Chapter 8

13 6 1
                                        



CHAPTER 8
Sakristan

☾︎☀︎︎☽︎

"Walang signal. Tang ina naman, oh."

Kanina pa ako naiirita sa lalaking nakaupo malapit sa inuupuan ko. Nasa waiting shed ako ngayon habang naghihintay ng sundo.

Of course— i'm drinking my favorite coffee.

Caramel Macchiato.

"Ano bang klaseng lugar 'to! Tang ina!"

"Bwisit! Hindi ako makatawag!"

Ang daming sasakyang dumaraan. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Kuya?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Drei pala.

"Luhh."

"Sorry." Bahagyang natawa si Drei nang makilala niya ako.

"Kuya? Kuya talaga?"

Ipinakita ko sa kaniya ang suot-suot kong damit. "Kuya pa rin?"

"Sorry na.."

"Di lang tayo nag-uusap nakalimutan mo na ng babae ako."

"Binabae." Pagtatama niya.

"Personalan?"

"Joke lang! 'To naman hindi mabiro."

"Biruin mo na lasing, huwag lang ang gutom."

Pareho kaming natawa.

"Kape na naman?"

"Wala namang iba, Drei."

Sumipsip ulit ako ng hawak kong kape.

"Naaalala mo ba, dito natin lagi hinihintay si Liam?" Tanong ko.

"Sa sobrang paghihintay natin, hindi natin namalayan na wala na pala tayong sasakyan pauwi dahil gabing-gabi na."

"Hindi man lang sa'tin sinabi na umuwi na pala ang bruha. Ang ending umuwi tuloy tayong naglalakad."

"Gagong 'yon."

"Tapos siya naka-beauty rest na habang tayo naglalakad pa. Ang unfair! Kainis! HAHAHA!"

Napansin ko bigla siyang naging tahimik.

"Approve na ba 'yung Application niyo para sa Org?" Tanong niya.

"Hindi pa nga e. Ayaw aprubahan ni Ino."

"Eh, bakit daw?"

"Sabi naman ni Luke, kahit i-approve ni Ino application namin.. malabo raw i-approve ng board lalo na si Father Fabian."

"Ang unfair, 'no?"

"Sanay na kami sa gano'n, Drei. Wala namang bago eh."

"Umaasa ka pa rin ba na may darating na pagbabago rito sa San Miguel?"

"Oo naman. Ibibigay din ni Lord 'yon sa'min at magiging safe space ang San Miguel para sa mga kauri naming lamang dagat."

"Sa tingin mo, unfair si Lord kay Luke? Sayo? Sa'kin?"

"Hindi naman siguro. Kahit hindi naman ako religious na tao at puro kabaklaan ang dala ko sa San Miguel, alam kong hindi unfair si Lord." Sagot ko.

Ang saya lang sa pakiramdam na kinakausap na ulit ako ni Drei.

Simula kasi nung umamin akong isa akong Trans at hindi tunay na lalaki, umiwas siya. Lumayo at hindi na ako ulit kinausap.

"Malapit na akong ipadala ni Father sa Seminaryo."

Napangiti ako.

"Masaya ka ba?" Tanong ko.

"Basta nasa tamang landas ako."

"Nasa tamang landas ka nga, pero masaya ka ba? Sa tingin mo fair si Lord kung ganiyan nararamdaman mo? Nasasakal ka sa isang bagay na hindi mo naman totally ginusto? Pag-isipan mong maigi desisyon mo, Drei. Basta ang mahalaga hanggat wala kang nasasaktan na tao, piliin mong maging masaya."

Napatingin siya sa'kin. Namumula ang mata at may kaunting luhang namumuo. "Piliin mo ang sarili mo, Drei."

Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na rin ang sundo ko.

"Oh, siya.. mauna na 'ko, Drei. See you na lang sa Campus."

"Ingat ka.."

Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Si Drei ba 'yon?"

"Opo, Ma."

"Bakit hindi mo na isabay?" Tanong ni Mama.

"Huwag na raw po, Ma. Malapit na raw po 'yung sundo niya."

Honestly, Drei was my Bestfriend before, pero dahil umamin ako na hindi ako tunay na lalaki, hindi niya na ako kinausap mula non.

Hindi na rin kami magkasama bilang Altar Server sa tuwing may Misa sa School namin.

Simula rin non, nagbago ang tingin ng lahat sa akin.

Lagi na nila akong tinataboy na parang isa akong taong may sakit na nakakahawa.

Na kesiyo bawal daw ang mga bakla sa San Miguel.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon