EPILOGUE

22 5 5
                                    




EPILOGUE
Si Sidapa at Bulan

☾︎☀︎︎☽︎

If I'm going to describe my experiences here in San Miguel, I could probably say it was Fear and Bravery. I lost and being found. Hope and Love. My fantasy will became a reality.

Ino held my hand tightly. Hindi naman kami ganito dati, eh. Sabi ko nga kay Vien ayoko sa taong Homophobic dahil sawang-sawa na ako sa kanila but it turns out—mahuhulog din pala ako kay Ino. Ang hirap talagang pangunahan kapag tadhana na ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa.

Nakita ko sina Vien at Lorie na parang may hinahanap. Hindi nga ako nagkamali nang makita niya kami ni Ino.

"TEHHHHHHHHH!" Mabilis na silang tumakbo ni Lorie palapit sa amin. Nakasuot sila ng pambahay na damit. Wala naman kaming klase kay Sir Tambio ngayon. "YIEEEEE. Kayo na ba ni Mr. President Ino?"

"Obvious ba?" Ipinakita ko sa kaniya ang kamay ni Ino na hawak-hawak ko. Malakas siyang napatili. Obviously may hawak na naman siyang chicharon. "So, ano 'to? Props lang?"

"Kailan pa? Hindi ka naman kasi nagsasabi sa'kin, Teh. Nahuhuli na ako sa balita, ha."

"Congrats! Nahanap mo na rin dito sa Isla kung sino nga ba ang talagang para sayo." Kumento ni Lorie. Napangiti ako dahil don. "Pa'no pala tayo magpre-present sa board? Mukhang malabo ngang ma-approve tayo dahil sa nangyari."

"Oy! Ito naman ang aga-aga ang nega. Pwede naman natin subukan, ah." Sabi ni Vien, contracting what Lorie said.

"Thank you, Lorie. Alam kong tagilid tayong lahat ngayon dahil sa ginawa natin sa Plaza, pero hindi naman masamang subukan, 'di ba?" Panimula ko. "We'll try our best para ma-approve tayo ng board."

"So, anong plano? Pa'no?" Tanong ni Lorie. "Eh, tayong tatlo lang naman ang member. Org ba 'yon?"

"Madali na lang magrecruit ng member 'pag approve na sa board ang application natin. Ang problema na lang ay kung paano natin i-pre-present sa harap nila." Sabi ko. "May naiisip ba kayo?"

"Akis nang bahala diyan." Sabi ni Vien sabay subo ng maliit na piraso ng chicharon. "Kausapin ko na lang si Andrei para pakiusapan siya na kausapin sila Dean at Father. 'Pag ako kumausap don.. 'No' agad ang sagot. Wititit. Tapos ang laban! Eh, wala ng chance."

"Nakakatuwa lang dahil hindi ko naman in-expect na makikilala ko kayo rito. Actually sabi ko kay Papa ayokong mag-aral dito. Boring at wala kang ibang makikita kung hindi tubig. Wala rin masiyadong signal kaya wala akong ibang magawa kung hindi magbasa ng libro ni Mama." Kwento ko. "It turns out— masaya naman pala. Malayo sa City na puro usok ang maamoy mo araw-araw."

"And you survived," panimula ni Lorie. "Ang galing mo!"

"Siguro ito 'yung rason kung bakit dito ako gustong pag-aralin ni Papa. Malayo sa buhay ko sa Maynila. Marami akong na-realize habang nandito ako. Buti na lang din binigyan ko ng chance para mahalin ang Isla."

"Sana maka-survive rin kami sa napalaking Isla na 'to. Sana kasama ka pa rin namin don. Darating din kami don, Luke.."

"Layag lang hanggang sa makarating tayo sa kung saan ba talaga tayo pupunta. Wala namang madaling daan. Lahat 'yan may pagsubok."

Ilang buwan na rin ako dito sa Isla. Natutunan ko na siyang mahalin kahit mahirap noong una. Parang ayoko na ngang umuwi. Parang dito ko na lang din gustong tumira kasama sila Mama.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon