""Happy New Year!"
Nakadungaw ako sa bintana habang tinatanaw ang nagagandahang fireworks sa kalangitan. Saktong alas dose na kaya maingay na agad ang baryo.
"Anak... hija," si Papa.
Masyado akong nawili sa paputok at mga batang nagpapalo ng kaldero para tabuyin ang malas at maging masuwerte ngayong taon.
"Matulog ka na..."
Nilingon ko si Papa at dahan-dahang humiga sa tabi ni Mama.
"Bukas nalang tayo kakain, ha. Baka may tirang pagkain ang ninang mo. Magdadala iyon ng spaghetti at paborito mong tinapay," bulong ni Mama sa akin.
'Di tulad ng ibang bahay, madilim at tahimik ang amin. Wala kasi kaming kuryente at... walang handang pagsasaluhan tuwing sumasapit ang pinaka-espesyal na selebrasyon tuwing taon. Basurero si Papa at minsan, umuuwi siyang walang kita. Kung meron man, sapat lang iyon para makakain kami ng dalawang beses sa isang araw.
Si Mama naman, labandera. Minsan, may sweldo siya pero kadalasan, wala. Pagkain lang ang nauuwi niya dahil malupit at maldita ang amo nila. Nagkakapera lang siya kapag umuuwi ang engineer na anak ng amo niya.
Si Daisy, ang aking nakababatang kapatid ay nagbebenta ng sampaguita sa labas ng simbahan.
Sa madaling salita, wala kaming pera. Mahirap at naghihirap. Halos... humihingi nalang para mairaos ang araw. Pantawid lang ng gutom.
"Pasensya na kayo mga anak... walang naiuwi si papa ha," namamaos na sabi ni Papa. Parang dinurog ang puso ko... na humihingi siya ng tawad sa buhay na hindi niya naman pinili. 'Di ko makakalimutan ang mga gabing tumitingin siya sa akin at sinasabing nagsisisi siya na 'di naging maayos ang buhay namin. Na 'di siya nagtino sa pag-aaral.
Wala naman siyang kasalanan kung naging mahirap kami. Kasi alam kong nagsisikap siya... ang mga magulang namin para may makain lang... para maging okay kami ng kapatid ko.
Kaya importante sa akin ang trabaho.
Importante sa akin ang pamilya.
"Please... Please help me," Mrs. Madrigal pursed her lips. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagod... at dismaya. Her wrinkles tell how much she suffered.
Her agony for his only son... made her desperate to ask for help from a stranger.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa batang 'yan. I want him to be serious. I want him to be practical... and live life in reality... without destroying his name."
Ang makitang may isang magulang na ginagawa ang lahat para sa isang anak...
It reminds me of my parents. When I lost them, tanging ang kapatid ko ang naging inspirasyon ko para magtrabaho. Iyon ang naging pangako ko sa mga magulang ko bago sila binawian ng buhay... at ang pangakong 'yon ang babaunin ko hanggang sa hukay. Parang sense of responsibility ko nalang 'yon na kailangan kong alagaan at kumayod para sa natitirang pamilya ko.
"N-nasa sa loob ng envelope na iyan ang impormasyon tungkol sa anak ko," Mrs. Madrigal held my hand, nagulat pa nga ako. "Sinabi sa akin ni Julio kung gaano ka naging tapat sa pamilya nila... kaya naisip kong baka... pwedeng—"
"Xenon... Madrigal," I murmured that bastard name.
Natigilan si Mrs. Madrigal. "What—"
Natawa ako.
Kita mo nga naman.
"May problema ba? Do you know him?" naguguluhang tanong ni Mrs. Madrigal sa akin.
Do I know him? Definitely—I didn't. Pero kilala niya ako. Damn it! Siya lang naman iyong lalaking lumapit sa akin sa kasal ni Joyce para singilin ako ng utang!
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4)
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...