CHAPTER 11
Dapit-Hapon☾︎☀︎︎☽︎
"That would be all, Sir. Thank you po!"
And with that— nagpalakpakan na lahat ang mga kaklase ko. Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming upuan at hinintay ang feedback ni Sir Tambio.
Tapos na rin kami sa wakas!
"Thank you and Congratulations sa inyo! Hindi naman ako na-disappoint dahil maganda ang presentation ninyo although hindi perfect, pero pwede na."
Halos magkakaparehong Diorama Design lang ang ginawa ng mga kaklase ko. Nagstand-out naman ang gawa namin dahil sa amin lang ang kakaiba.
Maagang nagdismissal ng klase si Sir Tambio pagkatapos ng presentations namin sa kaniya.
Ang dami nangyari lunes pa lang.
Nagquiz kay Dean.
Nagpresent ng Diorama.
Sinabayan pa ng mga Biblical Activities ni Father Fabian kanina kaya nakakapagod.
Sobra.
☾︎☀︎︎☽︎
"Lagi ka bang nagpupunta rito?"
Napatingin ako sa nagsalita. Nasa likuran ko lang pala si Ino.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko.
"Hindi naman.. nakita kitang ang lalim ng iniisip mo kaya pinuntahan kita rito. Pauwi na sana ako eh."
"Bakit 'di ka pa umuwi?"
"Ang sungit mo na naman, Luke.."
Maagang natapos ang klase namin ngayong araw kaya dumiretso muna ako rito sa abandonadong eroplano sa tabing-dagat.
Ang tagal na rin sigurong nandito nito dahil kinakalawang na yung mga parte at sira-sira na rin ang mga upuan at gamit sa loob.
"I'm having my peace of mind here."
"Ako rin... dito ako nagpupunta kapag pagod o stress ako. Ang ganda nitong Isla, 'no?"
"Hindi rin.."
Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan din ang mga alon ng dagat.
Ang payapa.
"Napapagod ka na ba?"
Tumingin sa 'kin si Ino. Alam kong may malalim din siyang tinatago na hindi niya kayang sabihin sa iba.
"Hindi ko alam, Ino." Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Ang mahalaga ngayon, alam kong hindi ako nag-iisa. Na kahit ang hirap mahalin nitong isla, nagagawa niya pa rin akong mapasaya."
"Ramdam naman kita, Luke.."
"Ramdam din naman kita.. Ino."
"Nagpunta rin ako rito para sabihin sayong.. approved na sa council ang application para sa Org niyo."
Nanlaki bigla ang mata ko. "Shet!" Napatakip tuloy ako ng bibig dahil sa gulat. "Totoo ba? Thank you.."
"Wala 'yon. Basta ikaw.."
Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa tuwa. "Ay.. Sorry." Kumalas na rin ako kaagad.
"Okay lang."
"Sabi ko naman sayo hindi talaga matigas 'yang puso mo, eh. Alam kong may natitirang kabutihan diyan."
"May puso naman ako, 'no. Marunong naman ako magmahal, eh."
"Salamat talaga, Ino."
"Wala 'yon, pero kailangan niyo pa 'yan ipasa sa board. Ibang laban pa 'yon."
"Okay lang, Ino. Atleast, approved na sa council. One down, one more to go."
Para akong nabunutan ng tinik. Mas nagkaroon ako ng pag-asang may pagbabagong darating para sa Isla ng San Miguel.
Hindi na kami nag-iisa. May isang tao nang malaya kaming pakikinggan at susuportahan.
"Luke, nagmahal ka na ba?"
Seryosong tumingin sa 'kin si Ino.
OMG!
Don't tell— no! Hindi pwede.
"Sobrang random naman ng tanong mo."
"Pero seryoso ako.."
Pilit kong iniibahan topic naming dalawa.
"Lahat naman ng mga minamahal ko hindi nagiging totoo sa'kin. Mahalaga ka sa una, pero iiwan ka 'pag wala na silang napapala sayo. Ikaw ba, nagmahal ka na?"
Tumango siya. "Oo.."
"Paano mo naman nasabing nagmamahal ka?"
Nakatingin lang ako sa mga mata niya.
"'Pag malaya kang nagmamahal ng taong mahal mo. 'Pag alam mong basta mahal mo lang siya ng walang rason at pagdududa. Na kahit hindi ka sigurado.. handa ka pa rin sumugal para sa kaniya."
Totoong masakit ang magmahal lalo na sa'ming mga lamang dagat. Mahirap makahanap ng taong totoong magmamahal sayo.
"Ah. Ako kasi matagal ko nang sinara ang puso ko para diyan."
"Pa'no kapag may biglang dumating? 'Yung pipiliin ka araw-araw."
"Mawawala rin naman sila." Sagot ko.
"Pa'no kung hindi?"
Tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
"Bahala na.."

BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventuraLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...