CHAPTER 16
Protesta☾︎☀︎︎☽︎
"Kamusta si Luke, Vien?" Tanong sa'kin ni Drei. "Tapang niya kanina."
"Edi ayon super cry si bakla. Pakiramdam niya nainvalidate feelings niya. Well, invalidated nga naman kasi dahil pinagtanggol niya lang naman si Lorie tapos parang siya pa ang naging mali."
"Wala kasi ako kanina eh."
"Lagi naman, Drei. Wala nang bago ron." Nakita kong nakatingin siya sa chicharon na hawak ko. "Oh, chicharon.. ayaw mo?"
"Busog pa 'ko. Lagi ka naman kumakain niyan."
"Ang sarap kaya. Anyways, thank you sa pag-approve ng application namin ha? Thank you, Drei! Thank you si much!" Sabi ko.
"Si Ino naman ang nagdecide na i-approve 'yon. Maliit lang din naman na bagay 'yon, Vien."
"Anong 'maliit' ka diyan. Malaking bagay na 'yon para sa'min, Drei. Malaman lang namin na may kasama kaming lumaban at tumindig, masaya na kami."
"Sana naging kasing tapang mo 'ko, 'no?"
"Drei, hindi naman nasusukat ang tapang sa paglaladlad. Hindi mo kailangan magmadali." Sabi ko. "Naghihintay lang kami sayo. Sumama ka man o hindi, desisyon mo na 'yon. Kung kailan handa ka na silang harapin, nandito kami para sayo."
"ANDREI!" Pareho kaming napatingin kay Dean Amanda. "Bakit kinakausap mo 'yan?!"
"Vien po kasi.. o Biennard man lang. May pangalan po ako." Sabi ko.
"HUWAG MONG BABUYIN ANG ISIP NI ANDREI! Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa sarili mo! Puro kabaklaan na nga lang ang dala niyo rito sa San Miguel! Magseseminaryo pa 'yan!"
Halos nakatingin na sa'min lahat ng studyante dahil sa nangyayari. Sinenyasan ko na si Andrei na umalis at naiwan akong walang kibo.
☾︎☀︎︎☽︎
"KULANG NA LANG WALISIN AKO NI DEAN AMANDA KANINA, TEH." Kwento ni Vien sa mga kaibigan nito na sina Luke at Lorie. "Nakakaloka!"
Magkakasama silang tatlo ngayon sa maliit na kubo, nagpapahinga.
"Grabe na talaga mga tao rito sa Isla. Hindi na makatao." Sabat naman ni Luke. Halatang diappointed din sa nangyari.
Makikita mo sa mukha ni Vien ang inis dahil sa nangyari. Pakiramdam niya naapakan ang pagkatao nito. Na hindi niya deserve ang ginawa sa kaniya kanina.
They knew something was up. Na minsan ay kailangan na nilang lumaban kahit hindi nila alam kung mananalo ba sila. Hindi sila papayag na ganito na lang palagi ang trato sa kanila.
Para silang Aswang na kinatatakutan ng iba. Tinuturing silang parang sakit na kailangan layuan at gamutin gamit ang sarili nilang paniniwala.
"Wala tayong safe space rito sa San Miguel." Kumento ni Luke. "Kailangan natin ilaban sa board ang karapatan natin."
"Magpride March kaya tayo?" Suggestion ni Vien. "Keri ba?"
"Tapos na ang June. Hindi na e-epek 'yan." Kontra naman ni Lorie. "Tsaka tatlo lang tayo. March ba 'yon?"
"Baka magmukha lang tayong walang pera."
Pareho-pareho silang natawa. Isinandal ni Luke ang ulo niya sa likod ng upuan at nag-isip.
Wala na silang ibang malapitan. Pa'no kung ang taong dapat pumo-protekta sayo ay nagsimulang abusuhin ang kapangyarihan, kanino ka lalapit? Kanino ka hihingi ng tulong?
"What if sa Buwan ng Wika? Pero pa'no?" Suggestion ni Lorie. Kumakain na rin ng chicharon na dala niya kanina.
"Sa Spoken Word Poetry, Bakla! Feeling ko pwede 'yon."
Umiling si Luke. "Hindi pwede. May theme."
"Wis! Pwede naman natin hindi sundin 'yon." Kumento ni Vien.
"Eh di Disqualified na 'ko agad wala pa man ang laban. Hindi pwede.." Kontra ni Luke. "Ang problema kasi rito sa Isla, maraming lumalaban. Pero walang gustong sumama. Walang gustong makinig."
"Eh di pagsamahin natin ang Pride March at Buwan ng Wika."
"Ha? Pa'no naman 'yon? Anong eksena naman natin don?" Tanong ni Luke.
Nagkaroon ng pag-asa si Luke dahil sa mga sinabi ni Lorie.
This time, they knew na kailangan na nilang kumilos at lumaban. This time ay hindi na nila hahayaang api-apihin na lang sila.
They knew this time will became their something spectacular.
Bawal ang hindi tumindig!
☾︎☀︎︎☽︎
"PUPUSTA 'KO, APO. Tungkol ba 'yan sa Buwan ng Wika? Sasali ka?"
Ngumiti ako kay Lola. Nananahi na naman siya ng susuotin kong damit sa performance ko para sa darating na Buwan ng Wika. "Opo, La."
"Marami bang sumali sa inyo?"
"Hindi ko pa po alam, La. Wala pa naman pong posted na final list ang sumali sa University."
"Anong bang tema ngayong taon?" Tanong ni Lola.
"Wala pa pong ina-announce, La. Pero sinusubukan ko na pong magsulat ngayon para minor revisions na lang po ang gagawin ko 'pag may theme na for this year."
"Sigurado ka na ba diyan, 'nak?" Napatingin ako kay Mama. Nagtitiklop ng mga damit. "Gusto mo ba talaga?"
"Gusto kong ipaglaban kung anong sinasabi ng puso at isip ko, Ma."
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong sundin."
"Kaya po ba iniwan niyo kami ni Papa at dito kayo tumira? 'Yon po ba sinasabi ng isip niyo? Na kahit ayaw ng puso mo, ginawa mo pa rin. Natiis mo nga ako eh. Wala ka ngang ginawa no'ng sinabi kong sinasaktan ako ni Papa."
Alam ko naman hindi palaging hindi sang-ayon si Mama sa akin. Simula kasi nang sabihin kong hindi ako tunay na lalaki, hindi niya na ako kinausap. Iniwan niya kami ni Papa at nanirahan sila rito sa Isla kasama si Lola.

BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventuraLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...