08

145 4 0
                                    

Nanlaki yung mata ko nung sinabi niyang runaway, grabe naman kasi, nasa 3rd year palang kami tapos runaway, sa tagalog magtatanan? Jusko! Ano nalang sasabihin nila mama sakin pagkauwi nila dito sa Pilipinas, na sila halos masunog na yung kilay sa pagtra-trabaho tapos ako lumalandi lang, aba baka masakal ako ng nanay ko ng wala sa oras.

"S-sehun .." sabi ko sakanya, pero mas hinawakan niya lang ng mahigpit yung kamay ko, grabe naman, para naman tatakasan ko siya dito sa gitna ng highway.

"P-please .. kahit ngayong gabi lang, samahan mo lang ako, gusto ko lang ng karamay." sabi niya, saan naman kami tutuloy? Waaaahhhh. Baka mamaya may gawin siyang masama sakin, baka mamaya kasama dun sa bet nila ang buntisin ako, waahh, jugigo! Mapapatay ko siya kung nagkataon, nakoo~!

"S-saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya

"Sa paborito kong lugar, s-sige nanaman please .." utang na loob, saan ba yung paborito niyang lugar, waaaaahhh. Kinakabahan kasi ako, mamaya reypin niya ako, o kaya naman ikulong sa isang lumang bodega tapos ipapabugbug niya ako, o kaya naman iwan niya ako sa isang lugar na hindi ko alam, kawawa naman yung mga magulang ko kapag nagkataon, waaaahhhh.

"H-ha? Sehun naman, be specific." sabi ko, pero bigla nalang siyang nag drive, sinasabi ko na nga ba may balak to eh, waaaahhhh. Mam Charoooo~!!!! Ito na ata ang climax ng storya, tandaan mo, I-feature mo ko ah, waaahhh, kaso kung may SPG dito, wag na pala, nakakahiya sa mga kakilala ko!

"Waaaaaahhhh, kikidnapin mo ba ako?" sigaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako, yung puso ko, kinakabahan akooo~ 

"Sobra ka naman angel, hindi pa naman ganun kahaba ang sungay ko para kidnapin kita, hahaha" sabi niya, walang hiya! Ibig sabihin pag humaba pa yung sungay niya, waaahh, kikidnapin niya nga ako, jugigo! Sinong magliligtas sakin?! Walang magbabayad kung sakaling humingi siya ng pera, hindi naman basta basta mapapadala ng mga magulang ko yun, at mas lalo naman yung tita ko, may pamilya din naman yun na binubuhay, jusko.

60 Seconds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon