Accident

172 3 0
                                        

Chapter 36

Everything happened so fast.

Nagising nalang ako na nasa hospital kasama si Xenon. Pagod na pagod ang katawan ko. Suddenly a warmth touched my hands. Nakita ko si Xenon na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Finally..." He sighed. "Shit... tinakot mo ako," gasgas ang boses niya bago ako pinatakan ng halik sa pisngi.

He looked in pain, like he felt crying the whole day just because I overslept. Iyon ang akala ko pero nagulat ako nang sabihin niya sa aking isang linggo akong tulog at dumaan ng operasyon.

Hindi ako nakapagsalita.

"Vina," his voice shaking terribly... like he's afraid.

Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Panay ang halik at yakap sa akin ni Xenon. Hanggang sumagi sa isipan ko ang isang aksidente.

"Vina," Joyce smiled at me.

Siya ang pumalit kay Xenon dahil kukuha lang ng gamit namin. Nakasunod lang ang mga mata ko sa bawat kilos niya.

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako.

"Shock ka pa rin ba? Sigurado ka bang ayaw mong tawagin ko si Doctor Sarmaniego para mapatingnan ka—"

Inabot ako ang apple. "I'm okay."

"Feeling ko hindi ka okay," she answered back. "May masakit ba sa 'yo?"

"Wala... pero," I licked my lips. "Parang may bumabagabag kay Xenon. Ilang gabi ko nang napapansin na malalim ang iniisip niya sa tuwing inaakala niyang tulog ako."

Agad na natahimik si Joyce. I took a slow breath. Parang... feeling ko may nangyari habang tulog ako.

"May nangyari... pero hindi niya lang sinasabi," dugtong ko.

"Pagod lang siya at dala na rin ng pag-aalala sa iyo." Lumapit si Joyce sa akin. "Magpagaling ka, okay? Hindi mo alam kung anong nangyari kay Xenon nang makita ka niyang nababalot ng sariling dugo..."

Kumalabog ang puso ko.

I panicked.

Tapos naisip ko ang kasal.

Parang feeling ko bad timing na naaksidente ako. Ano kayang iniisip ng mga Madrigal ngayon? Bad luck ba? But...

"Vina..." Xenon whispered. Napansin niyang nagpapanic attack ako. Tatlong araw pa bago ako tuluyang nakalabas ng hospital. He insisted na umuwi muna ako sa bahay niya dahil gusto niya akong matutukan.

Noong una ayoko... pero sinabi ng doctor ko na makakatulong 'yon sa akin at dahil siyempre gusto kong maging maayos para kay Xenon... pumayag na rin ako.

Isang gabi, binigyan ako ni Archie ng bulaklak at Bible. May kung anong humaplos sa puso ko. Simula noong naaksidente ako, mas lalong naging sweet siyang bata. Xenon was proud of his son. Kinarga niya ang anak at nagpaalam na ihahatid niya sa kwarto para tuluyang makapagpahinga.

"Goodnight, Tita Vina!" he shouted and waved his hand. Ngumiti ako.

Pero nawala rin agad 'yon.

I am not fully recovered yet. Tama si doc. Hindi porke't wala na ako sa hospital ay magaling na ako. The accident traumatized me. Lalo na sa tuwing naalala ko ang isang staff kong... nasawi. Mabait si Yassy. Masipag din dahil tulad ko, breadwinner siya ng pamilya niya.

Pero hindi niya nakayanan.

I don't want to blame myself.

Pero naalala ko... at masakit na nakakatakot. Pero wala na naman akong magagawa. Nagpapasalamat ako dahil ligtas ako. Na may second chance pa ang buhay ko.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon