Chapter 20
It only took me about one minute to figure out what would happen... what to do next.
Xenon cried that night. I tossed and turned all night crying and... trying to calm myself... to process what happened; Ylena is pregnant, and Xenon is the father.
Natawa ako.
I couldn't believe it... though it was possible. Nagsi-sex sila... kaya natural lang na mabuntis niya 'to.
Natawa ulit ako.
Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon, hinayaan ko siyang magpahinga. As he should. Simula noon, I didn't talk. I don't want to meet him. Wala na rin bulaklak na dumadating sa akin. At sa oras na sinasabi kong ayokong pag-usapan ang nangyari, hindi niya pinipilit. Sinusubukan niya akong kausapin pero dinadahilan ko ang trabaho ko. At hindi rin naman siya tanga... para 'di malaman na ayokong makipag-usap sa kanya.
I decided to visit Daisy's dorm. Dapat last month ko pa ginagawa pero dahil nga abala ako, ngayon lang ako nabakante.
I bought some groceries for her. Bumili na rin ako ng paborito niyang chicken wings dahil pakiramdam ko kailangan kong makita ang kapatid ko... para kumalma.
Para lang makita ko... kung bakit kailangan kong magtrabaho.
Pagkatapos kong magbayad ng taxi, dumiretso ako sa entrance ng dorm niya. Dumiretso ako sa malaking tindahan para mag-log book. Ngumisi sa akin ang matandang babae kaya sinabi ko sa kanya kung sino ang pakay ko.
"Kapatid ko po. Dadalawin ko lang sana," sabi ko.
Tumango ang matanda. Kaya umakyat na ako kasi nasa third floor iyong room niya. The classes started. Kaya abala ang mga estudyante sa ikatlong palapag. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan. Kahit anong katok ko, walang sumasagot.
I got cut off calling her when one of her classmates suddenly appeared and greeted me. Namumukhaan ko siya kasi dati siyang ka-blockmate ni Daisy. Pinagluto ko 'to ng adobo noon.
"Si Daisy ba, pumasok na?" tanong ko.
Napakamot siya sa ulo niya at nilingon ang babaeng lumabas sa katapat na kwarto. Bago pa ako makapagtanong ulit, nagsalita na siya.
"Matagal na po kasing hindi umuuwi si Daisy dito. Mga isang buwan na po," sagot niya.
"Huh?"
I haven't seen Daisy for almost three months! At bihira lang siya tumawag sa akin tuwing nagpapadala ako ng allowance niya. Saan siya nagpunta kung ganoon?
"Uh..." Natatawa ako dahil wala akong idea sa kung nasaan ang kapatid ko. "Anong ibig mong sabihin... na 'di siya umuuwi dito?"
"At saka... sa school po. Hindi po siya pumapasok. Sa katunayan nga po, pinapatanong na ng professor nila kung bakit siya absent. Ilang case study na po at laboratories ang nami-miss n'ya."
Namilog ang mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Uh... ayoko sanang makialam, Ate... pero nasabi kasi ni Daisy sa akin na nagpapadala ka ng pera sa kanya buwan-buwan," nag-aalala niyang sinabi sa akin 'yon. "Hindi kakayanin ng konsensya ko... kasi alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera para lang makapag-padala para sa amin..."
Gusto kong magwala. Gustong-gusto kong magreklamo. Gusto kong sirain lahat ng nakikita ko... si Daisy... niloloko ako ng kapatid ko?! Kung ganoon... hindi siya nag-aaral... pero nagpapadala ako ng pera! Saan... niya ginagamit 'yon?!
"Last sem kasi... sinagot niya 'yong masugid niyang mangliligaw. At... madalas nahuhuli ko siyang pinupuslit na ipasok dito sa dorm ang boyfriend n'ya."
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...
