Jen's POV
3 months...
Somehow nakalimutan ko na ang sakit ng nakaraan. I've been enjoying Korea the day I got here. Pero syempre, kung may tao kang kinakalimutan, mayron ka pa rin naman mga taong dapat pahalagahan. Every now and then ay nagkakausap kami ng bestfriend kong si Jessica through skype. She told me na nag move out na sya sa kanila at nag enroll ng business management sa La Salle. I'm happy for her now that slowly,she's pursuing her dream.
Ako, nag enroll naman ng foreign language dito sa Korea. Hindi ko pa naiisip mag business dahil nagbabakasyon lang naman ako dito. Next week na din ang concert nila Keith dito at excited na talaga ko makita sya kaya nag aaral na ako ng mga Korean dishes dito para maipagluto ko sya. Nabalitaan ko din na nagsisimula nang mag ayos ng kasal sila Ate Macy at kuya Lindell kaya nanghihinayang din ako na hindi ko sya matulungan sa mga pagpa-plano.
May nakilala din akong filipino dito. Classmate ko sya sa foreign language actually. At magkikita kami ngayon para sa 3 hours class.
"Annyeonghaseyo! Bakit ang tagal mo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Mianhe. Alam mo naman na mahirap iwanan si Mina di ba? Kulit kulit ng batang 'yon."
"I see. Bakit kasi hindi ka pa magpakasal e. Tutal, may anak ka na rin lang naman."
"Alam mo, hindi tayo parehas matututo agad mag Korean dahil hanggang ngayon nagtatagalog pa din tayo."
"Ehh, pagbigyan mo na ako. Buhul na buhol na nga yung dila ko. Tas 3hrs pa tayo ngayon. Kelangan ko talaga ng break."
"Nga pala, kelan ko ba ma-mimeet yung mga kaibigan mo? Para naman masanay na din si Mina mag tagalog no. Kailangan same level lang kami ng knowledge sa Tagalog at English."
"Soon Daniel. Soon. Tara na! Malelate na tayo."
Haay. Kailan nga ba ako magiging handa? Ngayon ko pa lang halos nararamdaman ang pagiging masaya. Ngayon ko pa lang binubuo ulit ang pagkatao ko.
*******
"Son, are you alright? Kanina ka pa tulala dyan? Malapit na magstart yung meeting."
"Sorry dad. Mauna na po kayo sa loob. I'm just preparing myself para sa meeting mamaya."
"You better be. Hindi lang business ang dapat mo mapa-oo sa meeting na 'to. Pati na din ang future dad mo. Alalahanin mo, magpapakasal ka sa anak nila soon. Kaya ayusin mo ang mga gagawin mo."
"Opo dad."
Pagkatapos nya ko paalalahanan ay lumabas na din agad sya. Here I am again on this shit,stupid life. Hanggang kailan ba ako gagawing puppet ng tatay ko? Nasasawa na ako sa ganitong buhay. Lalo pa ngayon na wala na siya.
Future dad si Mr. Smith? Grabe. Parang buong buhay ko nakatadhana na lahat ng gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko ihihinto ang takbo ng kapalaran ko. This sucks!
"Hubby! Thank God hindi pa nagsastart yung meeting. Are you okay?"
"Yeah. Why are you here?"
"E kasi naman nakakainip na sa bahay. Saka I have something to tell you, oh.. Show you pala."
"Ano naman?" walang kagana gana kong pagsagot.
"Here oh. Positive! Oh my gosh hubby! Ang galing natin! Daddy ka na!!"
Pinakita nya sakin yung pregnancy test at may dalwang guhit ito. Meaning,positive ngang buntis sya. How could I be happy? E nagbunga ang kagaguhan ko sa kanya? Kaya kami naghiwalay lalo ni Jen is because of that stupid act that we did. Akala ko talaga niloloko lang nya ako. Pero,talaga pa lang may nangyari samin. I hate this life.
"Hubby,san ka pupunta?"
"Meeting. Umuwi ka na."
"Hindi ka masaya. Is there something wrong?"
"Nothing. Just go."
"Tanggapin mo na, tayo talaga ang para sa isa't isa. I love you so much Xander. You know that i'll do everything for you."
"Tama na please. Umalis ka na."
"Xander,bakit antaga--Jc, hija! What brings you here?"
"Well tito, I went here because I want to tell Xander that he's going to be a father soon!"
"Son, is that true?"
"Yes tito, i'm pregnant po! Look oh! Soo positive."
Pinakita naman ni Jc sa dad ko ang pregnancy test at tuwang tuwa naman sila pareho. Sooner or later, I'm going to be tied up to this woman. Ang babaeng hindi ko naman mahal, and she's already carrying a child. A fruit of our mistakes,our wrong doings. Hindi ko sya kaya mahalin, papano ko sya pananagutan?
Nag email ako kay mom dahil gusto ko talaga sya makausap. Sya lang ang kayang umintindi sakin ngayon. 'Mom, can you please come here with us ni dad? Sa mga gantong panahon,kailangan ko talaga kayo.'
Nang matapos ang meeting ay sinabi agad ni dad kay Mr. Smith ang balita. Hindi naman sya nagalit sa akin. Mas mapapagtibay daw non ang relasyon ng mga kumpanya namin at ng pamilya namin. Wala akong masyadong kaibigan dito dahil hindi na din ako nag-bother pa makipag kaibigan. Ayokong tumira dito. Mas gusto ko pa din na sa Pilipinas manirahan. Aantayin ko pa din sya. Kahit alam kong wala na akong karapatan pa.
Umuwi ako sa bahay at nakita kong nandon na naman si Jc. Nagluluto sya at parang wala lang akong nakita at dere deretso sa kwarto ko.
"Hubby! Wala man lang ba akong kiss? You know what, nag move na ako dito sa bahay mo para naman makapagsanay na tayo na magkasama. Kasi magiging asawa na naman kita e."
"Jc, stop cooking. Get your things. Umuwi ka na."
"Xander,bakit ba ang sama mo sakin? Ano bang problema mo?"
"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Hindi na kita gusto."
"Hon, I can always wait. I'll wait until the day na kaya mo na. Na kaya mo na magmahal ulit. I'll be patient. Kami ng anak mo. I love you bee. Always and forever tayo di ba?"
Always and forever. Naalala ko na naman sya. Humarap ako sa kaninang nagsasalita hoping that it was her. But still, nalungkot at nabigo na naman ako. Bakit ba ako pilit pinaparusahan ng mundo? Nakakasawa na. Hindi ko na inintindi si Jc. Pumasok na ako sa kwarto, nagkulong at inintay na mag umaga.
Kinuha ko ang phone ko. Tinignan ko ang mga pictures namin nung mga panahon na magkasama pa kami. Those happy moments together,those precious smiles, the never ending love of us when we were together. 'Mahal na mahal kita Jen. My always and forever' sinabi ko sa sarili ko.
Author's note
Aww, nakakaawa naman si Xander. By the way, yung POV po ni Xander ay hindi kasama sa 3months na POV ni Jen. Since "without you" yung title ng chapter parang pinakita lang po yung buhay nila na hindi sila magkasama. Baka kasi na-confuse kayo dun sa pregnancy test na part. Yun lang. Happy reading guys! May next update na po agad agad. :)
Vote,comment and don't forget to fan me. Kamsamnida! :)
_NAJ
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romancemakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
