"Hoy! Anong drama mo?" nandito ako ngayon sa garden ng school, uwian na kasi, pero ayoko pang umuwi kaya tumambay na muna ako dito, at isa pa wala akong dalang payong, malakas ang ulan.
"Hoy! Naririnig mo ba ako?" nasira yung momentum ko nung may nakita akong nagswa-sway ng kamay niya sa mismong harapan ng mukha ko, akala ko nung una babae, ang ganda kasi nung kamay, si Baekhyun pala
"Oh? Sorry naman, malay ko bang nandyan ka" sabi ko sakanya kaya naman inirapan niya ako, itong baklang to, sarap batukan!
"Hmp! Ano bang ginagawa mo dito?!" tanong niya sakin at umupo sa tabi ko at nag cross legs pa, omo! Kay landi umupo!!
"At isa pa, kanina ka pa hinahanap ni Sehun ah! Tinataguan mo ba? Wala ng ibang bukam bibig simula kaninang recess, lunch at break time yung lalaking yun kundi ang pangalan mo!" sabi ni Baekhyun, oo tinataguan ko siya, nung recess pumunta ako nung library, nung lunch nagpabili ako ng pagkain sa kaklase ko at kumain sa cr, nung free time nagtago ako sa may auditorium, ewan ko ba, hindi lang naman siya tinataguan ko eh, pati na din si Myungsoo.
"Nandun lang naman ako sa classroom kanina ah" pagdadahilan ko kay Baekhyun, tinaasan niya naman ako ng kilay, impaktitang baklang to! Napaka taray!
"You bad bad bad girl, your so bad" sabi ni Baekhyun sakin habang dinuduro ako, kaya naman tinabig ko yung kamay niya, akala niya ah!
"Ano ba bakla ka!" sabi ko sakanya kaya naman nag flip hair siya, che!
"Eh kasi naman halos masira na ni Sehun yung mga gamit dun sa classroom niyo, malibot na yung buong school ay hindi ka niya mahanap! Jusko!" sabi ni Baekhyun sakin, napatingin ako sa other side, hindi ako nakokonsensya, kung kailangan araw-araw gagawin ko yun, huwag lang mangyari yung nangyari nung isang araw.
----
"Anong gusto mong flavor?" tanong ni Sehun sakin habang yung isa niyang kamay nakakapit sa bewang ko, ngumiti ako sakanya sabay sabi ng order ko
"Strawberry" sabi ko, ngumiti siya at sinabi na ang order namin, nang maibigay na ang order ay humanap kami ng upuan, syempre diba saan kami kakain sa sahig?!
"Masarap pala ice cream dito, dapat araw arawin natin to, what do you think angel?" sabi sakin ni Sehun sabay ngiti, yeah, tama sya masarap nga yung ice cream dito, kaya tumango ako sakanya
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone