Part two nyaa~
Y/N's POV
Ang saya maging single sa umaga, what if magmahal ulit ako sa gabi.
"Hello naman sa kaibigan kong habulin ng mga lalaki." Sabi ni Abi.
"Ganda talaga ng bestie natin na 'yan." Sabi ni Ally.
Ang ingay naman.
"Ano na naman bang kailangan n'yo?" Tanong ko.
"Alam naming nasa healing phase slash enjoying the single era ka ngayon pero—" Tinigilan ko si Abi.
"Hindi ako interesado kung sino man 'yan." Sabi ko.
"Sayang, gwapo pa naman." Sabi ni Ally.
"Anong pake ko?" Sabi ko.
"Ang gago mo." Sabi ni Abi.
Hahampasin ko sana s'ya kaso nagrerecover pa yung fracture ko.
"Akala ko ba sa bahay ka ng mga Ricalde magsstay habang nagpapagaling?" Tanong ni Ally.
"It's been two months since na-discharge ako and nag-stay din naman ako do'n ng ilang linggo bago 'ko nag-decide na kaya ko na kahit walang alaga." Sabi ko.
"Kumusta yung braso mo?" Tanong n'ya.
"Okay na, kakatanggal lang nung cast a few days ago." Sabi ko.
"Soon enough mahahampas ko na ulit kayo." Sabi ko.
"Masamang gawain agad naiisip." Sabi ni Abi.
Biglang may pumasok sa condo ko.
"Ate Aiah!" Excited kong tawag.
"Bwisit ka, akala ko may magnanakaw." Sabi ni Abi.
Ang gandang magnanakaw naman.
"May susi ka ng condo ni Y/N?" Tanong ni Ally.
"Binigay ko muna sa kan'ya yung extra key para 'pag may pinapasuyo ako." Sabi ko.
"Baks, baldado ka ba para utusan si Ate Aiah?" Sabi ni Abi.
"May aruga kasi sa'kin si Ate Aiah, kayo puro pambbwisit lang ang ambag sa buhay ko." Sabi ko.
"Ang ingay n'yo talagang tatlo." Sabi ni Ate Aiah.
"Last na pala 'tong utos ko, kaya ko naman na gumalaw-galaw." Sabi ko.
"Ay ganon?" Sabi n'ya.
"Ikaw lang nakita kong nalungkot nung hindi na mauutusan." Sabi ni Abi.
"Ano pala 'yang binili mo?" Tanong ni Ally.
"Akin 'yan!" Sabi ko.
"Patikim lang kami." Sabi ni Abi.
"Cinnabon 'yan, my favorite." Sabi ko.
"Okay, pahingi kami ng Cinnabon, your favorite." Sabi ni Ally.
"I can buy more naman if you want." Sabi ni Aiah.
"Hindi na, Ate Aiah." Sabi ko.
"Bigyan n'yo naman si Ate Aiah." Sabi ko.
Inabutan ni Abi si Ate Aiah ng cinnamon roll na may kagat n'ya.
Natawa si Ate Aiah.
"Balasubas mo!" Sabi ni Ally.
"Hindi na 'ko kumakain ng matatamis ngayon." Sabi ni Ate Aiah.
"Healthy living ang atake mo." Sabi ko.
