Money and Lust

246 4 1
                                        

Chapter 7

True to my expectation, gabi na nang makita kong bumaba si Xenon para kumain. I decided to have my class sa resto malapit sa hotel because it is a good spot to have class. Kita ko ang pagwawala ng dagat. 

Tumaas ang kilay n'ya nang makita ako. Naka-akbay pa siya sa babae niya na halatang pagod dahil sa... kung ano man ang ginawa nila.Iniwas ko ang tingin sa kanya. May fifteen minutes break pa ako para sa mga bata. The cold night didn't bother me. Mas maingay ang dagat kumpara kanina pero ito iyong klase ng ingay na nagpapakalma sa loob ko. It was like a dramatic for me... a bit. 

Humagikgik ang babae. Hindi ko intensyong lingunin sila pero masyadong masakit sa tainga ang halakhak niya. Nasa akin nga lang ang mga mata ni Xenon. 

I pursed my lips; hinahamon din siya.

Anong problema niya?

Hinila siya ng babae papasok sa kabilang resto kaya nakahinga ako nang maluwag. After my break, binalikan ko na iyong klase ko para matapos na. Dumapo ulit ang tingin ko kina Xenon na mukhang napili pa atang magpahangin sa labas.

Tumaas ang kilay niya at itinaas kaunti ang inumin. I shrugged. I seriously don't want to be associated with him in any way aside from work... pero... dahil sa kapabayaan ko, nandito ako kasama siya sa beach!

Inisip kong sana man lang magka-amor siyang iuwi ako. O kung sana may pera ako para umuwi mag-isa pero hindi naman pwede. Naisip ko... na baka ito ang oras na kunin ang tiwala ni Mrs. Madrigal. I need to have an eye on him. This is part of my job.

 Sana nga lang meron pa akong trabaho.

Lord, bigay mo na sa akin 'to. Kailangan ko talaga ng pera. Hindi ako pwedeng masisante. Kahit anong hilingin ni Mrs. Madrigal, gagawin ko!

Really!

"Xenon... please? Can I stay tonight?"

Kumunot ang noo ko. Naglalakad sila palapit sa pwesto ko.

Xenon chuckled. "You know... I don't do cuddle, Mary."

Sumimangot ang babae. "Hindi naman tayo magka-cuddle, ah?"

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Xenon. Then he glance at me. Bumaba ang tingin ko sa laptop at napaabot sa apple juice ko na kanina ko pa 'di nagagalaw.

"You good?"

Hindi sumagot ang babae.

"Vina..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ako pala kausap niya.

"Hmmm. Yup," I answered.

"Sino siya?" Maarteng tanong ng kasama niya. May binulong sa kanya si Xenon bago nagbago bigla ang timpla nito. I gritted my teeth. Xenon shook his head at tuluyang umupo kasama ang babae. Hindi ko sila papansinin. I need to work. 

 Money... money... eyes on the money, Divina!

After thirty minutes, I stretched my arm to relax. Hindi ko na pinansin ang dalawang naglalandian sa likod ko. Pagkatapos ng klase ko, I removed my headphone dahilan para marinig ang pag-uusap nila. Rinding-rindi na ako pero hindi naman ako papayag na ako itong mag-adjust sa kanila.

"Maganda sa Samal... punta tayo ro'n?"

"I'm sorry. I think this is the last time," rinig kong sagot ng amo kong gago.

"What? I thought—"

Xenon chuckled. "I already told you earlier. I'm serious."

Hindi ko na kailangan lingunin ang sumunod na nangyari. Bigla nalang kasi akong nakarinig ng sampal bago nagmartsa ang babae papalayo. Hindi na rin ako nagulat.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon