Chapter 4

30 11 24
                                        



CHAPTER 4
Sirena

☾︎☀︎︎☽︎

Naiinis ako!

Arrrgh!

Kung pwede lang talagang dayain 'tong pirma niya, gagawin ko.

Ang arte-arte. Simple lang naman hinihingi ko ayaw pang ibigay.

"OH.. BA'T GANIYAN ITSURA MO, TEH?"

"Negative, Bakla."

Napakunot siya ng noo.

"Ha? Pa'nong negative?"

"Bokya. Waley. Hindi pinirmahan ni Ino. BWISIT!"

"Oh.. Eh, bakit daw?"

"Aba malay ko."

"Ano ba kasing nangyari, Teh?"

"MR. PALACIOS! Quite!" Umalingawngaw sa buong Classroom ang sigaw ni Sir Tambio habang matalim na nakatingin sa'ming dalawa ni Vien.

"Pa'no ba kasi pagkakasabi mo?"

Hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Ino hanggang ngayon. "Ang sabi ko lang naman kailangan ng approval niya para sa binubuo nating Org. Masama ba 'yon? Mali ba?"

"Nakiusap ka ba?"

"Hindi. Ba't ko gagawin 'yon?"

"Ay. Tanga ka, TEH! Dapat nagplease ka man lang o kaya nilambutan mo!"

"Anong lambutan?! Eh, ang ayos-ayos kaya nang pagkakasabi ko sa kaniya kanina."

"Tigas-tigasan ka kasi, Teh. Pwede mo namang sabihin na.. 'Ino..pwede bang papirmahan 'yung Application namin para sa Org?' GANON!"

"Wala 'kong pake!"

"Teh, kung laging ganiyan attitude mo? Wala tayong mapapala. Lalo lang tayo mahihirapan papirmahan 'yang form sa kaniya."

May point si Vien.

Hindi ko rin alam kung paano pa namin mapapapirmahan kay Ino 'yung form dahil sa ginawa ko.

"Dapat kasi may konting lambing man lang.. 'yung pa-virgin. Pang Maria Clara ang atake. GANON! Tanga ka."

"Wit."

"Keri na 'yon. Konting landi lang."

"Pass."

"Aarte pa?"

"Still.. no."

"Teh, bakla ka kaya dapat kering-keri mo 'yan."

"Bakit kasi ako? Bakt hindi na lang ikaw?"

"Wititit din. Di keri. Kaya nga ikaw na 'yan. I-go mo na! Ipakita mo sa kaniya kung sino nga ba talaga si Luke Manalastas ng Org natin!"

Ewan ko.

Nakakahiya man ginawa ko, pero susubukan ko pa rin i-convince si Ino na pirmahan 'tong Application Form ng Org namin.

"Teka..."

Napatingin ako kay Vien. Aurang-aura ang mukha.

Putok na putok ang foundation at contour sa mukha niya.

"Wala pa palang pangalan Org natin, Bakla!"

That sinks in. Wala pa nga.

"May suggestion ka ba?"

"What if... BAHAGHARI ORGANIZATION?"

Umiling ako. "Chaka! Di ko bet."

"Eh kung.. BAHAGHARI AND FRIENDS? Di keri?"

"Wit. Hindi Inclusive. Chaka."

"Arte naman nito."

"SIRENA? Di pa rin?"

"Hmm.. ang common."

Hindi rin ako makapag-isip.

"AH!" Napansin kong lumingon lahat ng kaklase namin kung saan kami nakaupo. "Alam ko na!"

"Ano?"

"QUEER-KADA? Samahan ng mga Bading? Di pa rin?"

Oo nga, 'no?

"AY! BET! QUEER-KADA. Talino mo ron, ah."

"Nambola ka pa. Kunyari ka pang nag-iisip diyan, pero ang totoo si Ino lang naman inisiip mo."

"Yuck! Kadiri ka, pero bet ko 'yang pa-QUEER-KADA MO. Ang ganda!"

"Told you.."

Speaking Of..

Nakita ko si Ino na papunta sa Classrom namin. Hindi ko kilala kung sinong mga kasama niya, pero I think members din ng Student Council.

Nakasuot siya ng Casual White T-Shirt at Baggy na Pants. Bagay naman sa kaniya, pero wala akong pakeelam.

May hawak silang papel at pubmats, pero hindi ko mabasa.

"Si.. Si Ino, Teh!"

"Oo. Nakikita ko."

"TEHHHHHHHH!" Abot na naman sa sensitido ko ang tili ng baklang 'to. "Ayan na siya... IHHHHHHH."

"BAKIT PARANG IKAW ANG MAY GUSTO KUNG MAKAREACT KA?"

"Wis."

Hinawakan pa ni Vien kamay ko habang pinipiga-piga.

"Ano ba?! Kadiri ka!"

"Teeeehhh! Feeling ko ito na 'yon."

"Tse!"

"What if papirmahan mo na 'yang form? Kausapin mo na ulit."

"Ngayon? Ngayon talaga?"

"Oo, Teh! Go na!"

"Ayoko. Baka mapahiya pa 'ko sa harapan ng mga classmates natin."

"Teh, ang arte ha. Ayan na, oh. Nasa harapan mo na! Dali na, Tehhh!"

"Bakla, umayos ka. Mamaya sigawan na naman tayo ni Sir Tambio sa ingay mo." Ilang beses ko na siyang siniko-siko, pero tuloy pa rin sa pagsasalita.

"Eh.. kasi naman.."

"Ssssh. Tatahimik ka o tatawaging kitang—"

"Oo na. Tatahimik na. Ito naman di mabiro eh."

Hindi ko tuloy alam kung narinig ba ni Ino mga sinabi niya o hindi.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon