CHAPTER 10
Dalubhasaan☾︎☀︎︎☽︎
"Kumpleto na ba lahat ng kailangan natin? Wala ng kulang?" Tanong ko. Dumiretso na ako sa likuran ng sasakyan at isa-isang ibinaba lahat ng materials.
"I think we're all settled na. Hindi na kami bumili ng iba pang kailangan dahil feeling ko pwede naman natin gamitin 'yung nasa bahay."
Sumunod na sila Ica, Lorie, at Vien sa pag-aayos ng iba pa naming gagamitin. Huling bumaba ng sasakyan si Ino dahil inayos niya pa ito.
Siya lang naman marunong magdrive ng four wheels sa amin.
"Luke, sa'n ko 'to ilalagay?" Tanong ni Ino.
"Kahit doon na lang muna sa terrace nila Lorie. Ayusin na lang natin mamaya."
Tanaw na tanaw ang dagat sa bahay nila Lorie. Ang ganda lang pagmasdan ng Islang 'to, pero walang saysay ang ganda ng Isla, kung ang mga nakatira'y may sakit na homophobia.
Anyways, kanina pa 'ko bigat na bigat sa dala-dala kong cardboards.
Wala bang tutulong diyan?
"Arayy... ang bigat." Hila-hila ko na 'yung cardboard na dala ko.
Hindi ko talaga kayang buhatin ng mag-isa 'to.
"Tulungan na kita, Teh." Kinuha ni Vien lahat ng dala ko at mabilisan niya rin itong binagsak. "Parang ang gaan naman, Teh."
"Huwag ka ngang epal! Bading!"
Napansin niya si Inong abala rin sa pag-aayos ng ibang materials.
"Ayon.. nagpapa-pansin ang bading kay, Ino. Ganda ka girl? Laban!"
"Basag trip ka, Teh! Eh, bakit ayaw mo kasing isama si Drei rito?"
"Ay! Wala 'kong mapalala sa kaniya, Teh."
"Eh, bakit nga? LQ?"
"Walang L. Q lang."
"Ex-lovers?"
"Hindi rin."
"Baka naman may second chance pa kayo.."
"Walang second chance because there was never an us!"
"Ass? Top ka?"
"Minsan. 'Di pwede?"
"Yuck! Nangri-rim ang bading! Oh my god!"
"Hoy! Magchis-chismisan na lang ba kayo diyan mga Teh?!" Ica shouted.
"Oo na! Eto na oh! Ito kasing si Bakla bigat na bigat sa cardboard kahit ang gaan naman!"
Umalis na si Vien sa harapan ko dala iba pang materials. Sumunod na si Ino sa kaniya.
Sinimulan na rin namin 'yung project. Kaniya-kaniya kaming toka kung anong gagawin namin kaya mabilis lang namin ito natapos.
Nilagyan na lang namin ng Isla 'yung paligid ng School para kitang-kita pa rin ang 360° na view nito.
"Ang sakit ng likod ko, Bakla!" Reklamo ni Vien habang inaayos na ang mga kalat. Tumulong na rin sila Ica at Lorie sa pagsisinop. Kami naman ni Ino fina-finalize na lang ang mga missing pieces ng ginawa namin at pwede ng ipasa kay Sir Tambio sa lunes.
"Perfect!" Kumento ni Vien pagtapos nilang maglinis. "Nakakapagod ha."
"Truth." Kumento naman ni Ica habang inaayos ang ibang ginamit namin.
"Wala bang pa-miryenda diyan, Lorie?"
"Chicharon? Gusto niyo?"
"Ay! Go! Samahan mo na ng sukang pinakurat para perfect ang lasa!" Malakas na sabi ni Vien na akala mong nasa sariling bahay lang nila.
"Patay gutom ka talaga eh, 'no?"
"'Pag inggit, pikit. Bading!"
"Nakakahiya ka." Kumento ko.
"Teh, sa panahon ngayon bawal tanggihan ang grasiya. Ang dami kayang nagugutom."
"May point ka, pero huwag naman abusado."
"Tse! Huwag kang kakain, ha." Biro niya.
Sa wakas! Tapos na rin namin ni Ino i-finalize lahat. Ipinatong na muna namin 'yung Diorama sa ibabaw ng lamesa para hindi ito masira.
Bumalik na si Lorie dala-dala ang napakaraming supot ng chicharon. May dala pa siyang isang bote ng suka.
"Ubusin niyo 'yan, ha."
"Akong bahala, Lorie." Kumuha agad si Vien ng isang supot ng chicharon at mabilis na binuksan.
Nag-unahan na rin sila Ino at Ica sa pagkuha.
Hindi ko inasahan na sa pananatili ko rito sa San Miguel, i found my peace. Na kahit ang hirap-hirap mahalin nitong Isla, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
Na balang araw, aayon din sa amin ang panahon at pagkakataon.
Na aayon din sa amin ang mga alon. Kaming mga simpleng lamang dagat na naninirahan sa Isla.
BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventuraLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...