Chapter 3

42 11 21
                                        



CHAPTER 3
Alena

☾︎☀︎︎☽︎

"Oh, tara na. Puntahan na natin si Ino."

Sayang oras. May 15 minutes pa namang natitirang oras para sa break namin.

"Ay.. may klase pa tayo, Teh."

"Oh, bakit? Pwede naman magskip just for once, 'di ba?"

"Teh, gustuhin man kitang samahan at makita siyang naka-trunks, lagot ako kay Papa pag nalaman niyang um-absent ako. Bugbog na naman si Bakla."

"Na naman? Binubugbog ka ng Papa mo?"

Tumango siya. Hindi naman na bago sa 'kin ito. Marami rin akong kilala na pinaghihigpitan sila ng mga Tatay nila.

I'm getting used to it na.

Pareho lang naman kami.

"Oh, sige. Ayoko naman na mabugbog ka at masira 'yang peslak mo, ako na lang mag-isa."

"Okayyy. Ingat ka ha.. Baka ma-fall ka.."

Talagang inaasar pa ako neto kay Ino.

Ayoko sa homophobic na lalaki.

PERIOD.

"Ang OA mo! Never. Sa nakikita kong mga lalaki rito sa Campus, malabong mangyari 'yan. Saan ko ba siya pwedeng puntahan?"

"Nandon 'yon sa Swimming Pool, nagpra-practice."

"Taray. Swimmer..?"

"Oo.. para kapag sinisid ka niya, masarapan ka."

"Kadiri ka. Eewww! Ano 'ko? Kaladkaring bakla?"

Pareho kaming natawa.

"Hindi ba?"

"GAGA! Oh, siya. I have to go. Balitaan na lang kita mamaya."

"Okayy.. ingat ka, Teh.. see you.."

Pareho na kaming naghiwalay after a few seconds.

Pabalik na siya ng Classroom habang ako pupuntahan si President Ino para papirmahan 'tong Application Form para sa Organization na binubuo namin

Ang laki ng Campus.

Ang lawak din ng Swimming Pool Area, pero wala akong makitang kahit isang taong nagpra-practice tulad ng sinasabi ni Vien kanina.

Nasa'n ba 'yon?

Nakatayo na ako sa gilid ng Pool.

Dahan-dahang may lalaking umahon sa poolside na nakasuot ng kulay itim na trunks. Basang-basa at nakahulma ang mga muscle niya sa katawan.

Shet!

Tama ba 'tong nakikita ko?

It must be Ino?

"Ba't ganiyan ka makatitig?"

Hindi ko namamalayan na asa harapan ko na pala siya habang nakatingin sa akin.

"Binobosohan mo ba 'ko?"

"Excuse me? Bakit naman kita bobosohan? Hindi ka naman attractive tingnan."

"Wow.. Eh, kanina ka pa nga nakatitig sa katawan ko."

"Assumero ka?"

Kitang-kita ko sa mukha niyang naiinis siya nang makita ako. Pareho lang naman kami.

"Ano ba kasing kailangan mo? May klase ka pa, 'di ba?"

"Bakit mo alam schedule ko?"

"Magkakaiba lang tayo ng subjects, pero magkakapareho lang ang oras ng klase natin dito."

Tama.

He must be Ino?

Base kasi sa pagkaka-describe sa'kin ni Vien kanina, hindi gaanong katangkaran, pero maganda ang hulma ng katawan.

"You must be Ino. Tama ba? Oh, kung hindi man ikaw si Ino, pwede bang ituro mo na lang sa'kin kung nasaan ang Student Council President para may pakinabang ka naman."

Hindi siya nagsalita.

Suplado.

"May sarili kaming office para sa concern mo. Tsaka hindi mo naman ako kailangan titigan nang ganiyan."

"So, you must be Ino?"

"Oo nga. Ano ba kasing kailangan mo?"

Isa-isa niya nang kinuha ang mga gamit niya sa lapag.

Pure topless ang atake.

Shet! Focus.

"I want your Approval para sa Organization na binubuo namin ni Biennard.. I mean Vien para sa mga LGBTQIA+ Members dito sa Campus."

Bahagya siyang natawa.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Asa ka pa. Kahit i-approved ko 'yang Application na hawak mo, hindi ka pa rin sigurado kung approve 'yan sa board."

"Bakit naman hindi? Pwede namang subukan, 'di ba?"

Umiling siya. This time parang unti-unti ng nagiging seryoso ang mukha niya.

"Pirmahan mo na kasi para hindi ako ma-late sa klase ko ngayon." Pangungulit ko.

"Ayoko.."

"Bakit?"

"Basta.. Ayoko."

"Ang arte mo naman. Pirmahan mo na kasi."

I handed him the paper, pero hindi niya tinanggap.

Aba. Lumalaban.

"Asa ka."

Ah. Ganoon, ha.

Unti-unti akong lumapit sa kaniya at malakas siyang tinulak sa pool.

"ASA MO MUKHA MO! LETCHE! ANG ARTE!"

Hindi na ako naghintay at nagsimula nang umalis.

Bwisit!

"HOY! BUMALIK KA RITO! GAGO!"

Deserve.

Tingnan na lang natin kung may maisuot ka pa kung basa na lahat ng damit mo.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon