Lechon

180 5 1
                                        

Chapter 32

"M-may nagsauli ng lechon?"

Tumango ang staff ko. Umagang-umaga pero nakatanggap kami ng refund slip at ibinalik sa amin ang inorder nilang lechon.

"Bakit?" Tumayo na ako para masilip ang lechon baboy na nasa lamesa na.

"Masyado raw pong maalat," aniya.

Kumunot ang noo ko. Maalat? Imposible naman dahil natitimbang naman nang maayos lahat ng ginagamit na panimpla. At saka, matagal ng lechonero naman si Kuya Santiago kaya alam niya ang ratio ng mga panimpla na gagamitin.

Tinikman ko 'yon para makumpirma kung maalat nga ba talaga.

Kumuha pa ako ng isa pang beses para mahanap ang sinasabi nilang alat sa laman at balat ng lechon. Kaso hindi ko nalalasahan.

"Hindi naman maalat..." Kinuha ko ang slip at binasa ang pangalan ng client namin. "Josefina Salvacion Rodriguez?"

Handa naman akong magbigay ng refund kung totoong palpak ang dini-deliver naming lechon pero kung ganito naman... mukhang kailangan kong kausapin ang mismong nag-order kasi lugi naman kami nito. Magtatanong ako kung saan parte ng baboy na 'to ang maalat.

"Ma'am... Nasa labas po si Mrs. Rodriguez," sulpot ng isa ko pang staff.

Suminghap ako at kinuha ulit ang resibo para harapin at kausapin nga ang may-ari ng lechon. Gaya ng sinabi ni Roy, strikta ang awra ng customer namin. Pero dahil nga customer ko siya, ginalakan ko ang sarili ko na tugunan ang reklamo niya.

"Good morning po, Madame. Sinauli niyo po ang lechon... Maalat po ba sa panglasa n'yo?" tanong ko.

She suddenly removed her glasses to scan my face. Tumaas ang kilay niya na para bang hindi lechon ang problema niya rito. I gulped. Ngayon ko lang nakumpirma kung sino nga siya. Kanina, iniisip kong baka ka-apilyedo niya lang pero nang makita ko kung sino nga siya, nakumpirma ko ang kutob ko.

"Oh... you must be the owner?" matigas niyang Ingles.

Tumango ako at yumuko.

"Opo. Ako po ang may—"

"I am Attorney Ylena Rodriguez's mother," she said. Natigilan ako. Harap-harapan niyang pinagmalaki sa akin iyon. Kinakailangan kong iangat ang ulo ko para lang iproseso ang sinabi niya.

Nang hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat, tumayo siya at tinuro ang lechon.

"I don't like the taste... but I won't ask for a refund. Nandito lang ako para malaman mong hindi ko nagustuhan ang service niyo. Masyadong local ang panglasa. There's no taste of... you know... a bit of class..." Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa and vise versa. "Hindi pasok sa taste ko... at sa mga bisita. Masyadong maalat. May parteng matabang. Paano n'yo nagagalakan ang mga orders ng mga big customers niyo—kung meron man?"

I gritted my teeth. Medyo malakas ang pagkakasabi niya no'n kaya napapalingon sa amin ang iilang customer sa kabilang side. Iyong mga kumakain, napapalingon na rin.

"I can't even understand why Xenon..." Umiling pa siya. "Goodness, that man has a poor taste."

Ngayon sigurado na ako na hindi nga ang lechon namin ang problema niya.

"Oh, you heard it right. This woman... is the reason of my daughter's failure marriage."

"Ma'am—"

"Aalis na ako. Sa susunod, ayusin niyo naman ang lechon niyo. Libo-libo ang binabayad namin kaya dapat worth it naman," sinuot niya na ang kanyang shades bago naglakad palabas at pumasok sa naghihintay niyang kotse.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon