Chapter 39
"I-is there something wrong with me?" Nabasag ang boses ko, tinatanong si Joyce kung may mali ba sa akin. She suddenly hugged me and didn't say anything.
I lost my second pregnancy again.
At tulad ng nauna, nagdasal ako na sana ibigay na'to sa akin. Simula noong nakunan ako, parang ginusto ko nalang na maging ina. Parang bigla ko nalang naisip na kailangan kong maging ina, na masaya ako kapag nagiging ina ako. But this happened. Whenever I saw myself bleeding, pakiramdam ko nawawalan na naman ako ng pag-asa na maging ina. Na may bawas na naman sa akin.
"Baby—"
"I'm sorry," hinilamos ko ang mukha ko. "I tried... but the doctor said, wala na."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pareho kami ngayong nasa loob ng CR. Umiiyak ako at umiiling habang si Xenon naman, nakaupo sa gilid ko. Nakikinig siya sa bawat iyak na ginagawa ko habang nakahawak sa kamay ko.
Xenon kissed my head. Binubulong niya na naman sa akin na okay lang... na malalampasan ulit namin 'to basta magkasama lang kami.
But it wasn't easy. It has never been easy for me to lift myself after two miscarriage. I will always feel that void. I embraced the immense pain and grief. At alam kong hindi rin madali kay Xenon na tanggapin lahat ng 'to. But I also know that I'll never get over with it.
Pagod akong bumangon sa kama. May nakahanda ng almusal sa lamesa at isang rose. Xenon have a flight today kaya maiiwan muna ako kasama si Archie. May naiwang kasambahay din kaya hindi ako magkakaproblema tuwing may kailangan.
Pero pagod ako.
Pagod akong bumangon at simulan ang araw ko.
"Mama Vina!" I heard Archie.
Simula noong lumipat kami sa bagong bahay ni Xenon, tinatawag na ako ni Archie ng Mama. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko tuwing tinatawag niya ako no'n. Kasi nga baka gusto ko na talaga maging ina.
Nagbago na talaga ang gusto mo sa buhay, Vina.
"Coming," I groaned a bit. Pinilit ko ang sarili kong bumangon para sa anak ko.
Nang buksan ko ang pinto, agad niya akong hinila pababa kaya nagpatianod ako.
"Where are we going?"
He smirked. "We will play today, Mama. I'll make you happy today..."
"Hmmm? Anong laro ba 'yan?"
He suddenly giggled. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero bigla niya akong inimbita sa kusina. My eyes widened when he reached for a chair para lang maabot ang mga gamit.
"Hey—"
"I'll cook breakfast for you, Mama."
Ngumuso ako. May breakfast na ako sa kwarto, e. Pero masyadong excited si Archie para sabihin ko 'yon.
"Anong breakfast ba 'yan?" tanong ko at umupo sa counter.
"Pancake. I'll do chocolate pancake," aniya.
Pancake! Amerikana naman masyado.
"Sige nga kung talagang marunong ka," I teased him. Natawa ako nang humaba ang nguso niya at mas lalong pinakitang may kumpyansa na siya sa sarili.
"Mommy taught me how to do pancake, Mama."
Oh, right.
Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Dumating din naman si Yaya Mercy kaya inaalalayan siya kapag may kailangan. Kinuha ko ang cellphone niya at kinuhanan siya ng video habang nagluluto. I opened his Messenger at sinend 'yon kay Xenon.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...
