CHAPTER 6
Amanikable☾︎☀︎︎☽︎
Hindi ko alam kung paano ko ulit haharapin si Ino dahil sa pagtulak ko sa kaniya sa Swimming Pool noong nakaraang araw.
For sure galit 'yon.
Bahala na mamaya.
"Teh, sure ka na ba talaga sa naiisip mo?" Tanong ni Vien.
"Pa'no natin malalaman kung hindi natin susubukan, 'di ba?"
"Okay.. okay, pero daanin mo kaya sa lambut-lambutan? Yung va-va-ihan ang atake."
Napansin ko si Ino na parang katatapos lang magpractice ng swimming.
May naisip ako bigla.
"Akong bahala. Basta itulak mo 'ko."
"Ha? Itulak?"
"Basta.. itulak mo 'ko— yung malakas! Bilis na.."
Gulong-gulo na isip ni Vien.
"Eh? Tehh.."
"Anong Eh? Gawin mo na lang sinasabi ko. Bilissss!"
"Mababasa ka. Wala kang pamalit.. ayoko."
"Dali na kasi!! MAMAYA KO NA IPAPALIWANAG SAYO! Bilis!"
"TEH! Ayoko nga!"
"ANG ARTE!"
Kinuha ko na lang 'yung kamay niya at hinila siya sa pool. Pareho tuloy kaming nabasa.
"ATE.. ATE—— WAHHHHHH!"
Pag-ahon namin ni Vien, nakatingin sa amin si Ino.
"BURIKAT TALAGA!"
"ANG ARTE MO KASI!" Sigaw ko.
"Ano bang ginagawa niyo? Nag-cut kayo ng klase para magswimming dito?" Tanong ni Ino.
"Nakita mo naman kanina di ba? Nahulog kami."
Napatingin tuloy si Vien dahil sa sinabi ko.
Buti na lang talaga hindi gaanong malalim ang pool. Sakto lang para makalangoy kami at hindi malunod.
"Nahulog da—" Kinurot ko tagiliran ni Vien. "Aray.. aray ha."
"Umahon na kayo diyan bago pa kayo maabutan ni Dean Amanda."
Paalis na sana si Ino, pero mabilis akong nagsalita.
"Ay! Teka! Teka! Pwede bang tulungan mo muna kaming makaahon dito bago ka umalis diyan?"
Wait.
Iba na naman tingin sa 'kin ni Vien. Alam ko na ibig sabihin nito kaya bumulong na 'ko.
"Wag ka nang magsalita. Sumakay ka na lang."
"Malaki na kayo. Kaya niyo na 'yan."
Ganito ba talaga ugali ng mga Student Council Officers dito?
Walang care?
"Hindi nga kami marunong lumangoy."
"Hindi ko na kasalanan 'yon." Sabi ni Ino.
Suplado talaga.
"INO! Ano ba?! Wala ka ba talagang puso? Care man lang?"
Nauna na akong umahon kay Vien sa pool side at humarap kay Ino.
"Ba't ba ang sungit mo? Tungkol pa rin ba 'to sa Org niyo?"
"Alam mo naman pala, eh." Matapang akong tumingin sa kaniya. "Ba't ba ayaw mong ipasa?"
"Ang kulit-kulit mo!"
"Ikaw naman ang tigas-tigas mo!"
Napatingin siya sa suot niyang trunks at tinakpan ang kaniyang pagkalalaki na akala mo naman sinisilipan siya.
"Ang bastos mo ah!"
Natatawa lang sa gilid si Vien.
"Hindi 'yan tinukoy ko! Ang ibig kong sabihin.. ang tigas-tigas ng puso mo! Wala ka ba talagang pakialam sa mga kagaya namin? Wala ka man lang bang natitirang pagmamahal o awa diyan sa puso mo?!"
Hindi ko na mapigilan inis ko.
"Malabong mangyari 'yang gusto mo. Kahit pirmahan o ipasa ko 'yang Org Application mo, hindi ka siguradong ipapasa 'yan ng board lalo na ni Father Fabian." Sabi ni Ino.
"Pa'no namin malalaman kung hindi mo ipapasa application namin? Suporta mo lang hinihingi namin sayo, Ino. Kailangan lang namin ng safe space sa lugar na 'to!"
Iyon lang naman talaga ang kailangan namin. Ang suportahan, irespeto, mahalin, at pakinggan kung ano ba talagang ipinaglalaban namin.
Hindi na siya nakapagsalita.
"We need you, Ino."
![](https://img.wattpad.com/cover/372362241-288-k32665.jpg)
BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventureLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...