Wrecked

70 5 1
                                    

Chapter 26

Xenon messed all boys to love for me. True to my words, hindi ko sinugal ang sarili ko sa kanila. May sarili akong buhay na dapat ayusin. I just want them to leave me alone.

Utang na loob.

Kaya ko naman magpanggap. Hindi naman ako manggugulo at lalong 'di ko gagamitin ang desisyon ni Ylena para sa sarili kong interes. I am in love with him pero kasal siya at bawal 'yon. Kung hindi nila nirerespeto ang kasal nila, pwes ako-oo. Pinapahalagahan ko iyon.

Ayaw ni Ylena na masaktan ang anak niya sa gusto niyang mangyari... ganoon din si Xenon kaya ako naman ngayon ang ginugulo nila.

Na para bang gusto nila... ako ang sumira ng marriage nila. Hah!

Hinding-hindi ako papatol sa lalaking may sinumpaan sa simbahan. Wala akong pakialam kung bukal ba 'yon sa loob o para sa papel lang. For me, it was sacred. Hinding-hindi ko sasayangin ang delikadesang meron ako para lang sa pagmamahal na 'to. No one should do that. Ang pagpatol sa may asawa ay nakakawala ng respeto sa sarili... at sa kapwa babae. Kaya never ever!

Labag iyon sa batas ng Diyos at sa batas ng lahat.

Labag iyon sa self-worth ko.

Kahit na sabihin nila sa akin na 'di nila mahal ang isa't-isa... o mahal ako ni Xenon; still, there's a fact that he is married and that is inviolable truth.

Pero sana naman... hindi ako pinaglalaruan ng tadhana na makita siya kasi ayokong mag-breakdown. Hindi ko na siya kailangang makita, e. Kaya lang...

Umigting ang panga ko dahil... hindi pa nga siya nawawala sa isip ko pagkatapos ng ilang segundo, nasa harapan ko naman siya, naninigarilyo.

Hindi niya pa rin tinigilan ang paninigarilyo. Sinubukan niya noon tuwing kasama niya ako pero mukhang 'di niya napangatawanan iyon hanggang dulo.

Ayoko siyang makita.

Ayoko siya sa buhay ko.

"I thought... lumipat ka na," he said. "You're still here."

Hindi ako sumagot.

"Can we talk?" Here's the man of my eyes. Lumunok ako at kinumbinse ang sarili na maging casual sa kanya. Come on, Vina. Pinag-usapan na natin 'to. This was your... boss' son talking.

"About what?" tanong ko. Kasi kung tungkol sa amin, I'll pass.

He made me look at him. He's more... cocky and way serious now. Tama si Simon, mukhang tahimik na siya at matakaw ng ngumiti. He looked expensive and clean. Nakatali na naman ang buhok n'ya that made him more mature to look compare before. Kung hubog ng katawan naman, may muscles... at pwede niya na akong matabunan gamit ang anino niya because of his massive awra and those dark eyes...

Stop complimenting him, Vina!

"Tungkol sa nangyari. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Ylena sa 'yo," he didn't leave my eyes. "Above all, I just want the best for my son. I don't want to hurt him. Hindi ako papayag na ang anak ko ang magbabayad sa mga kagaguhan ko noon."

I felt my chest tightened. Tumango ako.

"What is it? Ano bang gusto mong malaman? Na she asked for my help to convince you para lang pumayag ka sa annulment?"

His lips parted.

"She did?"

"Yes," sagot ko.

"She's crazy..." Napahilot siya sa noo niya, halatang nastress sa kabaliwan ng asawa niya.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon