Epilogue

266 3 0
                                        

This is the last chapter of 'The Unbreakable Agreement'. I am so happy while writing this story, ewan ko may parte ng puso ko na mahal ang dalawang 'to. Siguro dahil naging breadwinner ako tulad ni Vina. I am happy that I finished writing this. Sana nagustuhan niyo :)

"Amoy babae ka na naman," Mateo murmured.

Natawa ako. Kanina pa kami nandito sa Food box pero hindi pa rin dumadating si Simon. Late na naman. Kanina na rin ako patingin-tingin sa mga babae na nasa kabilang table.

Hell, I am sure they wanted to seduce me. Kanina pa nila binabalandra ang hita nila sa akin. Hindi naman 'yan magpapapansin kung walang motibo sa akin. Sa dami ng babaeng nakasama ko, alam ko na kaagad kung natitipuhan nila ako o hindi.

"You should try," sabi ko at itinuro ang isang babae. Humalakhak ako nang makita ang reaksyon ni Mateo, ang kaibigan kong allergic ata sa mga babae.

"Hindi ko naman kilala 'yan."

''Tanga! Kaya nga lapitan mo at hingiin mo ang pangalan," singhal ko sa kanya dahil nagiging bobo na naman siya. He shrugged, tila diring-diri dahil sa sinabi ko.

Inisip ko tuloy na nagsimula ang trauma niya sa mga obsessive freak na babae dahil sa nakaraan niya. Well, this guy is very unlucky kasi minsan na nga lang mambabae, doon pa sa isang psycho and obsessed!

"Hindi mo pa rin ba makalimutan ang babaeng 'yon? Sino nga iyon?" tanong ko.

He glared at me. Natawa ako. Damn! Hindi ko naman saulo 'yon pero naalala ko na may babaeng baliw na baliw sa kanya. Ayaw niya nang pag-usapan iyon kaya sa tuwing binabalik ko, masamang tingin agad ang pinupukol niya sa akin.

"I need to go," he suddenly declared.

Agad kong pinatay ang sigarilyo ko.

"Wala pa si Simon, pre." I closed my eyes. Nakailang bucket na kami, hindi pa dumadating ang tarantado.

"I don't think he will come. Akala niya na kasama natin si Ylena," he pointed out.

I gritted my teeth. Simula noong naghiwalay ang dalawa, lagi nalang ganito. Kung sana naisip nila 'yan noon, e di sana hindi nalang naging sila! Gustong-gusto ko sapakin si Simon dahil sa ginawa niya kay Ylena. Iritado pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kaibigan namin. Hindi ko lang magawang magalit ng husto sa kanya because of this friendship. I just want to keep this despite bullshits and whatever issues.

Kaso tangina nila!

"Kailangan ko nang umuwi. Maaga pa ako bukas."

I sighed. I don't have a choice.

Tumango ako. Tumayo ako at hinatid siya sa labas. Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Alam kong magkaiba ang buhay na kinagisnan namin. Anak si Simon ng kilalang politiko dito sa lalawigan namin. Si Mateo naman, lumaki sa tiyahin at kinakailangang magtrabaho para lang kahit papaano ay masustentuhan ang gusto sa buhay. Si Ylena naman, anak ng isang businessman at nanggaling sa mayamang pamilya.

Ako naman... anak ni Alfonsa at Jude Madrigal.

My parents wanted me to be an architect just like them. Pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ko magugustuhan ang propseyong 'yon. Hindi na ako bata. Alam ko na kung ano ang gusto ko... at iyon ay maging bar owner. Gusto kong magpundar ng bar sa iba't-ibang lugar. I always want to do business, far from my parents' legacy.

I was serious with my plans. Pero ayaw nga lang tanggapin ni Mommy 'yon. Gusto niyang pasukin ko ang company nila pero talagang ayoko. Pero kilala ko si Mommy, hinding-hindi siya susuko. Hindi siya mapapagod kakasubok na baguhin ang isip ko.

The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon