CHAPTER 14
Marahuyo☾︎☀︎︎☽︎
"AYAW NIYA NGA SAYO! Tantanan mo na kaibigan ko!!"
Rinig ko na naman ang boses ni Luke. May sinisigawan siyang lalaki, pero hindi ko kilala. Malamang napagtripan na naman sila.
"Huwag ka ngang makialam dito!" Sigaw naman ng lalaking hindi katangkaran.
"Bakit?! Sa tingin mo hahayaan ko na lang na bastusin mo kaibigan ko?! Over.my.dead.body!"
"BAKLA!"
"Talaga! Bakla ako at wala akong pakialam sayo!"
"Ba't ka ba kasi nakikialam? Hindi ikaw kausap ko!"
"Natural kaibigan ko binabastos mo! Makikialam talaga ko!"
Nakukuha na nila ang atensiyon ng iba pang estudyante rito sa School. Halos lahat nakatingin na sa kanila. Tila nahinto sa kani-kanilang ginagawa.
"BADING!"
"FUCK YOU!"
Galit na dumating si Father Fabian at Dean Amanda. "WHAT IS HAPPENING TO THE BOTH OF YOU?!" Sabi ni Dean Amanda. "Hindi na kayo nahiya sa ibang estudyante rito!"
"Bakit ka nagmumura Mr. Manalastas?! Ganiyan ba ang natututunan mo rito?!"
"Father——"
"Wala akong pakialam sa excuses mo this time!"
"Father, pinagtatanggol ko lang naman po 'tong kaibigan ko! Ano pong masama sa ginawa ko?"
"Wala, pero ang pagmumura ay isang malaking kasalanan sa Diyos 'yan!"
"Pero siya po ang nauna. Gumanti lang ako."
"Walang kapupuntahan 'yang ginagawa mo rito, Mr. Manalastas!"
"Wala po akong ginagawang masama, Father! Pinagtatanggol ko lang kaibigan ko!"
"HINDI MO BA ALAM ANG SALITANG RESPETO?!" Tanong ni Dean Amanda. "R-E-S-P-E-C-T. Respect, Mr. Manalastas."
"Sa tingin niyo po ba karespe-respeto ang ginawa ng lalaking 'to kay Lorie? Ba't hindi niyo po siya tanungin?"
"Kung ang paglaban po para sa inyo ay isang kasalanan, mas gugustuhin ko na lang pong maging makasalanan."
Tumalikod si Luke at naglakad na palayo. Hindi niya na alintana ang mga taong makakakita sa kaniyang umiiyak. Mabilis naman na sumunod sa kaniya ang tatlo— comforting him.
Wala akong nagawa. Ni hindi ko man lang magawang maipagtanggol si Luke at sabihin kila Father Fabian at Dean Amanda ang totoong nangyari.
Naduwag ako.
Napangunahan na naman ako ng takot.
Kung sana naging kasing tapang lang din ako ni Luke na manindigan sa kung anong tama at dapat, wala sanang mangyayaring ganito.
President ako ng Unibersidad na 'to, pero wala akong ginagawa.
Do I really deserve this position?
☾︎☀︎︎☽︎
Pinuntahan ko si Luke sa dati naming pinupuntahan. Doon lang ang alam kong lugar para makita ko siya.
Di nga ako nagkamali. Tahimik siyang nakatanaw sa dalampasigan— sa tabi ng abandonadong eroplanong lagi namin pinupuntahan.
"Pasensiya ka na kanina, ha."
Hindi siya nagsalita. Mariin lang siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa nangyari.
Napakatapang ni Luke.
Kaya niyang ipaglaban kung ano ang tama.
Kailan kaya ako magkakaroon ng tapang na mayroon siya?
Habang buhay na lang kaya akong mabubuhay sa takot?
"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong niya.
"Hindi kita nai-pagtanggol kay Father kanina."
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Kaya ko ang sarili ko, Ino. Tsaka baka madamay ka pa sa galit ni Father at Dean sa'kin. Mawala ka pa sa position mo."
"Posisyon na hindi ko naman nagagampanan ng maayos, Luke. Kung nagagawa ko lang sana nang maayos responsibilidad ko bilang President ng University, wala sanang nasasaktan."
Tinatapik-tapik niya ako sa balikat. Ramdam ko ang sakit sa mga mata niya. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon maipagtatanggol mo lahat, Ino. Manindigan ka lang sa kung anong tama para sayo."
"Pa'no kung magkamali ako?"
"Pagkakamali naman ang nagtuturo sa'tin kung paano tayo matututo. Sabi nga nila "Hindi ka natututo kapag hindi ka nagkakamali.' 'Yon ang panghawakan mo sa tuwing magkakamali ka."
Tama si Luke.
Pero paano ko naman gagawin 'yon kung may humahadlang sa'kin?
"Pa'no kung mahirap?"
"Eh, di subukan mo lang. Wala namang madali eh."
"Pa'no sasabihin ng ibang tao sa'kin?" Tanong ko.
"Lahat naman ng tao may masasabi sayo. May gawin kang tama may masasabi pa rin sila. Kaya piliin mong magpakatotoo."
Hindi ko maintindihan bakit 'pag kasama ko si Luke, nagiging kalmado ang isip at puso ko. Nagiging malaya ako.
"Ikaw ang pinakamatapang at totoong tao na nakilala ko, Luke."
"I have to, Ino. Pero hindi ako palaging matapang."
"Sana may tapang din ako gaya mo. Paninindigan kung alin ang tama at totoo. Tagal ko nang nabubuhay sa kasinungalingan." Sabi ko. "Hindi ko maipakita kung ano ang tunay na ako dahil paglabas ko pa lang ng bahay, ang dami nang nakatingin sayo. Wala silang sinasabi. Pero pagtingin mo sa mga mata nila, doon mo makikita lahat."
"Sino ka nga ba talaga, Ino?"

BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventureLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...