What happen?
"Dito nalang po kuya, ito po yung bayad." pagkarating na pagkarating ko sa Manila ay dumiretso ako sa bahay nina Sehun, I need to clear this up, tell him the things I need to. Kaagad akong nag door bell sa bahay nila. Matagal bago mabuksan ang pintuan siguro dahil ay busy sa loob ng bahay.
"Mam Alexis!" nagulat ako nung nakilala ako nung yaya niya, medyo matanda na ang itsura neto at mukhang matagal na din sakanila pero hindi ko pa siya nakikita, iba naman ata yung sumalubong samin dito noon e
"Hi po manang! Si Sehun po?" tanong ko, pero kaagad siyang napa yuko. Sa hindi ko malaman na dahilan ay kinabahan ako-- may nangyari bang masama sakanya? Ano bang nangyari pag-uwi nya?
"Pasok ka muna hija." sabi sakin ni manang at hindi sinagot ang tanong ko, binuksan niya ng mas malawak yung gate para makapasok ako, sinabi niya na maupo daw muna ako sa sofa at magpa hinga dahil mukhang pagod daw ako sa biyahe.
Habang naghihintay ako dito sa sala ay may narinig akong ingay sa itaas, kumalabog yung puso ko. Kinakabahan talaga ako, paano kung palayasin nila ako dito sa bahay? Ano nalang natira sa dignidad ko? Nagulat ako nang makita kung bumaba si Thinx kasama si Kai, napatayo ako sa sofa nang makita din nila ako, nalaglag ang panga nila, daig pa ang nakakita ng aswang.
"Alex!" halos magkasabay nilang sigaw at takbo papunta saakin
"Kelan ka pa umuwi? I miss you!!" tanong ni Thinx sabay yakap saakin.
"Nasaan si Sehun?" hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi naman siya ang ipinunta ko dito at anong ginagawa niya dito sa bahay nila Sehun? Nagka balikan na ba sila? Ano ba talagang nangyayari?
"Wala siya dito." sagot ni Kai na nasa likuran lang ni Thinx
"Imposible. Bahay nya to tapos wala siya dito eh kayo nga nandito, yung may-ari pa kaya?" sabi ko sakanila, kaagad namang napa iling si Kai
"Sehun is missing. Tumawag si tita last night tinatanong kung nandito na daw ba sya dahil umalis na daw sya sa U.S kaya ang sinabi ko ay pupuntahan namin ngayon dito sa bahay nila, but sad to say he's not here. Hindi pa daw umuuwi dito ever since they went t U.S"
"Stop fooling around Kai! I know he's here! Stop hiding him from me, please." sabi ko sakanya, napa kunot ang noo ni Kai sa inasta ko kahit si Thinx na best friend ko ay nagulat sa ginawa ko
"May nangyari sa sainyo ni Sehun kaya ka biglang umuwi dito Alexis?" tanong ni Thinx sakin, umiling ako sakanya bilang sagot. Ayokong malaman nila kung anong nangyare saamin ni Sehun sa U.S, hindi rin naman sya ganun ka special dahil hindi rin namin naayos ang gusot saaming dalawa. Umupo kaming tatlo sa sofa, dinalhan kami ni manang ng merienda, hindi ko rin alam kung bakit nandito pa kami eh pero ang sabi ni Kai baka daw kasi mamaya umuwi si Sehun dito at baka daw may dinaanan lang siya kaya hanggang ngayon ay wala pa dito.
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone