Chapter 9

16 6 0
                                        



CHAPTER 9
Sidapa

☾︎☀︎︎☽︎

Hindi ko alam kung bakit dito ako gustong pag-aralan ni Papa. Dito sa malayong Isla ng San Miguel kasama sila Mama at Lola.

Mabuti na rin siguro 'yon para hindi niya 'ko masaktan o maging malaya ako.

Nung unang araw ko rito, sabi ni Lola bigyan ko raw ng pagkakataon ang Islang 'to para maging masaya at malaya, pero habang nagtatagal ako rito unti-unti kong nalalaman kung ano nga ba ang meron sa Islang 'to.

Kung bakit gano'n na lang ang pagmamahal nila Mama at Lola sa lugar na 'to; kung bakit hanggang ngayon, kahit silang dalawa na lang ang magkasama, pinipili pa rin nilang manirahan dito kaysa sa Maynila.

"Luke.." Napatingin ako kay Ino. Magkasama kaming dalawa ngayon habang nakatanaw sa malawak na Isla. "Pasensiya ka na hindi ko ma-approve application mo."

"Ino, anong pakiramdam nang may gustong makipaglaban sayo? May handang ipagtanggol ang karapatan at kalayaan mo? Sarap siguro sa pakiramdam no'n, 'no?"

"Siguro.."

"Iyon lang din naman ang gusto naming maranasan. May handang tumindig at makipaglaban kasama namin. 'Yung may makikinig. Hindi naman malaki hinihingi namin sayo, Ino. Suporta mo lang para sa 'min. 'Yon lang naman hinihingi namin sayo."

"Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon, Luke."

"Alam ko naman.. pero sana bigyan mo man lang kami ng chance. Samahan mo lang kami sa laban."

Sandali kaming natahimik dalawa.

"Oh, siya.. una na 'ko. Magga-gabi na."

"Sana mapag-isipan mo, Ino."

"Gagawan ko ng paraan.."

☾︎☀︎︎☽︎

"KERI BA 'YON?" Tanong ni Vien.

Magkakasama kaming apat sa bahay ni Lorie para sa project namin kay Sir Tambio. Nasa tabi ko si Vien habang si Lorie at Ica ay nasa harapan namin.

Wala si Ino dahil you know— Council things.

"Wititit, Sis! Ang complicated saka.. ang gastos. It's a no for me."

"Eh, di recycled materials ang gamitin natin. Pwede ba 'yon?"

"Eh, sa'n naman tayo hahanap ng gano'ng materials dito?" Kumuha ng isang pirasong chicharon si Ica.

"Oh, di kayo mag-isip."

Bahagya akong natawa. "Kakain na lang ako."

"Gutom lang, Teh?" Tanong ko.

"Sakto lang."

"Nasaan na ba kasi si President Ino? Baka may ideas siya?" Napatingin sa'kin si Vien. "Alam mo ba?"

"Oh, ba't ako?"

"Alangan naman ako? Di naman kami nag-uusap."

"Wala. Ewan ko."

"Hindi man lang ba nagtext sayo?"

"Waley nga."

Napansin kong parang umiinit na naman ang pisngi ko.

"HALA SIYA! BLOOMING NA NAMAN SI BAKLA!!" Abot na naman sa kabilang kanto ang tili nito. Sakit sa tainga.

Natatawa tuloy si Lori at Ica sa mga pinag-uusapan namin.

"Tigilan mo 'ko! Project ba pinunta natin dito o pagchismisan ako?"

"ANG OA MO NA NAMAN, TEH."

Itinuon ko na lang 'yung isip ko sa project dahil baka kung saan pa mapunta 'to.

"Gamit na lang tayo ng mga card boards, popsicle sticks, glue, and illustration board para makagawa tayo ng Diorama ng School natin. We'll make it more interesting na lang para maging unique gawa natin."

"So, kailan tayo magsisimula?"

"'Pag kumpleto na tayo. Kapag nandito si President Ino para maexplain natin sa kaniya kung anong designs and constructions ang gagawin natin." Paliwanag ko.

"HALA SIYA.. LUMALAMBOT KA NA NGA, TEH."

"Hindi ka ba titigil, Biennard?"

Bigla siyang sumimangot. "Vien kasi.."

"Biennard. Biennard ang pangalan mo hindi Vien."

"TANG INA TALAGA NETO, OH."

Napahagalpak kami sa tawa dahil sa lutong ng mura ni Vien. "Saket?"

"Tawa ka diyan Rica Mae?"

Oh my god! Name reveal ba 'to?

"GAGA!!" Sigaw ni Ica. "BA'T NADAMAY AKO DIYAN!"

Napaawang ang bibig ko kaya mas natawa kaming lahat.

Napatingin si Rica kay Lori.

"Hiyang-hiya naman ako sayo Lorielyn!"

"LORIELYN? HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Bet ko 'yan! Bet ko Lorielyn! Lakas maka-Filipina! Hahaha!" Kumento ni Vien.

"Gago ka!"

Wala na. Nagkabukingan na.

Natapos ang meeting namin ng puro lang kami tawa. Hindi na nakarating si Ino dahil ginabi na siya sa meeting nila sa Council.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon