Chapter 7

15 6 4
                                        



CHAPTER 7
Hunyango

☾︎☀︎︎☽︎

"OMGGGGGGG KA, TEH!! Hindi ko kinaya idea mo kanina ha. Malaglag sa swimming pool para pansinin ni President Ino."

"Alam mo Biennard.."

Nawala ang ngiti ni Vien sa labi niya. "Ayan na naman tayo sa Biennard mo, Teh. Vien kasi.. V-I-E-N. As in Vien."

"Whatever."

"Pero wa-epek pa rin kay President Ino 'yung ginawa mo. Sigurado ka bang maipapasa Org natin?"

"Oo naman. Ma-co-convince rin natin 'yon."

"Eh, pa'no? Ayaw nga niyang i-approve eh."

"Lalambot din 'yon."

Nagbibihis na kaming dalawa ngayon. Buti na lang may extra pa akong damit dahil kung wala, uuwi akong basa.

"Pero Sis.. sayang talaga kanina. Ikaw kasi ang sungit mo kaagad."

"Eh, pa'no? Ayaw tayong tulungan makaahon." Sabi ko.

"Kaya naman kasi natin.. ang arte mo lang. Nakiusap ka na lang sana, 'di ba?"

"LOL! No."

Natahimik kami ni Vien nang may marinig kaming pamilyar na boses. Napatakip ng bibig si Vien na halatang nahihiya.

"PINAG-UUSAPAN NIYO BA 'KO?"

It was Ino.

Nasa loob siya ng cubicle.

"Obvious ba?"

"Ang sungit mo pa rin." Sabi ni Ino.

"Ikaw.. ang tigas-tigas mo pa rin. Wala ka pa ring puso."

Kinurot ako ni Vien sa tagiliran tsaka bumulong. "Gago ka, Teh."

"Oh, bakit? Kasalanan niya naman ah."

"Anong matigas sinasabi mo?"

"Green minded ka?"

"Hindi.. mediyo lang, Teh! Chareng!"

Sabay na kaming lumabas. Uwian na rin namin ngayon.

Halos nag-uuwian na rin ibang mga estudyante. Sa mga classroom naman na nadaanan namin, may mga nagka-klase pa.

Nightshift ata.

"Oh, sa'n daan mo, Teh?" Tanong ni Vien. Nasa labas na kami ng gate.

Naghihintay na lang ako ng jeep na dadaan papunta sa 'min. "Magjeep ako, Teh. Nasira 'yung motor ko kahapon e. Ikaw ba?"

"Daan muna 'ko ng Coffee Shop. Nagugutom na akes."

"Wow! Katatapos lang natin lumafang kanina bago tayo umuwi ah."

"Malamang hindi ako nabusog. Ang liit-liit kaya ng siopao. Puro tinapay nga lang nakain ko. Kaloka!"

"Inflation." Sabi ko.

"Infl— ano? May sinasabi ka?"

"Ewan ko sayo. Nandiyan na 'yung jeep. Una na 'ko, Bakla."

"Oh, siya, sige..sige. Ingat ka, Teh!"

"Ingat, Vien! See you.. tatawag na lang ako mamaya para sa project natin."

"Babush!"

Nagsimula nang umandar ang jeep. Naglakad na rin si Vien papunta sa kung saang Coffee Shop siya bibili ng paborito niyang kape.

Ang daming nangyari ngayong araw.

Nagdisccuss si Sir Tambio.

Nagbigay ng Project.

May quiz pa bukas.

Pati si Ino sumabay din. Ayaw pa kasing i-approve 'yung application para sa Org namin.

Nabasa pa tuloy kami ni Vien kanina.

Nakakapagod.

Tama. Nakakapagod.

Nakakapagod ipaglaban kung anong karapatan namin; kung anong para sa amin.

Napakaunfair ng mundo para sa aming mga LGBTQIA+ Members.

Ang daming kailangan patunayan para tanggapin; daming kailangan gawin para mahalin.

Naalala ko na naman sinabi ni Father Fabian noong nakaraang araw.

"Ang pagiging bakla ay kasalanan sa Diyos! May panahon pa para gumaling ka, hijo."

Wala naman kaming sakit para gumaling. Hindi rin naman kami mga sakit para iwasan.

Kasalanan ba ang maging isang kagaya ko?

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon