"Narito ako upang ayain kang muli na sumama sa amin..magtulungan tayo. Pabagsakin natin ang heneral"
"Pero—"
"Hindi pa ito ang umpisa ng pagiging ganid niya sa kapangyarihan..
maniwala ka sa akin kilala namin ang tunay na ugali ng heneral na iyon. Darating ang araw na ikaw rin ang isusunod niya. Iisa-isahin niya kayo hanggang sa mawala kayong lahat. Hindi siya marunong magtiwala..
hindi siya kailanman naniwala kahit kanino" sabi niya na para bang sigurado siya sa sinasabi niyaPaano niya nasasabi ang mga ito na para bang sinisiraan niya ang heneral? Alam kong gawa gawa niya lang 'to para talikuran ko si Luis. Pero hindi ko gagawin 'yon, hinding hindi ko gagawin 'yon
"Pero bakit ako lang ang inaaya niyo?Maraming tao rito na pwede niyong i-recruit—este ayain na sumanib sa pwersa niyo pero bakit ako lang?" pagtatakha ko
Marami kami sa bahay pero bakit ako lang inaaya nila? Ano 'yon? Ako lang ba nakakuha ng attention nila kaya ganito?
"Sapagkat lahat ng narito sa hacienda..ay kasapi na ng aming samahan"
Tila ba nabingi ako dahil sa aking narinig at halos mamanhid ang tuhod ko dahil sa sinabi niya
P-paanong..? So it means all this time napapaligiran ako ng rebelde? Pero bakit? Bakit hindi ko napapansin? Wala akong napapansin na kahit na ano sa kanila. Walang kakaiba sa mga kilos nila tsaka kaya pala ganon na lang ang reaction ng karamihan kanina habang pinapahirapan si Felimon dahil..magkakasama silang lahat!
Agad kong naisip si Luis dahil sa aking nalaman
Hindi ba siya aware sa kung anong klaseng tao ang mga nakapaligid sa kanya? Paano na kaya siya kapag nalaman niyang ang mga taong pinapatira niya ngayon sa tahanan niya ay mga rebelde? Mga taong anytime pwede siyang..patayin
Tila ba may kumirot sa puso ko dahil sa naisip ko. Tila ba ako ang nasaktan para sa kanya.
Paano na siya kapag naisipan ng samahan nila na lusubin siya bigla? Paano kung habang natutulog siya bigla siyang pagtangkaan? Kawawa si Luis..wala siyang kakampi
"B-Bakit sinasabi mo sa akin 'yan? Paano kung ibulgar ko kay Heneral lahat ng sinabi mo? Hindi ba kayo natatakot para sa kapakanan ng ng mga kasamahan niyo sa loob ngmansyon?" sunod sunod na tanong ko matapos kong manahimik ng ilang saglit
"Batid naming hindi mo magagawang magsumbong gaya ng hindi mo pagsumbong noong pinasok namin ang iyong silid"
"Kasi wala lang 'yon! Iba na ngayon! Mga rebelde kayong lahat!" naiinis na sigaw ko sa kanya
Dahil lang sa hindi ako nagsumbong last time iniisip na nilang wala lang 'yon?! Duh! Hindi ba niya naisip na iba ang ginawa nila last time sa pwedeng mangyari sa future? Like akyat bahay lang noon, rebelyon naman ang pwedeng mangyari next time at kawawa si Luis kapag mangyari 'yon! Kawawa sila ni MacMac! Well..isama na rin natin si Lucas
"Umalis ka na..kung sino ka man. Baka may makakita pa sayo" tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palayo pero agad din akong tumigil at nagsalita kahit nakatalikod ako sa kanya "Nga pala, huwag na kayong bumalik dito..hindi ako sasama sa inyo kahit kailan..hinding hindi" muli akong nagpatuloy sa paglalakad papasok sa mansyon
Agad din akong napahinto at napapadyak sa inis nang maalala ko ang sadya ko sa likod bahay
Yung panggatong!
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
Fiksi SejarahMeet Nathalia Shane Dimagiba a normal nursing student from the present who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past! And there she met a man-Luis de Alejandro Carlos y Vicencio..the Governor General w...