Rock

198 5 1
                                        

Chapter 14

Humagalpak ng tawa si Mateo. Napahawak siya sa tiyan n'ya at tinapik si Xenon sa balikat.

"Dude... ikaw? Stop fooling around..."

Nablangko ang mukha ni Xenon. Unti-unti nawala ang halakhak ni Mateo. "Uh... 'di nga?" Nilingon niya ako kaya napansinghap ako ng malalim. Inakbayan ni Mateo ang kaibigan niya at nag-usap na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

I spent the next few days working and meeting Mrs. Madrigal. Aminado naman akong masama pa rin ang loob niya pero kinakausap niya naman ako. It's just intimidating to be with her in one place kaya nagdedesisyon akong umalis kapag wala na siyang kailangan sa akin.

The other day, Xenon was obliged to meet the heiress of Latasa. I could see how he hated the situation, pero dahil anak nga ng malapit na kaibigan ng daddy niya, he managed to give attention as needed. I also did what I need to do. Nahagip ni Xenon ang mga mata ko nang lumapit ako kay Mrs. Madrigal para ibigay ang isang folder.

Umirap ako. There's no way he could enjoy his bullshit thingy towards me. Kilala ko siya.

At madali siyang magsawa.

Pero huli na ang pagbabawal sa sarili kasi alam kong may epekto na siya sa akin.

I walked outside the room to refill my tumbler. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang makita ko siyang lumabas at papalapit sa akin.

"Do you need anything?" That's my usual question.

Ngumuso siya.

"They're talking about business. By the way, pumayag si Mommy," tuwang-tuwa niyang balita sa akin.

Tumango ako.

"Kailan ba 'yon?"

"This Saturday."

Tumango ulit ako. Xenon was looking at me strangely. Tumaas ang kilay ko at binawal siya. I don't want to do this with him lalo na kung kasama niya ang pamilya niya.

"See you later," he whispered. Nanindig ang balahibo ko dahil ramdam ko ang hininga niya sa batok ko.

The he just gave me a wink bago siya pumasok sa loob. I saw Mr. Madrigal looked at my way, siguro nagtataka kung bakit masayang bumalik sa lamesa nila si Xenon. Pero bumaling ulit si Mr. Madrigal sa akin na parang may napansin.

Pagkatapos ng pag-uusap nila, I saw Gyle Latasa took a picture of Xenon. Stolen picture iyon habang nag-uusap si Xenon at ang kanyang ama.

Lumapit ako. Napansin ni Xenon iyon kaya narinig kong nagpaalam na siya sa matanda. Sinubukan siyang sundan ni Gyle pero masyadong mabilis ang paglapit niya sa akin. My eyes widened, lalo na noong napatingin sa amin ang mga magulang niya!

"Let's go?" Xenon asked bluntly.

"Uh... si Ma'am..."

Gyle smiled awkwardly. "Nagmamadali ka ata, Xenon?"

Tumikhim si Mrs. Madrigal.

"Do you need anything, Gyle?"

Gyle looked at me. Sumibol ang kaba sa dibdib ko! What the hell? I looked around and noticed that everyone was confused. Siguro nagtataka sila kung bakit nga mukhang nagmamadali si Xenon.

Buti nalang at naisipan ni Mr. Madrigal na kausapin si Mr. Latasa kaya natuon sa ibang usapan ang matatanda.

"Okay lang ba na imbitahan kita bukas?"

I saw how Xenon clenched his jaw. He raked his hair and... smiled weakly. "May lakad ako bukas, Gyle. What is it? May pag-uusapan ba tayo?"

Napakamot sa batok niya si Gyle.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon