Chapter 17

18 6 3
                                        




CHAPTER 1
Irog

☾︎☀︎︎☽︎

"ANG UNFAIR MO, LORD!" Malakas kong sigaw habang nakatanaw sa Buwan.

Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko sa mata. "Hindi ko naman ginusto maging bakla! Do I really deserve this?! Am i really sinned of being gay?! Of being myself?!"

"Hindi. Hindi Luke.." Mabilis akong napapunas ng luha bago humarap sa kaniya. "Hindi kailan man mali ang magmahal o maging totoo sa sarili."

It was Ino. May hawak siyang lampara kahit bilog na bilog naman ang Buwan. Ang liwanag kaya.

"Bakit? Diyos ka ba?"

"Kailangan ba maging Diyos muna ako para maniwala ka sa'kin?"

I didn't answer. Pakiramdam ko wala na 'kong lakas para magsalita pa. Gusto ko na lang umiyak nang umiyak. Kahit ngayong gabi lang.

Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang lampara sa pagitan namin. "Nakikita mo 'yong ilaw na 'yon?" Tinuro niya ang bangka na may taong nanghuhuli ng isda. "Lagi mong tatandaan na kahit gaano kadilim ang isang lugar, hanggat may ilaw kang nakikita, hindi ka maliligaw."

"Hindi rin sapat ang mga ilaw lang. Minsan kailangan mo rin ng direksiyon para hindi ka mawala. Darating din ang araw na mapupundi rin ang ilaw."

"Eh di gamitin mo 'yang apoy sa puso mo para magkailaw ulit. Parang itong gasera; kailangan ng apoy para magkaroon ng liwanag. Ikaw ang kailangan mo lang ay makakasama para magkaroon ka ng ilaw."

"Ino, sa tingin mo magkakaroon pa tayo ng chance para i-approve ng board application namin para sa Org?"

"Hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan, 'di ba?"

"Pa'no kung ayaw nila?"

"Eh di ilaban pa rin natin."

"Pa'no kung gano'n pa rin?"

"Subukan lang natin nang subukan hanggang sa ma-convince sila."

"Mahirap, Ino. Ang dami nating kalaban."

"Kailangan lang natin ng maliwanag na ilaw para mapabago isip nila."

"Hindi ko na alam, Ino."

Totoo. Hindi ko alam kung ano bang magiging epekto nito 'pag nagawa na namin. Magiging maayos ba ang lahat o mas gugulo lang.

"Ikaw lang ang nakilala kong tao na hindi basta-basta sumusuko. Ang dami mo nang pinaglaban dito sa Isla, Luke. Ngayon ka pa ba susuko?"

"Pa'no mo nalaman na gano'n ako?"

"Ramdam ko lang."

"Wala naman kasing mangyayari 'pag sumuko ako. Hindi pa nga nag-uumpisa totoong laban eh."

"Sasamahan kita. Nandito lang ako."

Naramdaman ko na lang ang mga labi niyang dumampi sa labi ko.

He kissed me. Again.

"Sa susunod magpapaalam ka bago ka humalik, ha?"

"Kailangan ko pa rin bang magpaalam sa 'yo 'pag sinabi kong mahal na kita? Wala na 'kong takot ngayon dahil alam kong magkasama tayong dalawa."

He held my hand. Humarap ako sa kaniya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Walang takot at kaba. Walang pagdududa at pangamba.

I kissed him back. Again.

☾︎☀︎︎☽︎

"OKAY NA BA LAHAT NG GAGAMITIN NATIN? 'YUNG PLACARDS? 'YUNG ILAW?" Kinakabahan kong tanong kay Vien. Aligaga na kaming lahat dahil ilang minuto na lang ay tutula na si Luke.

"Kanina ka pa palakad-lakad diyan, Ino. Masiyado kang kabado diyan eh. Nakapalibot na sila kaya wala ka nang dapat pang isipin. Hintayin na lang natin lumabas si Luke mamaya."

Lumapit ako sa isang estudyante rin ng University. "Itataas mo lang 'yang placards mamaya 'pag labas ni Luke sa stage tapos pailawan mo para mabasa nila, ha?"

"Sige po, Kuya."

Umupo na 'ko pagkatapos ko siyang kausapin. Katabi ko si Vien at Lorie. Kasama namin ang Lola at Mama ni Luke.

Nawa'y umayon lahat sa plano.

☾︎☀︎︎☽︎

Nakatutok ang Bayan ng San Miguel para sa pagdiriwang nila ng Buwan ng Wika. Marami ng tao sa Plaza at malapit na ring mapuno ang mga upuan. May ibang pinili na lang tumayo dahil wala na silang maupuan.

Nakasindi na ang makukulay na ilaw. May malaking nakalagay na 'Buwan ng Wika' sa gitna ng stage na may iba't-bang disenyo. Handa na ang entabladong gagamitin nila sa pagdiriwang.

Lahat naghihintay na.

Naka-abang na ang karamihan para sa makulay nilang selebrasyon.

Tinapik ni Vien si Luke sa likuran na kanina pa tensiyonado at hindi na makapagsalita dahil sa kaba.

"READY KA NA BA GA?" Tanong ni Vien sa kaibigan na si Luke na kanina pa kinakabahan. Ito na ang pinakahihintay nilang pagkakataon upang magpakilala at ipaglaban ang kanilang karapatan dito sa Isla ng San Miguel.

"Oh, basta galingan mo! Keri mo 'yan!" Kumento ni Lorie. "Isipin mo na lang na maraming bakla ang makakapanood sayo at magiging proud dahil minsan sa buhay nila, may isang baklang tumindig at nakipaglaban para sa kanila."

Napangiti si Luke at nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa sinabi ni Lorie. Kahit hindi siya sigurado kung ano bang naghihintay sa kaniya 'pag tapos nito, gusto niya pa rin magkaroon ng pagbabago sa Isla.

Handa na rin ang mga gagamitin nila mamaya. Ito na ang pinaka-hi-hintay nilang pagkakataon upang kalampagin ang buong Isla.

Pumikit si Luke at nagsimulang manalangin. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata, bumungad sa kaniya si Ino. "Goodluck, Luke!"

"Salamat. Akala ko hindi ka na darating."

"Pwede ba 'yon?"

"Okay na ba lahat?"

Tumango si Ino. Pareho na silang kinakabahan. Ang tanging gusto nila ay magawa nila ito nang maayos.

"Oo. Nakapalibot na rin sila sa mga nanonood."

"Sila Dean Amanda at Father Fabian?"

"Nakaupo na sa harapan. Naghihintay na lang magsimula ang programme."

Ilang sandali lang ay umakyat na sa stage ang MC ng programme. Umugong ang mga hiyawan at palakpakan sa buong Isla. Hudyat na opisyal nang magsisimula ang pagdiriwang.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon