Chapter 2

59 11 22
                                        



CHAPTER 2
Ragsak

☾︎☀︎︎☽︎

"TEHHHHHHH! Ang galing mo magsalita kanina. Ang tapang-tapang. Pinainit mo pa ulo ni Father dahil sa mga sagot mo. Sa'n nanggaling 'yon?"

"Natural things." Bahagya tuloy akong natawa.

Sanay na akong ipaglaban kung anong karapatan at paniniwala ko.

"Dati ka bang pinakain ng puke ng baboy ng mama mo nung bata ka? O baka tite ng kalabaw?"

"Yuck! Kadiri ka, Teh!"

"Kung sagutin mo kasi si Father Fabian kanina kulang na lang suntukin mo. Lahat tuloy ng kaklase natin napatingin sayo. Iba ka, Tehh!"

Isa si Vien sa una kong nakilala rito sa Campus. Member din ng LGBTQIA+ Community. A Transgender Pinay.

Loud and Proud.

"Halatang mga tanga ibang estudyante rito. 'Yung Mark? Hindi na nga gwapo.. ang panget pa ng ugali."

"Korik! Korik ka diyan, Teh!" As usual, wala na yatang ibang alam na kainin 'tong si Vien kundi chewing gum. Rinig na rinig ko tunog ng bibig niya habang ngumunguya.

"Magsama silang dalawa ni Ino. Parehong homophobe."

"So, anong plano mo, Teh? Tutuloy natin 'to?"

"At bakit hindi?"

"Paano si Ino? Kailangan natin 'tong ipa-approve sa kaniya dahil siya ang Student Council President."

"Kakausapin ko na lang siya."

Kahit ayoko naman talaga.

"Kaya mo?"

"May magagawa ba 'ko?"

"Wala..siyempre. Ginusto mo 'yan e."

Wala naman akong choice. Bago pa lang 'tong Organization na itatayo namin para sa mga Member ng LGBTQIA+ Community dito sa Campus.

I want them to be heard.

"G ka ba?" Napalingon ako kay Vien. "May swimming lesson si Ino mamaya. Puntahan mo?"

"I'll check our Schedule kung vacant."

"Ay! Si bakla lumalambot pagdating kay Ino." Alam ko na gusto niyang iparating dahil sa lawak ng ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Hoy! Issue ka? Tantanan mo 'ko sa kakaganiyan mo."

"Tang ina! Blooming ka, Tehhh!"

Nararamdaman kong parang umiinit na ang pisngi ko.

"Hala ka, Teh! OMG!! DALAGA KA NA!!"

"GAGO!"

"IN-LOVE NA ANG BURIKAT KAY PRESIDENT INO!!!!!"

"Hinaan mo kaya boses mo! Nakakahiya ka!"

"Ay.. sorry. Sorry na.. PERO KASI—"

"Isang salita pa lumabas sa bibig mo Biennard..iiwan kita rito."

Oo. Tama kayo nang narinig. Biennard ang totoong pangalan niya.

Hindi Vien. Arte 'di ba?

"Biennard? Biennard talaga? Vien kasi. Tang ina naman nito, oh!"

"HAHA! Sorry."

"Pasalamat ka..."

"Pasalamat ano? Luke rin ang nickname ko? Hindi mo 'ko magagantihan?"

"Ewan ko sayo, Teh! Kanina pa tayo nakatayo rito. Nangangawit na paa ko."

30 minutes na kaming nagbibigay ng mga flyers sa mga estudyanteng dumaraan sa hallway. 30 minutes na rin kaming halos nakatayo lang.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Hanggat may isang naniniwala.. itutuloy ko 'to.

Gusto kong maramdaman kami.

Pakinggan nang walang panghuhusga.

Gusto kong ipaalam sa kanila lahat ng mga gusto naming ipaglaban bilang member ng LGBTQIA+ Community.

Pakiramdam mo ba ay naiiba ka?
Sasamahan ka namin.
Hindi ka namin hahayaang mag-isa.
Lalaban tayo.

09456398728

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon