Lonely

175 3 0
                                        

Chapter 17

"Daisy..." Humikab ako at sinubukan tawagan ang kapatid ko. Tatlong araw na kasi simula noong nakausap ko siya. Hindi rin siya nag-o-online. Pagkatapos ng ilang beses kong pagtatangkang tawagan s'ya, sumuko na ako.

Tumayo ako at inayos ang kama. I tied my hair and reached for my slippers. Kinuha ko ang nalalantang rosas malapit sa bintana ko. Pinitas ko ang mga dried petals at saka inipon 'yon sa isang box.

Napangiti ako.

Bumulaga sa akin ang mga messages ni Xenon. It's been one week since he went to Seattle para daluhan ang mga magulang niya. Noong una, ayaw niya—obviously... pero kalaunan, napapayag ko na rin.

At kahit na nasa ibang bansa siya, araw-araw, may dumadating na bulaklak para sa akin.

"Pwede ng maging flower shop ang kwarto mo. Mukhang mamahalin pa ang dumadating na bulaklak!" natatawang asar ng landlady namin.

Napakamot ako sa batok ko. Hay naku.

Mrs. Madrigal gave me a task. Mga office paperworks lang 'yon. Hindi naman ako nahirapan kaso may mga pagkakataon lang nagkakagulo ang meeting kaya inayos ko 'yon. Sinasagot ko rin ang mga tawag para sabihin na wala nga sila.

Umaga palang, sa opisina ako ni Mrs. Madrigal tumatambay. Maayos at mamahalin ang gamit n'ya mula mesa hanggang sa muwebles na nakadisplay. Pagpasok mo palang, may sasalubong na agad sa 'yo. Napalingon ako sa malaking family picture.

Nakatayo sina Mr. Madrigal at Xenon na parehong may suot na eleganteng suit. Nakaupo naman si Mrs. Madrigal at striktang ngumiti. Hanggang balikat ang buhok; medyo kulot ang dulo nito. May malaki at kumikintab na diamonds na makikita sa bawat sulok ng katawan n'ya. She's very elegant... and expensive. Nakahawak siya sa kamay ni Xenon na nakapatong sa balikat niya. The picture... screams elegance... powerful... being superior.

I gritted my teeth. Napaayos ako sa salamin ko at binalingan ulit ang family picture. Napako nga lang sa ngisi ni Xenon.

He's really out of my league... Xenon Jude Garcia Madrigal...

But I do love him.

Inaamin ko na 'yon... but I know he's not for me.

Hindi nakatulong ang pagiging bagot kaya lumabas ako para magpahangin.I opened my Telegram at nakita ang huling mensahe ni Xenon. It was a photo of him, doing a mirror shot. Nakasuot na naman siya ng suit... looks like business meeting everyday huh...

I sighed. Pinasok ko ulit 'yon sa bag ko at tumungo sa pantry. Binati ako ng mga empleyado dahil kilala naman nila ako. Nag-coffee lang ako at pagkatapos no'n ay bumalik ako sa opisina para tapusin ang naiwang trabaho.

Kinabukasan, nagdesisyon akong bumisita sa mansyon ng mga Florendo. Of course, hindi ako tinantanan ni Joyce Florendo.

"I am very shocked! Pinagbantaan ko pa si Simon dahil alam kong maloko ang kaibigan niya."

I sighed. "Siraulo ka..."

"What? Tama lang naman no! Kasi ako confused rin ako at 'di kumbinsido. Parang kailan lang at para kayong aso at pusa kung mag-away tapos nabalitaan ko nalang na... may something kayo! Hah! Nakakaduda, ha..."

Tumaas ang kilay ko.

"Ikaw nga... minahal mo si Simon kahit na mortal na magka-away ang pamiya n'yo. Unexpected rin 'yon," katwiran ko.

"Oh? So talagang inaamin mo na mahal mo nga?"

Inabot ko ang juice at nakipagtitigan ako sa kanya.

"Malandi ka! Mahal mo na nga!"

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon