Chapter 15

16 6 5
                                        




CHAPTER 15
Lamang Dagat

☾︎☀︎︎☽︎

"AKO SI INO! ISA 'KONG LAMANG DAGAT!"

Nagkakaroon na ako ng lakas ng loob. Unti-unti na rin nawawala ang takot na matagal nang nakakulong sa dibdib ko.

"Wala nang atrasan 'to, Ino. Kaya mo ba talagang harapin 'to?"

Desidido na 'ko. "Basta kasama kita."

"Lalayuan ka nila. Pandidirihan."

"Okay lang. Basta asa tabi kita."

"Ituturing ka nilang parang basahan. Sasabihan ka nila nang masasakit na salita."

Nakatingin lang ako kay Luke. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'min pagkatapos ng gabing 'to.

"Wala na 'kong pakealam sa kanila. Ang mahalaga hindi mo 'ko sasaktan."

"Mahihirapan ka, Ino."

"Alam ko, pero kaya naman kitang panindigan."

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya.

Umiling ako. "Marami na 'kong napakawalang takot sa dibdib ko, Luke."

"Tatawagin ka nilang malas, salot, o Sirena."

"Tawagin na nila 'kong ganiyan.. basta mahal mo 'ko."

Unti-unti 'kong inilapit ang labi niya sa mga labi ko habang mariing nakatingin sa kaniya.

I kissed him.

I kissed Luke.

And he kissed me back...

☾︎☀︎︎☽︎

WAIT.

Did I kissed Ino?

Mabilis ko siyang naitulak when it finally sinked in. Hinalikan ko nga siya!

Shit!

"Sorry.."

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ni Ino.

Confused. Hindi ko naman kasi in-expect na hahalikan niya 'ko.

"I kissed you without consent."

"I like it.. though."

"LOL." Kumento ko. "RIDES TAYO?"

Gabi na rin naman. Wala na rin masiyadong dumaraang sasakyan sa Piyer. I think this is the perfect moment for us.

Tahimik.

Kaming dalawa lang.

Walang judgement.

Masosolo namin ang buong Isla nang magkasama. Nang walang manghuhusga. Nang walang ibang makakakita o kung may makakita man sa 'min na magkasama, hindi namin mapapansin.

Kinuha na ni Ino ang dalawang helmet niya sa motor at pinasuot niya sa'kin ang isa. Pagkaraan lang ng ilang minuto'y sinimulan niya na rin paandarin ang makina ng motor niya.

"Kumapit ka sa balikat ko."

"Ha?"

Kinuha niya ang magkabila kong kamay at iniyakap sa bewang niya. "Ayan. Ganiyan."

"Kapit sinabi mo eh. Hindi naman yakap."

"Mas masarap sa pakiramdam."

Sabay naming sinusuyod ang kahabaang kalsada ng Piyer. Mas maganda pala ang Isla 'pag gabi. Payapa at tahimik. Napakainosente nitong tingnan.

Bahala na bukas. Hindi namin alam ni Ino kung anong mangyayari sa'min. Wala rin akong alam kung hanggang saan nga ba aabot ang pakikipaglaban namin para magkaroon kami ng safe space rito sa Isla.

Kitang-kita ang mga ilaw ng bangkang pumapalaot at bahay na nagsisilbing pahingahan ng iba.

Nawa'y maging pahingahan din ng iba ang tinuturing nilang tahanan.

☾︎☀︎︎☽︎

Bumaba na 'ko sa motor at hinubad ang helmet na suot ko bago ibigay sa kaniya.

"Ino, Thank you ha?"

"Wala 'yon. Basta ikaw."

"Pasok na 'ko.."

"Sandali lang.." Sabi niya.

"Bakit? May nakalimutan ba 'ko?"

"Meron.."

"Ano?" I asked. Confused.

"Kiss ko."

"Sira ka.."

I kissed him.

Again.

Sidapa at BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon