CHAPTER 18
Pagtatanghal☾︎☀︎︎☽︎
"LET'S WELCOME.. LUKE MANALASTAS FROM COLLEGE OF EDUCATION!"
Rinig ang bawat palakpakan at hiyawan sa buong Plaza nang ipakilala na ang susunod na kalahok para sa Tugmaan— isang uri ng malayang pagtula.
Ito na 'yon. Wala nang atrasan 'to. Pakiramdam ni Luke that this is the perfect chance para kalampagin ang buong Isla ng San Miguel. Ipakilala na ang maging isang bakla ay hindi dapat kinakahiya— na hindi dapat ito ang maging hadlang para maging masaya.
Dahan-dahan siyang naglakad paakyat ng stage. Dala ang determinasyon at lakas ng loob. Gamit ang mga salita, gusto niyang mabago ang isip ng mga tao tungkol sa mga baklang kagaya niya.
Habang paakyat ito ng stage, mas lumalakas ang hiyawan at palakpakan. Mapapansin natin ang mga taong nakatingin sa kaniya. Sari-saring emosyon ang makikita sa kanilang mukha. May kalmado at nakangiti. May iilan din na dismayado hindi pa man ito nagsisimulang magsalita.
Pag-akyat niya, hinanap nito kaagad ang mga kaibigan at doon— nakita niya ang mga ito. Loud and proud.
Naghihiyawan na rin ang mga tao kaya mas lalo itong kinabahan.
"Woah! Kaibigan namin 'yan!" Malakas na sigaw ni Lorie.
"Go, Luke! Woooahhh!" Si Vien naman ang sumigaw.
Present din na nanonood si Drei. Nakangiti at mapapansing proud na proud siya sa katapangan na ipinapakita ni Luke sa mga tao sa Isla. Proud siya kung paano niya nagagawang ipaglaban ang karapatan nila.
This is not the time for Drei to come out at naiintindihan 'yon ni Luke. Nag-iipon pa ito ng lakas at tapang para humarap sa kanila ng buong puso.
Habang naghihiyawan ang lahat, present din na nanonood sina Father Fabian at Dean Amanda. Gaya nila, nanonood din ang mga magulang ni Ino.
Lahat sila excited na sa performance na ipapakita ni Luke. Nakatingin na ang lahat ng mata sa kaniya.
Kinuha ni Luke ang mic at itinapat sa labi niya. Huminga muna ito ng malalim bago simulang magsalita.
Sabi nila ang Wika ay isang mapagpalaya,
Mapagmahal at hindi mapag-imbot sa salita.
Puno ito ng kultura at Hiwaga,
Kagaya na lamang ang Balagtasang magkakatugma.
Ngunit mapagpalaya pa rin bang maituturing?
Kung hindi marinig ang bawat daing?
Kung ang bawat tinig ay pilit kinalimutan?
Ang bawat karapatan ay pilit tinatapakan.Ito na ang simula ng kanilang pakikibaka para sa kanila. Pagkakataon na rin ito upang kalampagin ang mga natutulog at magkaroon ng kamalayan ang mga nagbubulag-bulagan.
"Mas maganda kung magpapakilala tayo habang tumutula ka." Suggestion ni Vien. "Kailangan opening statements mo pa lang, eh, pasabog na."
"Pa'no ko naman gagawin 'yon?"
"Eh, di habang tumutula ka hawak-hawak namin ang mga placards na may nakalagay na statements na gagawin namin ni Lorie. Iwawagayway namin 'yon habang nagpe-perform ka."
"Pa'no naman makikita, e, gabi gaganapin 'yon?"
"Kami ng bahala, Teh. Agree ka ba?" Tumingin si Vien kay Lorie at naghintay ng isasagot.
"Pwede.. gandang idea 'yan." Kumento ni Lorie.
"PERFECT! May naisip ka rin na tama." Sabi ko.
Sa kabilang banda, isa-isang nagtaasan ang mga placards na gawa nina Vien at Lorie. Iwinawagayway ito ng mga estudyante kasama ang dalawa. May malaking Watawat ng Pilipinas at LGBTQIA+ Flag— na simbolo sa pagkakaisa ng kahit anong lahi o uri.
Hawak ni Vien ang placard na may nakasulat na 'Transwoman is a Woman'. Loud and Proud. Habang si Lorie ay may hawak din at may nakalagay na 'I am not sinned for being myself!'. Pansin din ang ibang estudyanteng itinataas-baba ang mga hawak nila.
'We Exist'
'Love knows no Gender'
'Mabuhay ang lamang dagat!'
Kasabay ng pagliwanag ng buong plaza dahil sa mga nagsindihang malalaking ilaw ang pagsaboy ng mga confetti. Naging makulay ang buong paligid dahil dito.
Makikita sina Father Fabian at Dean Amanda na hindi nagugustuhan ang nangyayari. Maging ang ibang tao sa plaza ay hindi rin ito nagustuhan.
Nagpatuloy si Luke sa pagtula.
Pilit kinukubli ang bawat bulong,
Binabalewala ang bawat dagundong.
Bayan pa bang maituturing?
Kung ang mamamayan nito'y pilit humihiling,
Nang patas na karapatan,
At buong pusong pagtanggap.
Kami ay minaliit at pinahirapan,
Tanging ang gusto lang namin ay patas na bayan.
Sino nga ba ang tunay na makasalanan?
Kaming mga lamang dagat?
O kayong hindi kami matanggap?"ANONG NANGYAYARI?! ITIGIL NIYO 'YAN!" Sigaw ni Dean Amanda. Nanggagalaiti na sa galit. Pati si Father Fabian ay nagugulat din sa nangyayari.
Masamang tumingin si Father Fabian kay Luke. "Oh, Diyos ko! Patawarin niyo sana ang batang 'to. Bigyan niyo sana siya ng ilaw upang gumaling at muling humarap sa inyo ng buong puso." Bulong nito sa sarili.
Naunang naglakad palapit ng stage si Vien. Sumunod sa kaniya sina Lorie at Ino. Sumabay na rin ang iilang estudyante na parte na rin ng Org na binubuo nilang tatlo. Hawak ang placards, masaya nila itong iwinagayway kasabay ng mga confetti na bumabagsak sa lupa.
Sa kabilang banda— hawak ni Luke ang malaking LGBTQIA+ Flag habang iwinawagayway ito. Katabi niya si Ino at parehong magkahawak ang mga kamay nito.
They felt relieve dahil tagumpay sila sa kanilang plano. Nakalampag nila ang buong Isla ng walang pagsisisi at pagdududa. "Salamat, Ino."
"Basta ikaw."
"WALANG BAKLA DITO SA SAN MIGUEL! BAYOT!" Sigaw ng isang lalaki na hindi katangkaran. "HUWAG NIYO KAMING IDAMAY SA KABAKLAAN NIYO!"
"Ino! Umuwi na tayo!" Sigaw ng Mama ni Ino. Galit na galit itong hinila siya palayo kay Luke. "Huwag mong idamay si Ino sa kabaklaan mo, hijo!" Gustuhin man ni Luke na hindi sila magkahiwalay sa gabing ito ay hindi niya magawa. He couldn't help himself but to cry.
"Luke, anong kahihiyan ginawa mo, ha?! Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo rito, hindi na sana kita pinasali!" Sigaw naman ng Mama ni Luke na hiyang-hiya dahil sa ginawa ng anak.
"Bakit po, Ma? Nahihiya ka na may anak kang bakla o nahihiya ka dahil kaya kong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko na hindi mo kayang magawa? Alin sa ginawa ko ang nakakahiya, Ma?"
"Pino-protektahan lang kita sa kanila, Anak."
"Hindi mo 'ko mapro-protektahan palagi, Ma." Sabi ni Luke na hindi namamalayang tumutulo na ang mga luha nito sa mukha. "Hindi kita palaging kasama.."
Nagkakagulo na ang buong plaza. Hindi maintindihan ng mga tao kung anong nangyayari. May ilan na umuwi at may iilan ding nanatili at nakatingin lang sa kanila.
Sina Luke at mga kaibigan na lang nito ang natira sa plaza. Umalis na rin sina Father Fabian at Dean Amanda na hiyang-hiya sa ginawa ng mga estudyante nila.
Hindi alam ang gagawin nina Vien at Lorie dahil sa mga narinig. Gusto nilang lapitan si Luke ngunit hindi nila magawa.
Tears fell from Luke's eyes while watching Ino leaving the plaza. Mabilis ang tibok ng puso niya. Natatakot siyang mawala si Ino sa buhay niya. Hindi niya gugustuhin na mawala lahat ng ipinaglaban niya.
Believe it or not— nang dahil kay Ino at sa mga kaibigan nito.. He believe in love again.
![](https://img.wattpad.com/cover/372362241-288-k32665.jpg)
BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AdventureLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...