Sacrifices

173 3 2
                                        

Chapter 22

"Ate... pasensya ka na. Natakot lang ako..."

My jaw clenched. Gusto ko siyang sampalin. Natakot?

Pinakilala niya sa akin ang boyfriend niya. Arian ang pangalan. Tulad niya, nasa huling taon na ng Nursing at internship din. Pumikit ulit ako para pakalmahin ang sarili. This is what I am saying... about raising her as my own child. Bukod sa nangako ako kina Mama... hindi ko kakayanin kung sakaling maghirap siya kahit... na masakit sa akin ang ginawa niya.

Daisy is my life. Ginugol ko ang buong buhay ko para lang mabigyan siya ng suporta at maging maayos.

But... this happened. Nangyari na. At wala na naman akong magagawa ulit.

I don't have any means to control everything... at ang ending, wala akong choice kundi ang tanggapin nalang.

Bakit naging linya ko na 'yon? Masyado na ba akong malas?

Nagsalita 'tong si Arian. Nandoon na tayo sa 'di nila ginusto 'to... pero I can't help myself to blame him! I wanted to break his neck pero pinigilan ko ang sarili ko. Iniisip kong masyado pa silang bata... na nakagawa ng bata. Damn it!

I've watched them for a while. They look a little frazzled. Arian held her hand. Sumama ang mukha ko na nagmukha akong malditang kapatid na pinipigilan sila sa isa't-isa! But what should I do?! Ang hayaang mabuhay ang kapatid ko sa maliit na eskinita na 'to?! Paano ang pamangkin ko?

"Alam kong... mataas ang pangarap mo sa akin, Ate. N-natatakot ako kaya hindi ako nagpakita," umiiyak na si Daisy. Gasgas na gasgas ang boses niya at pinilit ang sariling magsalita. "Nang malaman kong buntis ako... during internship, hindi ko alam anong gagawin ko. Alam kong masasaktan kita. You'll get disappointed!"

I clenched my jaw. Nanatili ang masama kong tingin sa boyfriend n'ya dahil hindi ko matagalan makita ang kapatid kong umiiyak. Nakayuko siya para iwasan ang mga mata ko. Magkahawak sila ng kamay ni Daisy at tila sinasabi nila sa akin na kakayanin nilang dalawa na humarap sa akin ngayon...

Takot? Sa akin?

"Sa akin ka ba talaga natatakot, Daisy?" Diretso ang tingin ko sa kanya. Nakipagtitigan siya sa akin... pero nagbabadya na ang luha sa mga mata niya. She's not that strong enough, lalo na guilty pa. "O takot kang masampal ko sa 'yo kung anong sinayang mo? Fear of change?"

Namilog ang mga mata niya. I hit the bull, huh?

"Natatakot kang makita mo ang pagbabago ngayong may anak ka na? Natatakot kang humarap sa amin dahil may taboo dito sa Pilipinas tungkol sa teenage pregnancy?!" I shouted. "Dapat lang! Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ko sa pagbubuntis mo? Matuwa?!"

My face was flustered with rage as I confronted her. Tang ina... nakakapagod!

"Ikaw," sabay turo ko sa boyfriend niya. "Nasaan ang mga magulang mo? Alam ba nila ang sitwasyon niyo?"

Arian looked away. Umawang ang bibig ko.

"You didn't tell your parents?"

Dahan-dahan siyang umiling. Nahihirapan na akong lumunok nang maayos! Tumulo na ang luha ko sa galit... at pagkadismaya.

"A-ang alam nila tatay... ay nasa internship pa rin ako..." Pulang-pula na ang mga mata niya at halos hindi makayanan ang tingin sa akin.

I laughed at disbelief. Why are kids nowadays... were cruel?

"Tingnan n'yo..." Halos hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa galit. I covered my face... to breathe... and tried to compose myself again to speak. "Hindi niyo alam kung gaano kahirap kumita ng pera para lang may maipadala sa inyo!" Tumataas na naman ang boses ko. "Wala kayong... alam kung paano tinitiis ng mga magulang ang lahat para lang maramdaman n'yo na walang kulang! Na kaya namin kayong sustentuhan! To the point that you don't even know what to do but we always find our ways; kahit magkulang sa amin basta mapunan lang namin sa inyo!"

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon