Chapter 5

29 11 14
                                        



CHAPTER 5
Tugmaan

☾︎☀︎︎☽︎

"Maraming Salamat at kita-kita na lang po tayo sa Buwan ng Wika."

Marami pang sinabi si Ino, pero wala akong pinakinggan. Umalis na rin siya agad pagkatapos niyang ipaliwanag lahat ng mangyayari sa darating na Buwan ng Wika.

"Teh, feeling ko bagay ka sa Sayaw Wika o kaya 'yung SPW."

Hindi ako sumasali sa mga pa-contest ng School.

"Anong SPW?"

"Spoken Word Poetry. Malayang pagtula. Magaling ka ron, 'di ba?"

Umiling kaagad ako.

"No. I'm not into it."

"Teh, pagkakataon mo na 'to para magpakitang gilas kay Ino.."

"It's not my cup of tea.. still no." Pagtanggi ko.

"'It's not my cup of tea— cup of tea' ka pa diyan. Ang arte mo talaga!"

"Teh, hindi nga ako marunong magsulat ng tula.. tumula pa kaya?"

"Tutulungan kita. Akong bahala."

"Ba't hindi na lang kaya ikaw?"

"Wala akong confidence."

Kumakain na naman siya ng chewing gum.

"E di bibigyan kita. Keri mo ba 'yon?"

This time.. napakamot na siya ng ulo.

"Wis. Sige na kasi.. keri mo na 'yan! Mukha naman walang interested sumali sa section natin. Susuportahan kita!"

"Kahit anong sabihin mo Vien.. still no."

Wala naman akong napala noong sumali ako dati. I'm not for fame nor magpakitang–gilas sa kahit kanino rito sa Campus.

Kahit kay.. INO.

☾︎☀︎︎☽︎

Malakas na binagsak ni Father Fabian ang libro sa lamesa dahilan para maging tahimik na ulit ang buong Classroom.

Nagtama ang mga mata namin ni Father, pero mabilis akong umiwas ng tingin.

Naaalala ko kung paano kami nagkasagutan noong isang araw lang.

Walang pumigil sa'kin.

Nakakahiya.. pero karapatan ko 'yon. Ipagtanggol at kilalanin si Vien kung ano ba talagang nararamdaman and how she identifies herself.

"We have a group Activity— it is a collaboration project. Makakasama ninyo rito ang kabilang section," nagkatinginan kami ni Vien. Halatang naguguluhan. "Nag-usap na rin kami ni Dean Amanda since magkapareho lang kami ng module na ginagamit sa inyo.."

BLAHHH..

BLAHH..

BLAHH..

"For now.. check the groupings na nakapaskil na sa pintuan ninyo. Participate with your groupmates at ayoko ng panget na output.."

Natapos na rin si Father Fabian magsalita.

Naglabasan ang mga kaklase ko para tingnan kung sino-sino ang mga kasama nila sa project.

Sumunod na rin si Vien.

"BAKLLLLAAAAAA!" Tili ni Vien na akala mong walang Teacher sa harapan. "OMGGGGG! IHHHH!"

"Kung makatili ka naman.."  Kitang-kita ang excitement niya sa mukha.

"BAKLA, MAGKASAMA TAYO!"

"TOTOO BA?"

Pinakita niya sa 'kin ang listahan ng groupings at nakita kong kasama namin si INO from other section kaya nawala ang excitement ko.

"Oh, bakit bigla kang sumimangot diyan? Ayaw mo ba 'kong kasama?"

Umiling ako. "Hindi. Si Ino kasama natin."

"Oh, ayaw mo ba? YIEEEEEE."

"Tigilan mo 'ko, Teh. For sure mang-iinis lang sa 'tin 'yan."

"O.A.. OA ka na naman, Teh! Alam mo kahit kailan ang nega-nega mo pa rin. WAIT.. Don't you think pagkakataon na ang lumalapit para maglapit kayong dalawa?"

Bahagya pa siyang natatawa. Wala naman ibang ginawa si Father Fabian kung hindi magbasa ng Bibliya.

"Ano-ano iniisip mo, Teh. Tigilan mo 'ko." Sabi ko na lang.

"TEH.. HINDI MO BA NAPAPANSIN?"

"WHAT??"

"Kapag pinag-uusapan natin si Ino, namumula ka. Huwag mong i-deny. Halata ka na, Teh."

"Naiinis lang ako sa pang-aasar mo sa'kin tungkol kay Ino."

"Hala siya.. Ang lambot ng pagkakasabi ng INO.. Parang dati lang ayaw na ayaw mo sa kaniya, ah."

"Dami ko na naman naririnig. Sino pa ba iba nating kasama?"

Vien handed me her phone at ipinakita 'yung picture ng list ng bawat group.

"Check mo, Teh. Nandiyan si  France Santino Aguerro... A.K.A PRESIDENT INO."

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon