CHAPTER 12
Kloseta☾︎☀︎︎☽︎
"Teh, sigurado ka ba talagang may nagtext sayo? Baka trip ka lang." Kanina pa kami naghihintay dito sa abandonadong eroplano malapit sa dagat, pero wala pa rin ang hinihintay namin.
Ang sarap na sana ng kain ko ng chicharon na inuwi ko galing kila Lorie.
"Trip ka diyan. Oh, kahit basahin mo."
"Bakla, kanina pa tayo naghihintay dito."
"Teka. May naririnig na 'ko."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano bang nangyayari sa kaibigan ko?
"Ha?! Baliw ka? Anong nari—"
"LABAS NA! COME OUT! COME OUT!"
Pagkaraan lang ng ilang segundo lumabas na si ——
"LORIEEEEE?!"
"LORIEEE?!"
Sabay kaming napatingin ni Luke sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba tomboy ka, eh!" Kumento ko.
Naglakad kaming dalawa ni Luke palapit sa kaniya. "Kailan mo pa nalaman na lesbiana ka?" Tanong ko.
"Actually.. hindi ko pa alam kung ano ba 'ko. Gusto ko lang nang may makakaintindi sa'kin. Walang judgment."
"Don't worry! It'll be our little secrets for now." Sabi ni Luke.
"Tayo lang?" Tanong ni Lorie.
"Just for now. Approved naman na sa council ang Org natin kaya hindi na tayo mahihirapan magrecruit ng members 'pag naipasa natin 'yon sa board, pero tutulungan naman tayo ni President Ino."
"HALA SIYA.. ANG LAMBOT NA NAMAN NI BAKLA SA PRESIDENT INO NIYA." Pambu-bwisit ko sa kaniya.
Paano ba naman kasi, sa tuwing mapag-uusapan si Ino, laging namumula ang mukha.
Ayaw pa kasing aminin kahit halatang-halata na si Bakla.
"Inggit ka, Teh?"
Umiling ako. "Wititit, pero pa'no mong napa-approve sa kaniya? Eh, 'di ba ayaw niya?"
"Dinaan ko sa pakiusap."
"Usap lang?"
"Ang berde na naman ng utak mo, Bading!"
Confirm! Tingnan mo— pulang-pula na naman ang pisngi ni Bakla. Malandi rin 'tong bayot na 'to, eh.
Ayaw pa kasing aminin.
"So, pa'no naman tayong magre-recruit ng mga members sa Org natin?" Tanong ni Lorie.
"Flyers. Gagamit tayo ng mga flyers at ipapamigay natin sa mga estudyante rito sa San Miguel. Marami namang lamang dagat diyan na hindi pa handang mag-out gaya mo, Lorie."
"Hindi ba sasama sa'tin si Ino?" Tanong ko.
"No, pero tutulungan niya tayong magpresent sa board 'pag handa na tayo."
Ibang laban na naman 'yon.
Mas mahirap, pero alam kong kakayanin namin 'yong tatlo.
Alam kong imposible, pero gagawan namin ng paraan ni Luke at Lorie.
"Gustong-gusto ko 'yung tapang niyo. Tapang na wala ako." Kumento ni Lorie habang nakatanaw sa malawak na karagatan.
"Okay lang naman manahimik kung hindi ka pa handang mag-out. Kung sa tingin mo hindi mo pa sila kayang harapin, okay lang 'yon." Sabi ko.
Lumapit sa kaniya si Luke at ipinatong ang kanang braso sa balikat ni Lorie.
"Hindi mo naman kailangan magmadali. Take your time lang. Kapag handa ka nang harapin sila, 'pag mayroon ka ng lakas at tapang gaya namin, may taong handang makinig at samahan ka."
"Walang pwedeng kumuha ng kalayaan, respeto, at karapatan na para sa atin." Lumapit ako kay Lorie at mariin itong niyakap.
"Salamat sa inyong dalawa. Nakahanap ako ng taong makakaintindi at kasama kong titindig."
![](https://img.wattpad.com/cover/372362241-288-k32665.jpg)
BINABASA MO ANG
Sidapa at Bulan
AventuraLuke Manalastas, a proud member of the LGBTQIA+ community, transfers to San Miguel University, located in a town notorious for its lack of acceptance. Determined to create a safe haven, he creates QUEER-kada, an organization dedicated to protecting...