala sa inyo."
"we already know Kian. teka, asan na nga pala siya?- Xander
"no. hindi siya ang ipapakilala ko sa inyo. Christine.."
halos hindi makapagreact ang tatlo sa nakita nila. hindi maintindihan ni mommy at daddy ang gagawin nila. nakita ko na nashock silang lahat sa ginawa ko..
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romansamakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
