hello sa isa sa karibal ko kay top na si bebe jams. :D asawa na daw kasi nya si TOP. na-sad ako dun pero alam nya na may bago nako. haha! quiet ka lang ha? o.o
Jessie's POV
Iniiisip ko na nananaginip lang ako. na hindi totoo yung nakita ng mata ko. pero mali ako. alam ko na totoo siya. kahit na hindi siya naaabutan ng mata ng iba. natatakot ako. hindi ko alam kung bakit sa akin lang siya nagpapakita at hindi sa ibang kakilala ko. sinubukan ko siyang titigan, pero sa tuwing lilingunin siya ng kasama ko, bigla siyang nawawala.
"sunshine, ok ka lang ba?"
"h--ha??'
"kanina ka pa tulala dyan? sino ba tinitignan mo?"
"hindi mo ba nakita yung babaeng nakatayo sa labas kanina?"
"hindi e. bakit? sino ba siya?"
"haay. Kian, naniniwala ka ba na sa milyung milyong tao sa mundo may kamukha ka?"
"oo naman. (^^,)'
"talaga?! teka, seryoso ko."
"haha! joke lang yun. wala no. wala akong kamukha kasi nag iisa lang ang kagwapuhan ko."
"haay. kalimutan mo na nga lang ang sinabi ko."
"e ano ba kasi yun sunshine? ishare mo naman sakin."
"ayoko. hangga't di ko ulit siya nakikita hindi ko sasabihin sayo."
"ay.. naglilihim ka na sakin sunshine? (_._)"
"Kian naman. hindi sa ganon. gusto ko lang na may mapatunayan. tara na nga. naiinip nako dito sa shop. labas na muna tayo."
"okay! sige. ^______^"
sa pangalawang pagkakataon, nakita ko na naman siya. pero nabigo akong ipakita siya sa mga kasama ko dahil nawala agad siya. natatakot na talaga ko. hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sabihin sa kanila. baka isipin nila na nababaliw na ako.
*** sa labas ng The Desserts***
so dito pala siya madalas pumunta. by any chance, sa kanya siguro to. nagtataka na din ako, bakit ba palaging nagtatagpo ang landas namin? hindi ko naman siya magawang lapitan. kelan ko kaya siya makikilala? sana.. sana malapit na..
sabi ng mommy ko, mahal na mahal niya ko. na kahit kami lang daw dalawa ang magkasama habang buhay, masaya na daw siya. akala ko okay ang lahat. pero ganon talaga ang buhay, hindi mo mape-predict kung ano ang mangyayare. hindi mo malalaman ang mga bagay na dadating pa lang at bago mo pa lang matutuklasan.
sa loob ng mall....
"mommy, tignan mo oh."
"ano yon anak?"
"bakit kamukha ko siya?"
"ha? sino Christine?"
"ayun po oh. kamukhang kamukha ko siya e."
"nako, gutom lang yan nak. tara na sa iba na lang pala tayo pumunta. pangit dito e."
'gutom lang yan nak.' oo nga naman. bata pa ko non e. hindi ko pa alam ang mga tungkol dito. hindi pa ako aware sa mga nangyayari sa paligid ko. pero ng dumating ako sa tamang edad, dun ko narealize na may mali e. na hindi na tama ang mga nakikita at nararamdaman kong kinikilos ng mommy ko.hanggang sa nalaman ko ang masakit na katotohanan..
"Christine, patawarin moko."
"ma, ano to? sino ang babae na nasa picture?"
"kapatid mo siya anak. kakambal. patawarin moko."
"ibig sabihin, may.. may kakambal ako?"
"yung batang nakita mo noon nung nasa mall tayo, siya.. siya ang kakambal mo. at sila ang tunay na pamliya mo."
"pero.. paano.."
"nakita kita noon sa may park na walang kasama. halos mamatay na din ang pag asa ko ng araw na yon dahil namatay ang anak ko. Christine, Christine ang pinangalan ko sa kanya. namatay siya ng dahil sa aksidente. at dito sa lugar na to naganap ang aksidenteng yon. ang tanga ko. hindi ko naisip na iiwanan lang siya basta basta ng tatay niya dito. kaya nung araw na makita kita, hindi nako nagdalawang isip pa na kunin ka."
"ang mga tunay kong magulang? kilala nyo ba sila?"
"hinde. pero nakita ko silang hinahanap ka habang nakasakay na tayo pauwi dito. inilayo kita sa kanila pero ikaw naman ang kusang nakahanap sa kanila. natakot akong mawala ka ulit anak, kaya kita inilayo sa kanila. ayokong mawala ka anak. patawarin mo ako."
"paano naman ako ma? wala na ba kong karapatan makilala sila? sila ang tunay kong pamilya. ngayong malaki nako, hindi ko alam kung papano ko magsisimula. hindi ko alam kung tatanggapin ba nila ko o hindi na."
pero naawa ako sa mommy ko. kahit hindi niya ko kadugo, hindi ko naramdaman sa kanya na ipagtabuyan nya ko. ibinigay niya sa akin ang lahat sa kung paanong paraan niya kayang ibigay. hinding hindi ko naramdaman na nag iisa ako. puro kabaitan lang ang pinaramdam niya. kaya napag desisyunan kong kalimutan na lang ang mga nalaman ko at maging si 'Christine' pang habang buhay. pero sadyang mapilit ang tadhana at pinagtagpo ulit kami ng kakambal ko. ngayon alam ko na kung san siya hahanapin. pero nararamdaman kong natatakot siya. sa tuwing makikita ko siya, palagi akong nagtatago at biglang nawawala. sa mga oras na yon, nakakaramdam ako ng tuwa at lungkot. tuwa, dahil sa pagkasabik kong makausap siya. at lungkot dahil alam kong hanggang tingin lang ang kaya kong gawin.
kukuha lang ako ng tamang tyempo. balang araw, magkaka- usap din tayo. pero wala nakong balak pang guluhin ang pamilya nya. gusto ko lang malaman kung okay lang sila at kung anong magiging reaksyon nila sa oras na makita nila ako..sino ba talaga ko?..
-Christine
AUTHOR'S NOTE
gusto ko lang ishare sa inyo yung experience ko kanina nung mag cocomputer ulet ako. :DD pagbukas ko kc netong wattpad e parang nagtotoyo. tas kinlick ko na yung my works derecho sa chapter na to. pagbukas ko wlang laman. 0.0 super natense nako. akala ko tlaga nwala na yung mga sinave ko. tapos nirestart ko siya, log off na lang tas balik sa account ko. fingers crossed nung binubuksan ulit si watty e. after few seconds ayun andun pa naman pala yung UD ko. at eto na yun. :D sa unang basa akala mo nakakatakot yan. pero wait for other UD's magegets nyo din ang sinasabe ni Jessie. :)
speaking of Jessie, siya na po yung nasa left photo, si Kim So Eun. yung naka blur, secret pa po kung sino siya since hindi naman talaga Christine yung name nya. :)) malalaman nyo din sa takdang panahon.
vote, comment, add to reading list and don't forget to fan me. :))
- NAJ
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romancemakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
