Chapter 25
"We're doing good. Masaya naman kami sa ibang bansa. He's a good father and a good husband," aniya.
Suminghap ako. Mabuti naman kung ganoon pero... something is off. Ang imbitahan niya ako kahit sa kabila ng nangyari. We didn't establish strong relationship... kaya hindi ko maintindihan 'to.
Dapat talaga sinunod ko 'yong kutob ko. Dapat hindi ako nakipagkita sa kanya.
"Almost a perfect marriage. We're trying our best to be a good and decent parents to Archie... pero pareho kaming hindi masaya." She licked her lips. "Xenon isn't over with you. Hindi ko rin siya kayang mahalin kahit sinubukan ko. We're not happy at nakaka-suffocate. Ayoko na ring magsinungaling sa anak namin."
Pumikit ako.
"Vina... I am not here to get your thoughts about our annulment. Alam kong hindi ka sasang-ayon kasi mawawalan ng silbi ang pagtaboy mo sa kanya. At para malaman mo, hindi rin siya sang-ayon dito."
My jaw clenched.
"Anong gusto mong gawin ko? Bakit mo sinasabi sa akin 'to ngayon?"
Dumating ang inorder namin. Nagawa niya pang inumin ang oder niya bago nagsalita.
"Try yours. Masarap 'yan," she smiled.
Kumunot ang noo ko. Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na 'wag tuluyang mapikon sa inaasal niya. "You really know how to get one's hair..."
She chuckled.
"Am I?" Tumaas ngayon ang kilay niya. "Well, I can't blame you if you hated me... kahit na tinuring kitang kaibigan. Way back then, sa yacht, alam kong may nararamdaman ka kay Xenon. I mean... sinong tangang lalangoy para lang mahabol siya?"
Uminit ang pisngi ko. I am really annoyed now... at natatakot akong baka maubos niya ang pasensya ko. Baka mabaliktad ko 'tong lamesa namin. Baka may masabi akong ikakainsulto niya... at baka masabi kong bakit hindi siya pinili ni Simon.
"I understand naman. God, I know Tita. Siguradong magwawala 'yon kapag nalaman niya ang tungkol sa inyo... kaya naiintindihan ko kung bakit 'di mo inaamin na mahal mo nga siya," she smirked. "Who would have thought? Best friend ka ni Joyce. We didn't expect Xenon to have a head over heels for some girl—for you."
Napaabot ako sa inumin ko. Sumama ang mukha ko kasi 'di ko nagustuhan ang lasa.
"Pati ata sa inumin, magka-iba tayo ng taste."
"We're different to all sides."
Her phone vibrated. Hindi niya sinagot 'yon pero hindi rin siya tinigilan no'n.
"I think you should take that."
She shrugged. "Nah. He knew I'll meet you kaya niya ako tinatawagan. Hell, ngayon lang ata siya tumawag sa akin ng ganitong karaming beses!" Natawa siya. "Back to our topic, I want you to help me with this, Vina. Convince him about our annulment..."
Ako naman ngayon ang 'di makapaniwala. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Because I know you still love each other! Ang sabi sa akin ni Mat-Mat, wala kang naging boyfriend."
"Huwag ka masyadong naniniwala sa mga kaibigan mo. Hindi naman kami nag-uusap ni Mateo."
She rolled her eyes, crossing her arms. "I know you love him, Vina. Admit it!"
"Not to you."
She groaned. "At least to him? Miserable nan ga siya nang ikasal kami. Hanggang ngayon 'di mo pa masabi sa kanya na mahal mo siya?"
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...