Chapter 20

26 7 6
                                        




CHAPTER 20
Kapalaran

☾︎☀︎︎☽︎

Kung may isang bagay man na hihilingin si Luke ngayon, 'yon ay huwag na sanang matapos ang gabing ito para sa kanila ni Ino. Ramdam na ramdam nito ang pagmamahal ni Ino para sa kaniya.

Hindi man niya alam kung anong mangyayari sa hinaharap, ang mahalaga ngayon ay masaya ang puso nilang dalawa. Hindi na nila iisipin kung anong sasabihin sa kanila ng iba tao.

"Sigurado ka na ba talaga dito?" Tanong ni Luke kay Ino. Pinagmamasdan nila ang maliwanag na Buwan sa kalangitan na siyang nagiging liwanag nila ngayong gabi.

"Ayaw mo ba?"

"Handa ka na bang harapin sila?"

"Oo.. Basta ikaw ang kasama ko."

"Magagalit sila Dean Amanda at Father Fabian sayo."

"Eh di magalit lang sila."

"Ituturing ka nilang parang basahan. Sasabihan ka nila ng malas."

"Okay lang. Swerte naman ako sayo."

"Mawawala ang pagiging President mo."

"Mawala na lahat sa'kin.. basta akin ka."

Napangiti si Luke. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa mga sinabi ni Ino. Kahit alam niyang maraming hadlang sa pagmamahalan nila, hindi ito basta-basta susuko.

Niyakap nito si Ino nang mahigpit. Hindi papayag si Ino na pakawalan si Luke. Handa siyang harapin ang lahat huwag lang mawala ang taong kaniyang minamahal.

Kasabay nang pag-aakapan nila ay ang paglabas naman ng mga maliliit na alitaptap sa mga damo. Everything is being enchanted. Mas naging makulay tuloy ang paligid. Mas naging masaya. Mas naging payapa dahil sa mga alitaptap na malayang lumilipad sa paligid kasama nilang dalawa.

☾︎☀︎︎☽︎

"PASABOG!" Kumento ni Ica. Magkasama kaming dalawa dito sa park at nakaupo sa swing. Malapit lang naman 'to sa University namin kaya dito na kami tumuloy. Wala ring klase kay Sir Tambio ngayon dahil naka-sick leave siya. "Sigurado ako proud na proud sa inyo mga Sirena ngayon."

"Hindi ka ba nandidiri sa'kin?" Tanong ko. Pakiramdam ko kasi lately parang ang hina-hina ko. "Hindi mo ba 'ko huhusgahan?"

"Matagal ko nang ramdam, Lorie. Pero hindi ibig sabihin non ay naiiba ka na. Hindi kailan man mali ang pagiging ikaw. Tao ka pa rin. Hayaan mo lang na samahan kita sa journey mo."

Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit. Si Ica lang ang kakampi ko sa panahon na mag-isa ako. Hindi ko pa kilala si Luke no'n. Natatakot din akong lapitan si Vien dahil ayokong mahusgahan ng iba— Pero it turns out isa rin pala ako sa kanila.

"Maraming nagmamahal sayo. Hindi ka sayang."

☾︎☀︎︎☽︎

Tapos na ang Misa ni Father. Kaming dalawa na lang ang natitira rito sa Simbahan. Napag-usapan din kanina ang kauna-unahang Float Parade dito sa San Miguel. Bangka ang gagamitin namin paikot ng buong Isla.

"Andrei," panimula ni Father habang nag-aayos ng mga gamit niya. "Kamusta ang binigay ko sayong form? Nasagutan mo na ba ga?"

"Hindi pa po, Father." Sagot ko, pero ang totoo nagdadahilan lang naman ako. "Nakalimutan ko pong sagutan kagabi." Pinag-iisipan ko pa kung gusto ko ba talagang pumasok sa Seminaryo o hindi.

"Sagutan mo na mamaya, ha?" Utos niya. "Para maipasa ko na sa Parokya natin. Ikaw ang hahalili sa'kin sa Bayang 'to."

Pilit akong ngumiti sa kaniya. Natatakot ako sa totoo lang dahil hindi ako sigurado. Natatakot akong mahusgahan ako ni Father 'pag sinabi ko ang totoo. Tama nga siguro si Vien na hindi pa ito ang tamang pagkakataon para mag-out kay Father.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon