Comfort

51 4 2
                                    

Chapter 11

"What's wrong?" tanong ni Xenon. Nag-aalala siyang lumapit at inabot ang baba ni Ylena. Mapait itong umiling at tinuro ang melon. Sobrang sama ng mukha niya!

"Tikman mo!" sigaw niya.

Tumikim si Xenon mula sa plato ni Ylena. Ilang sandali lang, pumangit din ang mukha niya... bago nilingon ang kaibigan. "Ang pangit ng lasa."

"Kasing pangit mo! Saan mo ba kasi nabili 'yan?!"

Xenon shrugged. "I don't know. Pinabili ko lang iyan."

I sighed. Kumuha ako ng ulam at nagsalin sa plato ko. Nagtalo pa sila dahil sa melon. Galit na galit si Ylena dahil hindi niya nagustuhan iyon at halos masuka siya dahil nanatili ang lasang 'yon sa bibig niya.

"Busog ka na?" Xenon asked me.

Tumango ako. "Marami na ang nakain ko."

"Diet ka?"

"Nagda-diet ka, Vina? Ang payat mo na nga!"

"Hindi..." Natawa ako kasi hindi naman ako nagda-diet. Payat naman talaga ako kasi noon... halos hindi ako kumakain. Nasanay na ata katawan ko kaya ngayon, kahit anong kain ang gawin ko, hindi ako tumataba.

After we eat, nag-imbita si Ylena sa isang sikat na bar. Hindi naman iyon kalayuan sa kwarto namin at mukhang kaibigan ni Xenon ang may-ari kaya...

"Hoy..."

Ylena laughed and pulled me. "Hayaan mo naman si Vina! Hindi na nga siya masyadong nagsusumbong sa mommy mo kaya dapat lang hayaan mo siya!"

Natawa ako.

Totoo. Kanina lang, nag-text ako kay Mrs. Madrigal kung nasaan kami. Hindi masyado detailed iyon... sapat lang para makampante si Madame na walang ginagawang masama ang anak niya. Reason why I only got okay as a reply. Alam ko rin namang masama pa rin ang loob ni Mrs. Madrigal sa akin.

"God... you have no idea, Ylena. Huwag na huwag mo siyang hahayaang malasing!"

Ngumuso ako. Hindi ko rin gusto iyon.

"Hindi... ako iinom."

Ylena groaned to protest.

"Xenon!"

Tumingin siya sa akin—nakataas ang kilay. "Dapat lang."

Masyado siyang mayabang d'yan. Alam ko na naman ang limitasyon ko sa pag-inom kaya hindi niya na ako kailangang alahanin pa. Sasama naman ako kaya kahit na dismayado si Ylena, pinilit niya nalang ako sumayaw.

"I'll come with you," Xenon whispered. Nilingon ko si Ylena pero...

"Ako ba?"

Tumaas ang kilay niya. "Sino pa ba?" Nilingon niya si Ylena. "May kikitain iyan sa loob ng bar kaya nag-imbita."

I am shocked... pero hindi ko iyon pinahalata. I am confused too. 'Di ba sila itong may... kung anong tawag sa relasyon nila? Okay lang ba talagang... magkaroon sila ng ibang makakasama?

Pero mukhang pareho silang walang pakialam.

Bumalik kami sa kwarto since 7PM pa naman iyong punta namin sa bar. Nagbihis ako at namili ng pwede kong maisusuot sa loob. Sa huli, napili kong isuot ang kulay pink na summer dress. May tali sa likod kaya tinali ko iyon na parang isang laso. Kita rin iyong dibdib ko pero okay na man. Hanggang tuhod ang haba kaya kumportable akong gumalaw.

Naabutan ko si Ylena sa lounge. Abala siya sa cellphone niya kaya matagal bago niyang namalayan na tapos na pala ako. She's wearing a red string dress now. Mas maikli lang iyon kaysa sa akin at mas flowy ang baba. Kita rin ang likod at dibdib niya that made her very pretty bold tonight.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon