Oh, Ylena

220 5 1
                                        

Chapter 12

"Tayo ka na..."

I glared at him. "Hindi nga kasi..." Tinampal ko ang kamay niya. Humalakhak siya kasi alam niyang napipikon na ako. Marami na kaming nainom... but I can  handle myself. Kasama ko naman si Xenon kaya okay lang ako.

Hate to admit it... but the asshole really look after me.

"Ylena is out of nowhere."

"Tawagan mo kaya?"

Humalukipkip siya. "Nandito lang 'yon. She's staying with her law buddies."

Nahihilo na ako but Xenon suddenly reached my hand, dahilan para mapatayo ako at mahawakan ang dibdib niya. My eyes widened. Agad akong napaatras at kinakailangan niya pang hawakan ako ulit para hindi mapaupo sa sofa dahil sa gulat.

He smirked. "Sige na..."

"Gusto mong isumbong kita?" Panakot ko sa kanya sabay upo ulit. Hindi nga kasi ako sasayaw!

He groaned like a child. Natawa ako. Nilingon niya ulit ang dance floor at nagrereklamo kung bakit ayaw kong dumalo ro'n. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang grupo ng mga babae na panay ang tingin sa kanya. Kaya siguro...

"Sus... gusto mo lang puntahan ang mga babae," I murmured. Bakit ko nga ba nakalimutan na gago ang hinayupak na 'to?

Nilingon niya ako. "Huh?"

Natawa ako. Hinilot ko ang noo ko bago tumingin ulit sa kanya. Kunwari pa siya!

"Hindi ka talaga nagsasawa sa babae," dagdag ko.

He sighed.

"Gusto ko lang sumayaw tayo, Divina. Anong babae..." He licked his lips and glared at me. "I want... to dance." Then he looked away.

"Edi sumayaw ka, sir." Natatawa pa rin ako.

Xenon muttered a curse and reached his another shot. Hindi ko siya maintindihan. Kung gusto niya naman pala sumayaw, edi sumayaw siya! Basta 'wag lang siya mag-e-eskandalo, wala namang problema sa akin.

"KJ, amp..."

"What?"

"Kaya siguro... suplada ka? Kulang ka siguro ng enjoyment sa buhay."

This asshole...

"Sumayaw ka nga. Dito lang ako. Hindi naman ako aalis," sabi ko.

Of course, he didn't buy that. Nagsindi nalang siya ng sigarilyo at mas nag-order pa ng beer para sa kanya. Hindi niya na ako hinayaan pang uminom. He just ordered more desserts for me... at masaya naman akong natikman lahat ng best sellers nila.

"Hi Xenon!"

A blonde girl went to him. Tumango si Xenon bago siya ginawaran ng halik sa pisngi. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap. Pinapatunaw ko ang leche flan sa bibig ko nang imbitahan nila si Xenon sa kabilang table.

He blew out the smoke. "Maybe next time girls... Can't leave tonight."

The girl pouted.

"Aww... sayang naman."

"Puntahan kita bukas?" Tinagilid ni Xenon ang ulo niya at malaki agad ang ngiti. I pursed my lip and tried the cream cake this time. Medyo mapait iyon kasi coffee flavor pala.

"Uuwi na kami bukas, e." Malungkot na sagot ng babae.

"Aw... that's sad so... maybe next time will do."

'Di ko alam pero nagpapa-cute si Xenon bago umalis ang babae. He smirked nang mapansin niyang napailing ako. Dapat pala sinumbong ko 'to sa mommy niya. Para makarma.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon