CHAPTER 1
Ang Dayuhan☾︎☀︎︎☽︎
Lesbian.
Gay.
Bisexual.
Transgender.
Queer.
Intersex? Hindi ako sure.
Asexual.
Pan? Ano na ulit 'yon? Pan..desal?
Yown!
Pansexual.
Sa sobrang daming bahagi ng LGBTQIA+ Community hindi ko na matandaan lahat.
Ang dami.
May plus pa kasi.
Hindi ko nga rin alam kung anong pinagkaiba ng Transgender sa Transexual.
Basta.
I'm one of them.
A Gay person.
A gay man to be exact.
Hindi naman ako bortang-borta gaya ng ibang bakla na halos pumutok na ang muscle sa laki. Ayoko rin naman magmukhang babaeng-babae dahil hindi ko bagay.
Mali.
Very wrong...
Ayoko pang magtransition..
Dahil kapag ginawa ko 'yon, yari ako sa Papa ko, baka bugbugin ako ng wala sa oras o di kaya'y palayasin ako sa bahay. Saan naman ako titira?
WALA.
Ayokong magtake ng hormones dahil mahahalata ni Papa na ang kaisa-sa niyang unico hijo ay bakla.
Siyempre.. natatakot siyang walang magmana ng apilyido niyang pinagmamalaki niya. Isang apilyidong hindi ko naman ginustong dungisan dahil lang sa pagiging isang bakla.
Hindi ko naman ginusto 'to 'no.
Wala rin naman akong choice kung hindi tanggapin na lang, ayoko rin naman paniwalain ang sarili ko na straight ako kahit hindi naman talaga.
"Hijo." Tawag sa'kin.
Natigil ako sa paglalakad. Pa'no ba naman humarang sa dinaraanan ko. On fleek ang pilik-mata. Plakado. Palong-palo ang kulay pulang lipstick sa labi niya. Pati ang mga kilay ay guhit na guhit din.
3 layers ng foundation na lang talaga ang kulang..mukha na siyang patay na nabubuhay.
"Ma'am?"
"Dean!" Pagtatama niya. "Dean Amanda Gagarin. Bago ka rito?"
Tinaasan pa ako ng kilay ng makita niya ang suot-suot kong damit.
Required ba talagang may masungit na Dean sa buhay ko?
"Opo. Luke Manalastas po."
"Hijo, hindi ka ba naorient noong nag-enroll ka rito? Hindi pwede ang kasuotang ganiyan sa Paaralan na 'to." Taas noo niya akong tiningnan na akala mo naman may mali sa suot ko.
Pink crocheted croptop na tinernohan ng pink na pants lang naman ang suot ko. Anong mali rito? E bakla nga ako.
Hanggang ngayon pa rin pala uso ang stereotype.. hindi na mawala-wala.
Wala naman akong tinatapakang tao
"Dean, this is democratic country."
"Yes.. democratic. But not barbaric."
Aray ha.
"Lalaki ka, di ba?"
Tumango ako. Matapang pa rin ang tingin ni Dean Amanda sa suot-suot ko.
"Eh, pambababe 'yang suot-suot mo e."
"Porket po ba lalaki hindi na pwedeng magsuot ng pambabae? Hindi naman po 'di ba?"
"Kahit na..rules is rules."
"Noong nag-enroll po ako rito sa School, binasa ko po lahat ng pages sa Rule Book ninyo at wala pong nabanggit don na bawal magdamit ng pambabae ang lalaki. So, ano pong mali rito sa suot-suot ko?"
"Wear proper uniform." Sabi niya.
"Pero nag-announce po kayo last week bago magpasukan na civillian muna ang isuot ng mga bagong estudyante dahil wala pa silang uniform.. hindi po ba?"
"Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Lahat masiba na."
Hindi ko naman siya masisi kung nineteen kopong-kopong siya ipinanganak kaya hindi niya alam na ang henerasyon namin ngayon ay advance na. Lahat naman nagbabago.
It's 2022 na. Hanggang ngayon nagpapaliwanag pa rin kami. Hanggang ngayon kailangan pa rin namin intindihin kung anong pinaniniwalaan nila. Gusto ko nga magsuot ng ganito. Ang ganda-ganda kaya.
Wala lang talaga siyang taste. Ganito ba talaga mga tao rito sa Isla?
Homophobic?

BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventureLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...