Finally

39 2 1
                                    

Chapter 29

"Vina... I know you're not sleeping," he said.

Goddamn it! He's here! Nandito siya at nasa tabi ko pa!

Alam niyang hindi naman ako natutulog. Siguro dahil sinabi ni Joyce! Alam na alam kong pinagkakalulo niya ako kay Xenon. He sighed. Naramdaman ko ang pagtayo niya at pag-ayos ng comforter sa akin.

"Huwag ka nang umuwi. You better sleep here—"

Agad akong bumangon. I glared at him. Halos magwala ang puso ko dahil nakita ko siya ulit. His lips parted, nagulat dahil diretso ang tingin ko sa kanya.

"What are you doing here?" malamig kong tanong.

"Simon told me that you're here."

"Nasaan si Joyce?"

Napakamot siya sa noo niya. "Umalis. Aalis na rin ako—"

"Why? Why did you come here?" I gritted my teeth. I just want to ask him kasi pagod na ako. Pagod na ako kasi ilang taon na. Ilang taon na pero wala pa ring nangyayari. Okay na ako. May business na pero hindi ko pa rin kaya. Tapos nandito na naman siya.

"Vina—"

"What do you want? Kung sinabi ni Simon na nandito ako, bakit ka pumunta?"

I waited for his answer. He just stared at me.

"Ano?"

I had been pouring all my efforts and years just to forget him. But still... nandito pa rin. Nararamdaman ko pa rin. Mahirap talagang mag-move on! Dumating na nga sa punto na suko na ako! Sinukuan ko na kasi kahit ano namang gawin ko, kahit ilang taon na ang lumipas, ramdam ko pa rin! Iyong akala ko na handa na ako tapos kapag nalalaman kong nandiyan siya sa paligid, kabado bente na naman ako.

"Vina, let's talk when you're ready, okay?" He licked his lips—hinilamos niya pa ang mukha niya kaya kitang-kita ko kung gaano siya nafru-frustrate sa nangyayari. "Malapit na matapos ang proseso ng annulment." He spoke with a low voice.

Umusbong ang kaba ko.

"And? What's next?" I smiled coldly.

"And... I'll come back to you," nakatingin siya sa akin, diretso lang sa mga mata ko. "You know that I love you, right? I am just... fixing things legally. Kasi ayokong maging complicated na naman at maging rason kung bakit ayaw mo pa rin akong makasama."

"Shit..." I kept repeating to myself. "Shit."

"Vina," he called my name. After a second, bigla n'ya nalang akong yinakap. I closed my eyes as his warmth embraced me. Gusto ko na talagang umiyak. Pagod na pagod na ako... pakiramdam ko, dahil sa pagod, papayag na ako sa kung anong gusto niyang mangyari sa amin.

"I missed you," he tossed my hair. "But wait for me a bit... malapit na talaga."

Pinunasan niya ang mga mata ko.

"Y-your son?"

"Archie is fine. Nag-a-adjust na siya sa co-parenting setup namin ni Ylena."

Yinakap niya ako ulit.

"Sorry..."

He groaned in pain. Mas mahigpit ang yakap ngayon. Parang takot na takot siyang mabasag ako pero mas takot siyang makawala ako.

"I am sorry too, Vina. You didn't deserve this."

Gatilyo sa akin ang sinabi niya kaya tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Nagtago ako sa dibdib niya at parang batang umiiyak. I mean... after how many years, ngayon lang ako umiyak nang ganito. Humagulgol ako kasi feeling ko para na akong sasabog dahil sa pinaghalong sakit.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon