CHAPTER 19
Tindig☾︎☀︎︎☽︎
"Pinagsabihan na kita, eh. Anong ginawa mo ron? Nakakahiya ka! Anong mukha ang ihaharap mo ngayon sa mga tao? Wala! Pag-uusapan ka na nila!" Sigaw ng Ina ni Ino. Hindi na nito mapigilan ang nararamdamang emosyon.
"Walang masama sa ginawa ko, Ma! Wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao! Mahal ko si Luke, Ma. Kahit kailan hindi mali ang magmahal!" Sabi ni Ino. Sinusunod lamang niya kung ano bang sinisigaw ng pusa niya.
Sa kabilang banda— nakatingin lang Ama ni Ino sa kanila. Malungkot. Hindi alam ang sasabihin dahil sa nangyari. Nalulungkot ito dahil sa pinagdaraanan ng anak niya.
"Ako ang nanay mo, Ino! Ako dapat ang sinusunod mo! Pinagmukha mo 'kong walang silbing Ina, eh. Pinagmukha mo sa kanila na wala akong kwenta! Ako dapat ang nag-aayos sayo!"
"Paano naman po ako? Pa'no naman po ang nararamdaman ko kung puro kayo ang susundin ko? Hindi ako isang sira na kailangan ayusin, Ma. Wala naman kayong dapat ikahiya dahil sa pagiging ako." Sabi ni Ino. "Titigil na po ba kayo sa pagiging Ina dahil lang bakla ako?"
"Hindi! Pero pinagmukha mo 'kong isang palpak na Ina! Wala akong anak na bakla!"
Doon nasaktan si Ino. Hindi niya inaasahan na sa mismong Ina niya pa ito maririnig. Pakiramdam niya ngayon ay kulang pa rin ang ginagawa niya para matanggap siya.
Pakiramdam niya— ang huling salita na 'yon ay hinding-hindi niya makakalimutan.
"Nagmahal lang naman ako, Ma. Wala naman masama sa ginagawa namin. 'Pag kasama ko si Luke— doon lang ako nagiging malaya. Sa kaniya lang ako nagiging masaya, Ma. Hindi ko nararamdaman na kailangan kong magpanggap para matanggap at mahalin ako."
Hindi na nakasagot ang Ina ni Ino. Natauhan na ito sa mga sinabi ng kaniyang anak. Habang si Ino naman ay bumubuhos pa rin ang emosyon. Pakiramdam niya kailangan niya si Luke para kumalma at mabawasan ang nararamdaman nitong sakit.
Hindi na siya makapaghintay pa kaya mabilis siyang tumayo. Sinubukan siyang pigilan ng Ama nito. Pero hindi siya nagpatinag.
Walang sino man ang pwedeng humadlang sa mga gusto niya. Marami na itong napakawalang takot at bigat sa puso nito. Wala na siyang ibang kailangan isipin kundi ang damdamin lang ng taong mahal niya.
Handa na siyang harapin ang bukas nang malaya.
☾︎☀︎︎☽︎
Hindi mapakali si Luke. Iniisip nito si Ino. Hindi siya pinapakalma ng mga bagay na naiisip niya. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari.
"Hindi ka na kasi dapat sumali don. Tingnan mo tuloy nangyari sayo!" Natatakot at kinakabahan na sabi ng Ina ni Luke. Mapapansin din na hindi rin ito mapakali at kanina pa palakad-lakad habang hawak ng kamay ang ulo nito. "Ininsulto ka nila. Pinagtawanan ka nila, Anak!"
"Ma, ayus lang po ako." Kalmadong sabi ni Luke. Yakap-yakap siya ng kaniyang Lola na nasasaktan din sa nangyari. Pero proud na proud siya sa kaniyang Apo dahil sa katapangan nitong ipinakita.
"Tinrato ka nila na parang isang hayop! Hinusgahan ka nila! Ayus lang? Ayus lang na laitin ka nila sa harapan ng maraming tao? Sabihan ka nila ng kung anu-ano. Ayus lang?" Unti-unti na rin tumulo ang mga luha sa mata ng Mama ni Luke. Hindi niya na napigilan. Ayaw niya sanang makita ito ng kaniyan anak, pero hindi niya na kinaya.
"Ano po bang gusto mong gawin ko, Ma? Na magpanggap ako para tanggapin nila? Sa tingin mo ginusto kong maging bakla? Kung alam mo lang ang pinagdaanan ko sa Maynila para magkaroon ng tapang at lakas— hindi mo masasabi 'yan, Ma." Bumuhos ang mga luha sa mata ni Luke.
"Ilang beses kong hiniling na sana straight na lang din ako gaya ni Papa. Na sana hindi ako nagkakagusto sa kapwa ko lalaki. Pero hindi, eh. Ito na 'yon, Ma. Tanggapin mo man o hindi— bakla ako. Wala na 'kong magagawa. Ito na nararamdaman ng puso ko." Pagpapatuloy niya.
"Gusto lang naman kitang ingatan at protektahan sa kanila, Anak. Pa'no kung lokohin ka ng Ino na 'yon? Pa'no kung iwan ka lang din niya gaya ng ginawa ng Papa mo sa'kin?"
Umiling si Luke. "Hindi mo 'ko palaging maproroptektahan, Ma. Masaktan man ako o lokohin man ako ni Ino— ako na ang may kasalanan don. Suporta mo lang hinihingi ko, Ma." Sabi niya. "Pagtanggap lang ang magiging sandata ko sa tuwing kukutyain at lalaitin ako ng mga tao. Noong umalis ka at naiwan ako kay Papa, doon ako natutong tumayo sa mga sarili kong paa."
"Anak..."
"Kung hindi mo kayang ibigay sa'kin 'yon, Ma? Wala na 'kong magagawa."
Mabilis na tumayo si Luke at lumabas ng bahay. Alam nito kung saang lugar siya magiging kalmado. Pagkarating niya, nadatnan niya si Ino na nakaupo. Nakatanaw sa napakalawak na Isla. Kalmado ang tubig ng Isla. Payapa ang lugar.
☾︎☀︎︎☽︎
BILOG NA BILOG ANG BUWAN. Naalala ni Luke ang kwento tungkol sa dalawang lalaking nagmamahalan na sina Sidapa at Bulan na hanggang ngayon wala pa rin nakakaalam kung ano bang totoong nangyari sa kanilang dalawa.
Kitang-kita ng mga mata nina Luke at Ino ang liwanag na nanggagaling dito. Pakiramdam tuloy nila ay nakikidalamhati rin ito dahil sa mga nangyayari.
Magkahawak ang kamay nilang dalawa habang nakasandal sa gilid ng abandonadong eroplano.
"Nabasa ako lahat ng sinulat mo sa paper planes na ginawa mo." Sabi ni Luke habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Ino. "Sorry.."
"Akala ko nga walang makakapansin."
"Matagal mo ba 'tong tinatago?" Tanong ni Luke sa kaniya. "Hindi ka napagod?"
"Napagod din. Pero wala naman akong magagawa kung 'yon ang tingin nila sa 'kin kaya imbes na aminin ko sa kanila— itinago ko na lang. Wala na rin naman saysay lahat ng 'yan."
"Meron, Ino.. hindi mo ba napansin? Na ang ginamit kong huling linya ng tula ko sa plaza ay galing sa paper planes na ginawa mo. Sayang lang dahil hindi ko naman natapos ang tula ko dahil nagkakagulo na." Tanong ni Luke. Gulat tuloy na napatingin si Ino sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin agad? Ngayon ko lang naalala. Ang tagal na rin kasi ng mga 'yon."
"Gusto ko lang na marinig ka rin nila dahil hindi ka naman naiiba. Matagal ka na rito at isa lang naman akong dayuhan. Gusto ko lang din na maramdaman ka nila."
☾︎☀︎︎☽︎
I would like to say thank you dahil nakarating ka sa part na ito. Hindi ko inaasahan na susuportahan mo ang unang BL Story na isinulat ko. Thank you and God Bless! Last Chapter is waiving...
BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
PertualanganLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...