Wedding

169 1 0
                                        

Chapter 37

"Naks naman! Ang ganda-ganda naman ng Ate ko!" Sinalubong agad ako ni Daisy nang pumasok siya para masilayan ang gown ko.

Ylena suddenly excused herself. I smiled a bit pero syempre, diretso na ang lakad niya palabas ng kwarto. Nilingon ko ulit ang sarili ko sa salamin. Ni hindi pa pumapasok sa kokote ko na ikakasal nga ako.

I am wearing a gown.

At ikakasal na nga.

"Ate," tawag niya sa akin.

"Hmmm?"

"Okay ka lang ba talaga?"

Nilingon ko siya. "Oo naman. Bakit?"

Huminga siya nang malalim bago inabot ang kamay ko. Ang weird niya bigla.

"Gusto kong malaman mo na simula ngayon... hindi mo na ako iisipin. Bubuo ka na ng pamilya, Ate. May pamilya na rin ako kaya... pwede ka nang magpahinga sa akin. Panahon na para unahin mo na ang sarili mo," she whispered.

Ngumisi ako.

"Mahal kita, Daisy. At kahit na may pamilya ako at may pamilya ka, nandito pa rin ako para suportahan ka sa lahat ng bagay."

She closed her eyes and kissed my hand. Mas nagiging clingy na siya ngayon. Siguro dahil napagtanto namin na kahit nagkasakitan kami noon, kaming dalawa pa rin ang magtutulungan...

Ayoko sanang umiyak at maging madrama pero kapag nakikita ko si Daisy na ganito, parang may humahaplos sa puso ko. Na kahit na sa kabila ng nangyari sa aming dalawa, mas nanaig pa rin ang pagmamahal namin sa isa't-isa.

It's been a long years for the both of us. I hugged her... so tight at binubulong ko sa kanya lahat ng pasasalamat at pasensya ko sa lahat ng nagawa ko sa kanya. I love her so much.

"I love you, Ate..." She cried kaya natawa nalang ako.

Hindi naging matagal ang paghahanda sa kasal. As much as I wanted to call it as a simple wedding, mukhang mahirap na mangyari iyon para sa mga Madrigal. They really wanted to make it grand.

"Kailangan ba talagang gawin 'to?" Xenon asked.

Ngumisi ako dahil ilang beses niyang tinatanong sa akin 'yan. Busangot siya dahil matutulog ako ngayon sa kapatid ko dahil gusto nilang sundin ko ang pamahiin ng ikakasal.

"Isang gabi lang naman."

"It feels like forever, Vina."

"Oa mo naman," natatawa kong sagot kaya mas lalo siyang sumimangot. "Tradisyon kaya 'yan."

"Humanda ka sa akin sa unang gabi natin," banta niya.

Naramdaman ko kaagad ang pag-init ng mukha ko. Hindi pa rin ako sanay na pinag-uusapan ang sexual intimacy namin lalo na kung ganiyan siya kaloko. Alam niya kasing nahihiya ako kaya minsan, inaasar niya ako para lang manahimik.

"I'll make sure... you'll ride on me."

I glared at him.

"Uwi ka na. Nagiging bastos ka pa."

He chuckled and kissed me on my lips. I felt him smiling then he mouthed his good bye.

**

"Nakakatampo si Simon," Joyce uttered a soft curse.

"Bakit?"

Nilingon niya ako at ang make-up artist. Alas otso palang pero sinisimulan na nila akong ayusan. Abala na rin lahat dahil may mga photoshoot pang gagawin.

"Feeling ko may tinatago siya sa akin," umupo siya sa kama. Para siyang bata na napikon. Naka roba na siya ngayon at may mga curlers pa sa buhok.

"Ano naman?"

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon