Chapter 34
Lumabas muna kami ni Cristina pagkatapos naming kumain. Kasama namin ang mga bata at tumambay dito sa garden nila. May maliit kasi na parke na itinayo sa likuran ng bahay nila kaya hindi ko mapigilan kunan ng litrato ang mga lamp post at maliliit na puno. May greenhouse pa sa dulo dahil sa trabaho ni Mateo, hindi na ako nagtataka kung bakit napupuno ng halaman at tanim ang labas ng bahay nila.
"You want any drinks?" tanong ni Cristina.
Umiling ako. "Okay lang ako. Ang ganda ng lugar n'yo..."
She nodded.
"Plinano talaga naming mag-asawa 'yan. Gusto ko kasing magkaroon ng lugar ang mga bata na makakapag-relax sila... at siyempre, lugar na rin para sa mga bisita at kapamilya."
Umupo ako sa duyan. Bukod sa gusto naming makalanghap ng sariwang hangin, hinayaan naming mag-usap ang magkakaibigan sa loob. Sobrang nabigla si Ylena sa presensya ni Simon. Ang awkward kaya. Ayaw ring namang payagan ni Mateo na umalis si Ylena dahil lang doon.
Tama naman... dahil hindi naman habang-buhay matatakasan niya si Simon.
I angled my phone. Hindi ko napigilang tumayo ulit. Lumapit ako sa mga orchids at sa iba pang bulaklak. May nakahilerang cactus plants at iba pang bulaklak. Masyado na ba akong tita para matuwa sa mga halaman.
"Nasabi sa akin ni Mateo ang tungkol sa engagement party ninyo," si Cristina.
Ngumuso ako at ibinaba ang aking cellphone.
Imbes na sagutin iyon, ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang tamang isasagot. Xenon never talked about the unplanned party. Siguro dahil kinukumbinse pa niya ang mommy niya na... i-postpone ito.
"Gusto ko sanang... simple at pag-isipan muna ang gastos... kaso," napakamot ako sa noo ko. "Nagulat ako sa plano ni Mrs. Madrigal."
"Kailan daw ba ito?"
I sighed. "Next week."
"You want to marry him, right?"
Tumango ako. "Oo. Wala namang duda na siya ang lalaking pakakasalan ko."
Biglang umiyak ang baby. Tumawa lamang si Cristina at kinalas isa-isa ang butones ng top niya. The baby look flushed. Uminit ang pisngi ko habang iniisip na... gagawin ko rin 'yan kapag nagka-anak ako.
Kung hindi pa huli ang lahat.
Kalaunan, lumabas na rin si Xenon at nahanap ako. Ngumiti siya sa akin at tumabi sa duyan.
"Tapos na kayong mag-usap?"
Tumango siya. "Yup."
"Si Mateo?" tanong ni Cristina. Nakatayo siya dahil pinapatulog na ang baby niya.
"Inside. Kinakausap pa si Simon," aniya at tumayo ulit. "Can I smoke here, Cris?"
"Sa dulo, Xenon. May smoking area ro'n."
Tumingin sa akin si Xenon, nagpapaalam. Dahan-dahan akong tumango para hayaan siya. Pinatakan niya muna ako ng halik sa labi bago umalis. Uminit pa ang pisngi ko at napatingin kay Cristina kahit na mukhang wala naman siyang pakialam na hinalikan ako ni Xenon sa harap niya.
"Uuwi na rin tayo. Mukhang pagod ka na..."
Uminit ang pisngi ko nang lingunin ulit si Cristina. Kanina pa kasi siya nakangiti habang nakatingin sa amin.
The remaining days of the month, I stayed inside of my office. Mas marami kasing orders. Mabuti nalang talaga at napakiusapan ni Xenon ang mga mommy niya tungkol sa party. Nagalit daw ito pero ang sabi niya, kailangan matutunan ng mommy n'ya na huwag manghimasok sa relasyon namin at lalo na sa mga desisyon namin sa... pagpapakasal.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Agreement (Love Boundaries #4) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Divina Moreno is a literal independent woman. She can cook. She can clean. She can wash the dishes and clothes-wala kang magiging problema sa...
