Chapter 35
"Archie?" I asked upon arriving at their house where Archie silently reading his book. Madalas niyang binabasa ang libro na binigay ko sa kanya. Hindi ko aakalaing magugustuhan niya 'yon kasi inisip kong hindi niya babasahin iyon sa ngayon. But maybe Xenon was right. Matalinong bata talaga si Archie.
"Tita Vina," aniya bago sinirado ang binabasang libro.
"Where's your dad?"
"Upstairs."
Archie smiled a bit. Alam kong okay naman ako sa kanya pero napapansin ko kasi lately na may gusto siyang sabihin sa akin. Na parang nahihiya lang siyang magtanong.
Umupo ako sa tabi niya. I was looking at his face and suddenly, napansin niya na kung bakit ako nakatingin sa kanya.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong ko.
He looked me in the eye. I pursed my lip, kinakabahan dahil matalim na ang tingin sa akin ng bata.
He looked away.
And I smiled. Hinaplos ko ang buhok niya kaya napatingin ulit siya sa akin.
"Can I ask... you again?" Iniangat niya ang kanyang maliit na kamay para abutin ang pisngi ko. Namilog ang mga mata ko.
"What is it?"
"You love dad right?"
Tumango ako. Hinawakan ko na rin ang kamay niya.
"Yes."
"Hindi kayo maghihiwalay?"
I smiled. "Hindi..."
"Are you pregnant, Tita Vina?"
Nagsimula na akong magtaka sa tinatanong niya lalo na ngayon na mukhang seryoso siya at parang hindi bata kung magtanong sa akin.
"Hindi ako buntis," sagot ko.
He nodded. "So... hindi kayo magpapakasal dahil buntis ka o... napipilitan kayo. You'll get married because you love each other," ngumuso siya. "Not because of any other circumstances?"
His small face remained stoic. Little by little, parang pinipiga ang dibdib ko sa bawat salitang sinasabi niya. At kahit na sabihin nating matalino siyang bata... at naiintindihan niya lahat, bata pa rin siya. He was traumatized because of his parents' failure marriage.
"I'm sorry... ayoko lang po na kung sakaling magkaroon ako ng kapatid, ayaw kong matulad sa akin."
Mas lalong namilog ang mga mata ko. I drew a deep breath and hugged Archie. Hindi na siya nagsalita pero alam kong naiiyak siya.
"Galit ka ba sa mga magulang mo, Archie?"
He shook his head. "I just hated the timing... and their decision, you know. Hindi naman nila kasalanan kung hindi nila mahal ang isa't-isa. Mas magagalit ako kung nagpanggap silang masaya para sa akin," suminghot pa siya.
Goodness... para talaga siyang hindi bata.
"I mean... maybe a part of me hated them but that wasn't the point. Kasi nakikita ko naman na inaalagaan nila ang isa't-isa. Daddy won't hurt my mother, in other way, and I'm sure ganoon din si Mommy. Sinasabi nila sa akin na kahit anong mangyari, sila pa rin ang mga magulang ko. At alam kong magiging mabuting magulang pa sila sa akin."
Tumingin siya lalo sa akin.
"Ayoko lang na bumalik na naman ang lahat sa sitwasyon na iyon. Getting married... pero sa huli maghihiwalay din."
Hindi na ako nagsalita. Feeling ko kahit anong sabihin ko, walang magiging silbi iyon. Mabuti nalang at nagpaalam sa akin si Archie na babalik siya sa kwarto niya. Ayoko lang na maabutan kami ni Xenon na ganoon ang mukha ng anak niya dahil alam kong mag-aalala iyon. Mukhang okay na rin naman siya kaya nakahinga na ako nang maluwag.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Xenon sa akin.
Papunta kami ngayon para kausapin ang organizer na kinuha niya para sa engagement party. Ngumuso ako at tumango pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.
"Ayaw mo ba? We can cancel—"
"Okay nga lang sa akin mag-party," putol ko sa kanya.
"Then what's wrong? Malalim ang iniisip mo."
"Sumagi lang sa isipan ko ang nangyayari."
He sighed. Natatawa akong bumaba sa sasakyan dahil nagtatanong pa rin siya tungkol sa iniisip ko. Ayaw niya pang maniwala at gustong iurong ang party pero wala namang problema sa akin 'yon kasi gusto ko rin naman paluguran ang mga magulang niya. I also want him to be happy.
"Are you sure?"
"Oo nga."
"Bakit nga kasi ganyan mukha mo?"
Natawa ako. "May naisip lang ako.
Hindi ko sinabi kay Xenon ang tungkol sa pag-uusap namin ni Archie. Parang secret na namin 'yon kaya kahit anong pilit sa akin ni Xenon na sabihin ang kung anong nasa utak ko, hindi ko sasabihin sa kanya.
The party went well. Maraming mga negosyante at naglalakihang pangalan ang imbitado. Hindi na rin naman sila bago sa akin dahil ilang taon akong nagtrabaho sa mga Florendo at buwan din ang tinagal ko sa mga Madrigal kaya ang pakisamahan ang mga mayayaman ay hindi bago sa akin.
Naalala ko tuloy...
"Daisy."
Xenon smiled as he reached for my sister's hand. Ngumuso ang kapatid ko habang nasa likuran niya ang kanyang asawa.
"Nice to meet you... finally, Kuya."
Xenon chuckled. "Nice to meet you too, Daisy."
Naging maayos naman ang pagkikita ng dalawa. Natutuwa rin ako sa mga bumati sa amin... pero isang pamilya ang napansin kong hindi man lang dumalo kahit imbitado.
"Ylena's parents—"
"Mas okay na wala sila, Vina." Xenon cut me off. "Ayokong masira nila ang party natin."
Tumango ako. Nakarating kasi sa mga magulang ni Xenon ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Rodriguez sa akin. Okay lang naman. Kaya ko naman mag-adjust. Nagawa ko nga sa mga Florendo noon kaya alam kong kaya ko ngayon.
"Sino 'yon?" I heard Xenon. Kausap niya na ngayon si Ylena na mukhang kanina pa busangot.
"Chismoso mo ha," she crossed her arms.
"Nakakaduda ka kasi. Hindi na nga ako nagtatanong tungkol diyan sa kagat diyan sa labi mo..." Humalakhak si Xenon. Ylena's eyes widened kaya no'ng nakalapit ako sa kanila, natampal niya si Xenon.
"What—"
"You shut your mouth! Baka mamaya maniwala sila sa 'yo!" She protested.
Xenon pulled my hand and smirked. "So sino nga 'yon? Familiar siya... parang nakita ko na siya somewhere."
Ngumuso ako.
Si ano iyon...
"Si—"
"Ylena!" someone shouted from the crowd. Natawa kami pareho ni Xenon kasi kita namin ang pamumutla niya nang tawagin siya ng lalaki.
Natawa ako dahil tuluyan ko ngang nakilala ang lalaki. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil kailangan ko ng umuwi. Nagdesisyon akong mag-commute nalang kasi nasa Tagum si Xenon at pinapaayos ko pa ang sasakyan ko.
Alas nuebe na kaya saktong pauwi na rin ang iilang tauhan ko. Inaya ko na silang sumabay sa akin.
Kaya noong nasa labas na kami, narinig kong inaasar ang washer namin sa isang server. Natawa na rin ako at pinanood kung paano nila inaasar ang mga kasama nila.
"Sa Emily homes po ba kayo, Ma'am Vina?" tanong ni Yassy.
Tumango ako.
"Sabay na tayo, Ma'am. Doon din po uuwi, e."
"Sige ba..."
Pumara kami ng isang tricycle. Sumakay na kami ro'n at tuluyang nagpaalam sa mga kasama. I typed my reply to Xenon since nag-text siya at nagtatanong kung nakauwi na nga ba ako.
But after a minute, bigla ko nalang narinig ang sigaw ni Yasi sa likuran ko. Hanggang sa naramdaman ko ang bigat ng driver sa akin... hanggang sa tumaob ang sinasakyan namin.
And everything went dark.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...
