Mercy

207 5 1
                                        

Chapter 9

I was covered with warm towel. Naghubad ng damit si Xenon bago binalikan si Manong na paniguradong nilalamig na rin dahil sa pagsagip sa akin. I closed my eyes... this is even my worst!

Naramdaman kong may naglapag ng isang tsa-a sa harapan ko. Nakita ko si Ylena na naupo sa kama at inabutan pa ako ng isang twalya.

"You should change your clothes," she said. "May damit naman ako pero ayaw pumayag ni Xenon na ipahiram ko sa 'yo. Napaka-OA," she added.

I pursed my lips. Hindi maganda ang ginawa ko kaya...

"I'm sorry..."

She sighed. "Delikado ang ginawa mo. Talagang sumama ka sa isang stranger... at nakita ka namin na nasa dagat na. Paano kung nakalayo nga kami... at dinala ka ng isang mangingisda sa ibang lugar?"

Huli na nang mapagtanto kong deliakado nga...

"Drink this. Paborito kong tsa-a 'yan kaya alam kong magugustuhan mo. It will help you to calm down."

Hindi ako mahilig sa tsa-a pero sinubukan ko 'yon at masarap nga. Magsasalita pa sana ako pero dumating na si Xenon at agad na lumapit sa akin. Kinuha niya ang twalyang dala ni Ylena at tinabunan ang mukha ko!

"Xenon!"

"Doon ka sa kabilang kwarto. Magpapadala ako ng damit mo. You can take your hot bath," sabi niya, binalewala ang pagsita ni Ylena sa kanya.

Nakabalot ako ng twalya. Hinila niya ako para ilipat sa sinasabi niyang kwarto. Ngumuso ako nang buksan niya iyon... and the lights went on. Malaki iyon kumpara sa kwartong napasok ko kanina.

Umalis din siya pagkatapos niyang iminuwestra sa akin ang bathroom. True to his words, pwede nga akong mag hot bath do'n. I removed my wet clothes. Pagpasok ko, may malaking salamin na tumambad sa akin. I look like a mess. Pinagkasya ko ang sarili ko sa bath tub at panandaliang ninamnam ang init na nagpapakalma sa akin.

This is my first time. Hindi ko alam kung saan ako kabado. I worked with the Gracianos for years. Ilang beses akong pumalpak; kinabahan but this is too extreme to handle. Naglalagabog ang puso ko sa tindi ng kaba. Ilang beses akong napagalitan pero 'di ko mapangatawanan ang rason kung bakit ko sila sinundan! Nang makitang galit na galit si Xenon, nanghina ako! I was covered with guilt, embarrassment and frustrations!

Palpak ako last week at mas pumalpak ako ngayon!

Napahawak ako sa bewang ko. His bare hands... leave something. Hindi ko nga lang matumbok kung ano 'yon. Himala nga talagang tinanggal niya ang gloves niya. Siguro wala na siyang oras para mag-inarte pa kaya niya ginawa iyon. But then... kabado pa rin ako. Hindi ako mapakali. Hindi naman iyon ang unang beses na may humawak sa bewang ko.

Pumikit ulit ako.

Tao rin naman ako. Sinubukan ko rin naman makipag-date at during my college years, nagka-boyfriend rin naman ako. Hindi ko nga lang sineryoso iyon kasi mas priority ko ang pag-aaral dahil ayokong mapahiya at maaksaya ang pera ni Julio Graciano na nagpaaral sa akin. Kaya bakit ngayon para akong siraulo kakaisip tungkol sa paghawak niya sa bewang ko?!

Hindi dapat 'yan ang concern mo, Divina.

Anong sasabihin ko kay Mrs. Madrigal?

Kumusta na kaya si Daisy?

Ilang minuto akong nakapikit, iniisip lahat ng kabaliwang ginawa ko at nagpapakalma na rin. Pero halos umakyat iyong dugo sa ulo ko dahil sa gulat. Sumisigaw kasi si Xenon at hinahanap ako.

"Divina!"

"S-Sandali," umahon kaagad ako. "Patapos na!" Agad akong tumayo para makapag shower at nagsabon ng kaunti! Damn it! Nag-e-emote ako sa bath tub kasi!

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon