Chapter 24
"Miii! Mi! Mi!" Lucio pouted as he tried to grab the chocolate from me. Natatawa ako pero pinigilan ko 'yon kasi gusto kong makita niya na seryoso ako sa pagbabawal.
"Mii!" Nanunubig na ang mga mata niya dahil sa inis. Ayan na... magsisimula na.
Suminghap ako at tuluyang nilayo sa kanya ang tsokalate. Obviously, humagulgol siya ng iyak kasi 'yon lang naman ang kaya niyang gawin.
"Ate..."
"He's eating too much sweet. Itatabi ko na sana," sagot ko.
Natawa siya at tuluyang sinara ang makapal na libro. It's been three years... Naghahanda na si Daisy para sa board exam niya ngayong November. After she graduated, si Arian naman ngayon ang pumapasok. Kung meron man magandang nangyari sa kanila ngayon, iyon ay ang pagsisikap na makatapos. Na pinatunayan nila na... being delayed is part of a process. Graduating na rin si Arian. Si Tita Lita naman ay may naipundar na maliit na tindahan.
Nilingon ko silang dalawa. Kumalma na agad si Lucio dahil nilalambing na ni Daisy. Kinabahan pa naman ako! Hindi talaga para sa akin ang mga bata. Feeling ko, iiyak lang sila kapag kinarga ko!
Pagkatapos kong bisitahin sina Daisy, dumiretso aki sa clinic ni Joyce. May kausap siya sa loob kaya dumiretso ako sa table ko. I found out na sobrang bata pa ng kliyente niya sa loob.
Pero wala namang pinipiling edad 'yong ganito.
Walang manual.
"I want to eat cheesecake," si Joyce.
"Order tayo?"
Ngumuso siya. "No sugar for this day. I'm on diet."
Ngumiti ako. Kaya nga inaya ko siyang umorder kasi alam kong may diet plan siya... pero mukhang seryoso na siya ngayon dahil may disiplina na siya sa pagkain.
5PM na nang ayusin ko ang mga gamit ko. Joyce invited me to have dinner at pumayag na rin ako. Naalala kong may usapan nga pala kami ni Cezara tungkol sa ipapatulong niyang online site kaya pumayag na rin ako.
"Nag-usap kami ni Simon kasi may ipapakilalang mangliligaw daw."
Inayos ko ang salamin ko. "Okay lang sa inyo?"
Ngumuso siya.
"Hindi naman pero pinapakilala sa 'min, e. Ang sabi ni Simon, respetuhin daw iyong tapang ng bata na pupunta para ipresenta ang sarili."
Natawa ako. "Relate ata siya..."
Nawala ang ngiti sa labi niya. Natatawa ako kasi... naalala ko kung paano nagwala si Mrs. Graciano dahil may isang Florendo na naglakas-loob na tumungtong sa bahay nila.
"Vina..."
I smiled at Simon. Halatang kakatapos lang ng meeting nila. He suddenly went to Joyce, asking for a hug. Napainom tuloy ako sa wine ko. Hugs... forehead kiss—feels like deja vu to me. Umismid ako nang malasahan ang pait... ng nakaraang pag-ibig. Joke. 'Di nga... nagulat ako dahil mas mapait at matapang ang wine na napili ko.
"Nagkita kayong... magkakaibigan?" rinig kong tanong ni Joyce.
Simon nodded. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Ngumiti ako dahil alam kong humihingi siya ng permiso pag-usapan ang mga kaibigan niya. It's been a year since wala na akong balita sa kanila. Aside from Ylena's post about their newborn baby. Last year lang 'yong post niya para ibalitang nanganak na nga siya sa US. Isang taon ang pinalipas niya para sabihin sa lahat 'yon.
Hindi pinakita ang mukha ng baby. Tanging mga daliri ng paa lang ang pinakita niya sa post tapos may mahabang caption tungkol sa pagiging ina. Ang cute siguro no'n. Four years old na 'yong anak nila... I wonder kung kaninong nagmana.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETED
RomantikWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...
